Mababasa sa artikulong ito:
- Baby, muntikan ng maputulan ng paa
- Ano ang hair tourniquet syndrome?
- Sintomas ng hair tourniquet syndrome
- Paraan upang maiiwasan ang hair tourniquet syndrome
Baby, muntikan ng maputulan ng paa
Nagising si Alex Upton, 26, isang umaga dahil umiiyak ang kaniyang 10-linggong gulang na baby na si Ezra. Sinubukan niya itong padedehin ngunit ayaw nitong tumahan.
Dahil na rin sa mother’s instinct, dama niya na may kakaiba sa kaniyang baby. Hindi niya alam na may hair tourniquet syndrome na pala ang kaniyang anak!
Hair tourniquet syndrome
Sinubukan na ni Alex ang iba’t ibang paraan para mapatahan si Ezra, ngunit hindi ito tumitigil sa pag iyak at pag sigaw. Nang papalitan na niya ng damit ang baby, dito niya nakita ang sanhi ng discomfort ng kaniyang anak: magang-maga at namumula ang apat na daliri nito sa paa!
Nang tignan nang maige, nakita ni Alex na may nakapulupot na isang piraso ng buhok sa mga daliri sa paa ng bata na naging sanhi upang hindi makadaloy ng maayos ang dugo sa paa nito.
Sinubukan ni Alex na hilahin ang buhok, madali naman itong natanggal sa ibang toes ngunit mahigpit ang pagkakapulupot nito sa daliri katabi ng hinlalaki.
At dahil namaga na nga ang maliit na toe ng baby, naging mahirap para kau Alex na tanggalin ang buhok. Dadalihin na sana niya si Baby Ezra sa doktor dahil may 15 minuto na niyang sinusubukang tanggalin ang buhok. Finally, natanggal niya rin ito ng tweezers.
Dinala pa rin ni Alex si Baby Ezra para matignan. Sa kabutihang palad, walang naging kumplikasyon ang nangyaring hair tourniquet syndrome sa bata. Binigyan ito ng anti-bacterial cream para sa sugat.
Tantsa ni Alex napulupot ang buhok sa paa ng 12 hanggang 14 na oras dahil umaga na nang makita niya ito. Dagdag pa nito na buti nakita niya ang buhok kundi baka pinutulan na daw ng mga daliri sa paa ang baby kung natagalan pa ang pagkaka-tanggal ng daloy ng dugo sa mga toes nito.
Kasalukuyang okey na si Baby Ezra, ngunit nananawagan naman si Mommy Alex na dapat maging aware ang ibang magulang sa hair tourniquet syndrome.
“Simula ngayon, iche-check ko na nang mabuti ang bawat strand ng buhok. Lubos akong natakot sa nangyari.
Hindi ako makapaniwala na hindi nagbibigay ng babala ang mga duktor at midwife na puwedeng mangyari ito sa baby.”
Larawan mula sa Daily Mail
BASAHIN:
A single strand of hair could cost your baby a toe! Scary!
Hairband found in girl’s arm shows the need for parental vigilance always
Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby
Hair tourniquet syndrome, ano ba ito?
Ano nga ba ang hair tourniquet syndrome? Ito ay nangyayari kapag napupulupot ang buhok sa isang parte ng katawan at nagiging sanhi ito ng pagpigil sa daloy ng dugo sa parte na iyon.
Maaari rin itong makaapekto sa daliri sa kamay at paa, ganoon din sa genitals. Ang hair tourniquet ay maaari rin sanhi ng piraso ng thread o string.
Kadalasan itong nakakaapekto sa mga baby dahil ang kanilang appendages o mga bahagi ng katawan na napapaluktot katulad ng kamay, mga daliri sa kamay at paa, at iba pa.
Dahil nga maliliit ito ang buhok ay maaaring mapulupot dito. Ang mga postpartum na nanay ay kadalasan na wawalan o nalalagasan ng buhok. Sanhi nito tumataas ang tiyansa ng exposure ng baby sa buhok.
Sintomas ng hair tourniquet syndrome
Ang hair tourniquest ay maaaring maging masakit talaga, kaya naman ang mga baby na mayroon nito ay iiyak talaga. Mahalaga na ang mga magulang at nagbabantay sa bata ay may checklist kapag umiiyak si baby.
