Ano ang kahalagahan ng GMRC at bakit kailangan itong matutunan ng iyong anak.
Image from Freepik
House Bill No. 5829 o “Good Manners and Right Conduct Act”
Pasado na sa kongreso ang panukalang batas na House Bill (HB) No. 5829 o mas kilala sa tawag na “Good Manners and Right Conduct Act”. Ito ang batas na naglalayong ibalik ang GMRC o Good Manners and Right Conduct bilang isa sa mga importanteng subject na dapat mapag-aralan ng mga kabataan. Sa batas na ito ay mandatory na para sa mga estudyante mula kindergarten hanggang Grade 3 na mapag-aralan ang nasabing paksa. At ito ay dapat sundin public o private man ang paaralang pinapasukan ng iyong anak.
Ang GMRC ay naialis sa mga subjects na ibinibigay sa mga elementary students ng magsimula ang K-12 program. Ngunit sa tulong ng bagong batas ay muli itong ibinabalik. At kabilang na ngayon sa K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum ng DepEd. Ayon nga sa kanilang deskripsyon, ang GMRC ay ang mga basic social values and etiquette na dapat matutunan ng mga kabataang Pilipino.
Ano ang kahalagahan ng GMRC
Base naman sa explanatory note ni Cong. Alan Peter Cayetano na isa sa mga author ng bagong batas, mahalaga na maituro ang GMRC sa mga bata. Lalo na ngayon na patuloy na naiimpluwensiyahan ang mga kabataan ng teknolohiya at paggamit ng social media.
“In the advent of social media and how it has evolved to be indispensable in our daily lives, it is important that etiquette and moral uprightness is also introduced and taught for all of us to keep up with the modern era and act accordingly to a customary set of behavior.”
Ito ang mga pahayag ni Cong. Cayetano tungkol sa kung ano ang kahalagahan ng GMRC.
“As the Philippines develops and [our] economy grows, it is essential that we do not forget who we are as a people, our divine purpose, and duties to our nation.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng Kongresista.
Para sa holistic development ng isang bata
Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson na nagsusulong ng bagong batas sa Senado ay ay mahalaga ang GMRC para mabigyan ng balanse ang edukasyon ng mga batang mag-aaral.
“In order to create a balance, it is necessary for our educational system to aid the Filipino family in imparting good manners and right conduct to our young students by its inclusion in the curriculum at the beginning of their school years.”
Ito ang pahayag ng Senador tungkol sa kung ano ang kahalagahan ng GMRC sa mga kabataang Pilipino.
Pag-aaral tungkol sa human dignity, respeto sa sarili at pagbibigay sa kapwa
Ilan nga sa dapat matutunan ng mga bata sa paksa na ito ay ang human dignity, respeto sa sarili at pagbibigay sa kapwa. Ang mga ito ay pinaniniwalaang makakatulong sa effective at holistic development ng isang bata.
“The GMRC shall inculcate among the students the concepts of human dignity, respect for oneself, and giving oneself to others in the spirit of community, for the effective and holistic development of the decision-making skills of the child.”
Ito ang dagdag pang pahayag ng Senador.
At upang mas matutunan ito ng mga bata ay ang teaching method na gagamitin ay situational at hindi conceptual. Ito ay upang maka-relate ang mga bata at magamit agad ang kanilang natutunan sa kanilang aktwal na nararanasan.
‘This will allow students to gain real-life experiences in applying their values to difficult situations. But in a controlled environment where experienced educators will help them process the lessons they learned in a constructive and nurturing way.”
Ito naman ang pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian tungkol sa bagong batas.
The Proposed Comprehensive Values Education Act
Ayon naman sa DepEd, bagamat naalis ang GMRC subject pitong taon na ang nakakalipas ng magsimula ang K-12 program, kasama parin naman umano ang values education sa kanilang curriculum. Ngunit ngayon, sa tulong ng bagong batas ay agad nilang ibabalik ang GMRC subject para mas maituro ito sa mga batang estdyante.
Samantala, aprubado narin sa Senado ang Senate Bill No. 1224 o The Proposed Comprehensive Values Education Act. Sa ilalim ng batas na ito ay ituturo na ang GMRC subject ng 30 minutes araw-araw sa mga Pilipinong mag-aaral. At hindi lang ito para sa mga elementary student kung hindi pati narin sa mga secondary students. At ang medium of instruction na gagamitin ay Filipino. Ito ay upang maintindihan ito ng mas maayos ng mga batang mag-aaral.
Maliban sa mga mag-aaral ay makaka-benepisyo rin sa bagong batas ang mga gurong may background tungkol sa paksa. Dahil sila ang pangunahing bibigyan ng preference sa pagtuturo nito sa mga bata.
SOURCE: ABS-CBN News, Rappler, Manila Bulletin
BASAHIN: Kongresista: Ang 3 subjects na dapat pagtuonan mula Kinder hanggang Grade 3
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!