Dexamethasone brand name Philippines list: Narito ang tungkol sa dexamethasone na sinasabing kayang labanan ang sakit na COVID-19. Pati na ang mga brand ng gamot na available at mabibili dito sa Pilipinas.
Dexamethasone laban sa sakit na COVID-19
Isang magandang balita para sa lahat ang pagkakatuklas na ang gamot na Dexamethasone ay nakakatulong umanong makapagpagaling ng mga pasyenteng dinapuan ng sakit na COVID-19. Ito ay base sa resulta ng ginawang pag-aaral ng grupo ng mga researchers mula sa Oxford University. Sa pamamagitan ito ng pagkukumpara sa naging resulta ng kondisyon ng 2,000 hospital patients na nabigyan ng gamot at higit sa 4,000 na pasyenteng hindi nabigyan nito.
Ang gamot ay ibinigay sa pamamagitan ng intravenous injection at tablet form sa mga pasyente.
Ayon sa mga researchers, binawasan ng Dexamethasone ang tiyansa ng mga COVID-19 patients na masawi ng dahil sa sakit. Nasa 40% hanggang sa 28% ang naibawas na tiyansa ng pagkakasawi sa mga COVID-19 patients na naka-ventilalors at nabigyan ng gamot. Habang nasa 25% to 28% naman ang tiyansa ng pagkakasawi na naibawas sa mga taong may COVID-19 na naka-oxygen. Pero dagdag nila ang sakit ay nakakatulong lang sa mga COVID-19 patiens na nasa malubhang kalagayan o yung mga nahihirapan ng huminga. At hindi ito nakitang nakatulong sa mga taong may milder symptoms lang ng sakit. Hindi rin ito maaring ibigay sa mga COVID-19 patients na buntis at nagpapasuso.
Reaksyon ng mga eksperto
Ikinatuwa naman ng mga eksperto ang pinaka-latest na findings na ito laban sa sakit. Ito umano ang kauna-unahang gamot na nagpakita ng kakayahang mabawasan ang tiyansa ng isang severe COVID-19 patient na masawi dahil sa sakit. Ito ay ayon sa chief investigator ng ginawang pag-aaral na si Professor Peter Horby.
Ayon naman sa WHO o World Health Organization ay napakagandang balita nito. At kanilang kinongratulate ang mga researchers na nasa likod ng itinuturing na life-saving breakthrough laban sa COVID-19.
“This is the first treatment to be shown to reduce mortality in patients with COVID-19 requiring oxygen or ventilator support.”
“This is great news and I congratulate the Government of the UK, the University of Oxford, and the many hospitals and patients in the UK who have contributed to this lifesaving scientific breakthrough.”
Itp ang pahayag ni Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director-General ng WHO.
Dagdag pa nga ng mga researchers, kung ang gamot ay naibigay lang sa pasyente mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic ay maaring nailigtas nito ang hanggang sa 5,000 na buhay ng mga pasyenteng naapektuhan ng sakit sa United Kingdom.
Maliban sa UK na kung saan ginawa ang pag-aaral, ang gamot na Dexamethasone ay makakatulong rin umano sa mga mahihirap na bansa sa mundo na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Ano ang gamot na Dexamethasone at saan ito ginagamit?
Bagamat malaking bagay ang ambag nito sa laban ng buong mundo sa sakit na COVID-19, ang Dexamethasone ay isang murang gamot na matagal ng available.
Ito ay isang uri ng steroid na ginagamit upang mabawasan ang inflammation na idinudulot ng ilang health conditions. Tulad ng mga inflammatory disorders, cancers, severe asthma, severe allergic reactions, inflamed joints, rheumatoid arthritis at lupus. Ito nga ay kabilang sa WHO Model List of Essential Medicines mula noong 1977 na available sa maraming bansa sa buong mundo.
Paliwanag ng mga eksperto, tinutulungan nito ang isang COVID-19 patient na gumaling mula sa sakit sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang immune system. At sa pagbabawas ng inflammation na nararanasan ng kanilang katawan.
Dexamethasone brand name Philippines
Ayon naman sa Department of Health, mahalagang maintindihan ng mga Pilipino na hindi ito isang “magic pill” na kapag ininom mo ay hindi ka na magkakaroon ng COVID-19. Hindi rin daw ito gamot sa COVID-19, bagamat ayon sa pag-aaral ay nakakatulong ito sa mga taong nakakaranas ng severe COVID-19 symptoms bilang supportive treatment. Kaya naman hindi daw dapat basta-basta bumili at uminom ng gamot upang maging proteksyon laban sa COVID-19.
“People might think that this is the magic pill para sa COVID-19. It is not. Hindi ito gamot na pag ininom, mawawala ang COVID-19 o ‘pag ininom mo ito, hindi ka magkaka-COVID.”
Ito ang pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Dagdag pa niya kailangan pa ng dagdag na ebidensya at analysis upang mapatunayan ang findings ng isinagawang pag-aaral.
“Hindi pa siya [study] peer-reviewed. Kailangan ang peer review para masabi na ang ebidensya o ang study ay katangggap-tanggap”
“Antayin natin ‘yung resulta ng peer review na ito para ‘yung ating eksperto ay mapag-aralan yan at masabi kung talagang pwedeng gawin.”
Ito ang dagdag niya pang pahayag.
Dito sa Pilipinas ang Dexamethasone ay mabibili sa ilalim ng iba’t-ibang brand name. Narito nga ang Dexamethasone brand name Philippines list:
- Adrecort
- Dexamax
- Dexamet
- Dexticort
- Drenex
- Isodexam
- Maxidex
- Oradexon
- Penodex
- Cordex 5
- Dabrin
- Decan
- Decilone/Decilone Forte
- Dexavit
- Dexicort
- Doxam
- Drugmaker’s Dexamethasone
- Metacort
- Ondex
- Ozurdex
- RiteMED Dexamethasone
- Santeson
- Scancortin 5
- Vherdex
Ang gamot ay maaring mabili sa halagang P7 isa hanggang P30. Ang presyo ay naiiba sa brand at form ng paggamit nito.
Source:
BBC, WHO, Inquirer, MIMS, Watsons
Basahin:
COVID-19 bihirang maipasa sa baby habang buntis, ayon sa pag-aaral
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!