Ang pag-alam sa intensity ng iyak ng baby o sanggol ay makakatulong sa mga magulang upang malaman ang iniinda ng anak. Lalo sa paghahanap ng hair tourniquet.
Kung ang iyong baby ay umiiyak dahil sa sakit at sinubukan mo na ang lahat upang matahan siya, katulad na lamang ng pagpapalit ng diaper, pagpapadede sa kaniya at iba. Magandang ideya na tignan ang kaniyang katawan sapagkat baka mayroon na siyang hair tourniquet.
Narito ang ilan sa mga senyales na dapat mong malaman, ito ay ang mga sumusunod:
- Matindi at walang tigil na pag-iyak dahil sa sakit
- Namumula o ibang kulay na ang daliri, toes, ari, dila o umbilical cord
- Pamamaga ng parte ng katawan na nabanggit sa itaas
- May linya na gabuhok kahit hindi makita ang buhok
Napakadelikado ng hair tourniquest lalo na kapag hindi ito napansin agad sa mga baby. Maaaring matulad ito sa nangyari sa baby ni Alex. Pwede rin magkaroon ng injury ang mga bahagi ng katawan ni baby na apektado nito.
Nagdudulot ng kumplikasyon ng ang hair tourniquets katulad ng ischemia, na ibig sabihin ay kulang sa dugo ang apektadong bahagi ng katawan ng baby.
Kapag napansin agad ito ang hair tourniquets ay maaaring matanggal o maayos. Samantala ang mga maaaring gawin sa baby na mayroon nito ay pagkakaroon ng medical care, esensyal ito para:
- maligtas ang bahagi ng katawan ni baby
- maiwasan ang tuluyang pagkakaroon ng sugat o pagkaputol ng bahagi ng katawan ng baby dahil sa buhok
- maiwasan ang pagtubo ng balat sa ibabaw ng buhok na nakapulupot sa bahagi ng katawan ng baby.
Paraan nang matatanggal sa hair tourniquet?
Ang nag-iisang paraan upang matanggal ang hair tourniquet ay tanggalin dapat lahat ng buhok na nakapulupot sa bahagi ng katawan ng sanggol.
Maaaring mahirap ito lalo na kung ang bahagi halimbawa ng kamay o apektadong area ay namamaga. O kaya naman ang buhok ay masyadong manipis at mahirap makita.
Subalit kung hindi ka magtatagumpay na tanggalin ito ng ilang sandali at dalhin na kaagad sa doktor ang iyong anak.
Ang pinakamainam at madaling paraan upang matanggal ang hair tourniquet ay sa maaaring sa pamamagitan ng depilatory cream katulad ng Nair. O iba pang hair removal cream na may active ingredients ng calcium hydroxide, sodium hydroxide, or calcium thioglycolate.
Subalit gawin lamang ito kapag apektadong bahagi ng balat ay hindi dumudugo o may injury.
Ito ang mga paraan upang matanggal ang hair tourniquet
- Dalhin ang iyong baby sa isang kuwarto o lugar sa inyong bahay na may magandang ilaw. Maaari ka ring magpatulong sa iyong asawa o kasama sa bahay na magpa-flashlight sa apektadong area na mayroon hair tourniquet.
- Hanapin ang buhok.
- Mag-apply ng depilatory cream direkta sa buhok.
- Maghintay ng 5 minuto.
- Hugasan ang nilagyan ng depilatory cream ng maligamgam na tubig.
- Mag-apply ng disinfectant katulad ng hydrogen peroxide sa apektadong bahagi.
- Kung ang appendage o bahagi ng katawan na bumabaluktot katulad ng mga daliri sa kamay ay mapula at namamaga pa rin. ang iyong baby o anak ay nakakaranas pa rin ng matinding sakit. Dalhin agad siya sa isang doktor upang maprotektahan ang iyong anak sa mga sakaling kumplikasyon.
Isa pa sa mga paraan na maaaring gawin sa pagtanggal ng hair tourniquets ay paggamit ng needle-nose tweezers. Subalit ang paraan na ito ay mahirap para sa maninipis na buhok at sa mga bahagi ng katawan na apektado ng hair tourniquet na namamaga.
Source:
Daily Mail, Healthline, MedicineNet
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!