Ano ang enterovirus at paano ito naging banta sa kalusugan ng bata?
Nayakap pa ang 11-day-old na si Billie ng kaniyang mga magulang bago siya binawain ng buhay. Ito ang kwento ng nanay na si Candice tungkol sa nangyari sa kaniyang anak. Nais niyang makapagbigay ng impormasyon at babala sa ibang magulang tungkol sa kakaibang sakit na ito.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Pinagdaanan ni baby Billie
- Ano ang enterovirus?
Ang kwento ni Candice
Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang anak ko. Ipininganak ko via c-section si Billie noong 39th week niya. Sinabi pa sa akin ng doktor na hindi normal ang puso niya. Kamukha ni Billie ang ate niya na si Aubrey—maliit at matabang bata.
Isang gabi, pansin kong medyo naninilaw siya at mayroong mababang lagnat. Matapos ang tatlong gabi, inuwi na namin ang anak ko at sinabi ng kaniyang paediatrician na okay na siya ngunit pag-uwi namin, hindi siya makatulog at makakain man lang. Nagsimula na akong mag-alala. Dalawang araw matapos ito, bumisita ang nurse para suriin ang anak ko. Pinayo niya sa akin na dalhin ko na sa ospital ang anak ko dahil sobrang underweight na ito at naninilaw.
Ano ang enterovirus: Wala kaming kaalam-alam sa nangyayari
Lumabas sa test na mayroong Meningitis ang anak ko, at akala ko seryoso ito. Sinabi na rin sa akin na maaaring magkaroon ng delay o disability. Ngunit pagkatapos ng ilan pang test, nakumpirmang may Enterovirus si Billie. Isang virus na inaatake ang bituka.
BASAHIN:
COVID-19 virus, kumakapit sa balat hanggang 9 na oras kapag nagkaroon ng contact dito
Dexamethasone: Nakakatulong nga ba na labanan ang coronavirus?
Ayon sa doktor,
“That’s the best possible outcome, we know this virus, she should be fine.”
Mayroong maliit na tyansa na maaaring umabot ito sa puso ngunit sinabi rin sa akin na ito ay bihira lamang.
Medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Ang sabi sa akin ng doktor, kapag um-okay ang tests maaari ko na siyang iuwi pagkatapos ng dalawang araw. Kinaumagahan, hindi na niya inalis ang bote ng gatas sa kaniyang bibig. Umiinom na talaga siya ng gatas ngunit nagulat ako dahil sinusuka lang niya ito.
Sinabi sa akin na pwede ko na siyang iuwi ngunit may naramdaman akong kakaiba. Hindi ako komportable sa pagsusuka niya.
Hanggang sa nais nang isailalim sa nasogastric tube ng doktor ang anak ko. Pinipilit kong magpakatatag sa pagkakataong iyon. Nilalaro ko siya lagi pero hindi ko na kinaya, umiyak ako ng umiyak. Nang kinabit na paisa-isa ang mga monitor, napansin kong kakaiba na talaga ang anak ko—dito na siya isinailalaim sa emergency.
Pagtunog ng alarm
Hindi ko magawang kumalma nang makita kong marami nang medical staff ang nakapaligid kay Billie. Naalala ko ang sinabi ko sa sister-in-law ko na kung paano kung mamatay siya? Pero pinilit ko pa ring maging malakas at alam kong gagaling ang anak ko.
Sinabi sa akin ng paediatrician na pumunta na sa puso ni Billie ang virus at kailangan na siyang ilipat sa Melbourne pero hindi magawang ilipat.
Sinabi ng asawa ko sa akin na sasailalim sa “heart compression” ang anak namin. Kahit na sinabi sa akin ng doclor ko na “you need to prepare yourselves, Billie probably won’t survive this.” Inisiip ko pa rin na gagaling siya.
Namatay si Billie kinaumagahan dahil sa Enterovirus Myocarditis. Ang dami niyang pinagdaanan. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari ito sa kaniya.
Kinakailangan nating malaman kung ano ang enterovirus
Nais naming magkaroon ng awareness ang lahat lalo na ang mga magulang para magkaroon ng malalim na kaalaman pagdating sa sakit na ito.
Ilang linggo nang ipinanganak si Billie ay may sakit si Aubrey. Nasabi sa akin na maaaring nakuha ito ni Billie kay Aubrey. Bago ako manganak, alam kong masama ang pakiramdam ko ngunit pinabayaan lang ito.
Pagkatapos mamatay ni Billie, nalaman naming may malubhang Coxsackievirus B siya. Ngayon, alam na namin na kung may Enterovirus ang isang sanggol, mahalaga na dalhin agad ito sa ospital. Kahit na walang kasiguraduhan, kinakailangan pa rin. Sa mga bata at matatanda, mild na sintomas lang ang kanilang mararamdaman ngunit pagdating sa mga sanggol, ito ay nakakamatay.
Marami ang uri ng Enterovirus na maaaring makapagdala ng isang kilalang sakit na Polio.
Isalba ang buhay ng bawat isa
Hangad ng ‘All for Billie’ campaign na magkaroon ng $30,000 na podo para sa Enterovirus research sa The Royal Melbourne Hospital Foundation. Sa pamumuno ni Associate Professor Bruce Thorley, ang proyektong ito ay makakatulong para sa malalim na kaalaman pagdating sa Enterovirus
Ang logo ng ‘All for Billie’ ay may peony.
Para sa donasyon, i-click lamang ito.
Ang sintomas ng Enterovirus ay may pagkakahawig sa ibang microorganisms katulad ng lagnat, sipon, ubo, rashes sa balat, pananakit ng muscle at singaw sa loob ng bibig. Nagiging kritikal ito kapag natamaan ang puso at spinal cord ng tao.
This article was first published in AsiaOne and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano