C-section recovery: 12 tips para mas mabilis gumaling

Alamin ang mga ibinahagi ni Dr. Tan na mga impormasyon tungkol sa cesarean section recovery at mga tips na makakatulong sa iyong pagpapagaling.

Ang proseso ng cesarean section recovery ay hindi isang bagay na napaghahandaan. Kadalasan, hindi ito inaaasahang kakailanganin. Alamin dito kung ano ang mga bawal at pwede sa cesarean delivery.

Makakaramdam ng sakit, at maiintindihan ang mga contractions nito. Ihahanda ang bag na puno ng pagkasabik at pupunta sa OB/Gyne ward. Ang buong plano sa panganganak ay nakahanda na at hindi ka na makapag-antay makita ang iyong baby.

Sa ospital, tumatakbo ang oras at magugulat ka nalang na 15 oras na ang nakalipas. Malalaman mo nalang na may oxygen mask ka na sa mukha at dinadala ka na sa operation room para sa isang emergency na c-section.

Hindi ito parte ng plano, ni-hindi mo alam ang aasahan mula sa operasyon, lalo na ang proseso ng cesarean section recovery. Maniwala ka, hindi ka nag-iisa. Ano nga ba ang mga bawal at puwede sa cesarean?

Bakit mahalagang malaman kung ano ang mga bawal sa cesarean?

Ayon sa National Center for Biotechnology Information, 19.2% ng mga pagpapanganak sa Asya ay sa pamamagitan ng C-section delivery. Ang pinakamataas na bilang ng mga C-section na naisagawa sa mundo ay mula sa Latin America at sa Carribean (40.5%).

Kahit pa dahil ang mga kababaihan ngayon ay ‘too posh to push’ o para sa medikal na dahilan, ang c-sections ay dumadami. Dahil dito, kailangan ng kamalayan sa proseso ng cesarean section recovery.

Mahalagang may sapat na kaalaman sa kung ano ang mga puwede o bawal sa cesarean dahil nakababawas ito sa pangamba at mga posibleng komplikasyon.

Bago ipaliwanag ang proseso ng cesarean section recovery, ito ang maikling eksplanasyon sa nangyayari sa c-section.

Cesarean delivery

Ang cesarean delivery, kilala rin bilang C-section, ay isang surgery kung saan gumagawa ng paghiwa sa lower abdomen at uterus. Ang paghiwa ay ginagawa sa abdominal wall at ang mga muscles sa sikmura ay hinihila palayo sa pagtanggal ng sanggol at ng placenta, ang uterus at ang ginawang paghiwa ay isinasara ng ilang patong ng pagtatahi.

Tulad ng mapapansin, marami ang pangyayari. Ang pagpapagaling at proseso ng c-section recovery ay hindi kasimbilis ng surgery.

Habang dinadala ka pabalik ng ward, makakaramdam ng tila may tumutusok sa lower abdomen. Ang iyong mga kamay ay nasa mga gilid mo at marami kang mga tanong. Kailan ako makaka-upo? Kailan ako makakalakad? Parang nasusuka ako, puwede ba? Paano ‘yong mga tahi?

Huwag mag-alala, mommies. Ang proseso ng cesarean section recovery ay mahalagang panahon at kailangang maging maingat. Ngunit hindi ito kasing nakakatakot tulad ng dating nito.

Maging masunurin lang sa mga payo ng doktor at huwag na huwag gagawin kung ano ang mga bawal habang ikaw ay nagpapagaling mula sa cesarean delivery. Ito ay upang maging mabilis ang iyong recovery.

Pero bago ang lahat, maraming mommies at soon-to-be-mommies ang nagtatanong, bakit nga ba na cesarean ang mga buntis? Kailan nga ba ito nagiging option? Ito ang sagot:

Larawan mula sa Pexels kuha ni Isaac Hermar

Bakit C-section?

Iba’t iba ang mga dahilan bakit na cesarean ang mga buntis. May ibang kababaihan lalo na ang mga first time mommies ang nag-rerequest nito para sa kanilang panganay marahil upang makaiwas sa labor at normal delivery o sa mga posibleng komplikasyon sa panganganak.

Ngunit kadalasang ang mga doktor ang siyang nagrerekomenda ng C-section dahil sa mga kondisyong medikal, halimbawa nalang kung may sakit si mommy at nahihirapan sa panganganak.

O kaya naman ay nasa mahirap na posisyon si baby. Kadalasan din na ang mga mommy na may dalawa o higit pang babies tulad ng twins, triplets o higit pa ang nagdaraan sa cesarean delivery.

Kung magawa ang dapat gawin, iwasan kung ano ang mga bawal sa cesarean at sundin ang mga tamang hakbang sa pagpapagaling, madaling makakabalik sa sariling mga paa. Sa pagdaan ko sa 4 na c-sections, masisigurado ko sa iyong hindi siya gano’n kasama!

Si Dr. Ann Tan ay nagbigay ng mga sagot sa mga kadalasang tinatanong mula sa mga moms tungkol sa proseso ng c-section recovery at nagbigay ng tips sa after care.

Si Dr. Tan ang dating Chief of Fetal Maternal Medicine sa Department of Obstetrics & Gynaecology ng Singapore General Hospital at ang dating presidente ng Perinatal Society of Singapore.

Proseso ng c-section recovery: Ano ang mga bawal at puwede sa cesarean

1. Madaliang pagkilos matapos mismo ng operasyon?

Dahil ang c-section ay isang major na surgery, huwag umasang makakatayo agad ilang oras matapos ang operasyon. Importanteng magpahinga para madaling gumaling. Kadalasang pinagpapahinga ang mga pasyente sa kama sa unang 12 hanggang 24 na oras matapos ang operasyon.

Sa unang araw ng proseso ng c-section recovery pinaka mahirap gumalaw. Maraming malalakas na painkillers ang nasa iyong sistema at minsan pa ay makakaramdam pa rin ng sakit depende sa laki ng ginawang hiwa.

Bukod pa rito, makakatanggap ng drips upang manatiling hydrated at catheter para sa pag-ihi.

Hinihikayat ni Dr. Tan na mag-lakad isang araw matapos ang operasyon. Importante ang paggalaw sa pagpapagaling upang maiwasan ang deep venous thrombosis (DVT). Ito ay ang pagbuo ng dugo sa mga ugat sa hita.

Hindi nman nakakalakad sa unang 24 oras, nakakagalaw pa rin. Kapag makagalaw agad, madali ring makakabalik ang katawan sa normal. Ang mga simpleng paggalaw tulad ng pag-ikot ng paa o pag-stretch ng mga braso, kahit pa kegel exercise ay makakabuti.

2. Pag-upo, pagtayo, paglalakad: Ano ang mga bawal sa cesarean?

Unti-unti ang proseso ng pagpapagaling. Maaaring maka-upo ilang oras matapos ang operasyon. Subalit, kailangan mag-ingat na hindi magamit ang core strength sa pag-upo. Alalahanin na hiniwa ka sa abdomen at ginalaw ang mga muscles. Gamitin na lamang ang ibang muscles groups.

Ang mga nars at komadrona ay gagabay at aalalay sa iyong pagpapagaling. Malamang na ipapakita nila kung paano ka iikot, ibaba ang mga paa mula sa kama, at iaangat ang itaas na bahagi ng katawan para maka-upo.

Ganito rin ang mangyayari sa muling pagtayo at paglalakad. Sa muling pag-apak sa sahig, maaaring makaramdam ng pagkahilo. Ito ay dahil sa tagal ng pagkakahiga at mga gamot!

Ang importante ay tandaan na bawal magmadali. Humawak sa kama o sa ibang tao bilang alalay. Huwag subukang lumabas ng ward mag-isa. Mas makakabuting mag-lakad nang may kasama para sa iyong kaligtasan.

3. Pagkain at inumin: Ano ang mga bawal sa cesarean?

Ano ang mga pwedeng kainin ng mommy na nakaranas ng cesarean delivery? Sa mga oras matapos ang operasyon, tila pagod na pagod ang pakiramdam. Maghanda kayo, bahagi ng proseso ang hindi muna pagpapakain sa iyo.

Depende sa iyong sitwasyon, ang pagkain ay maaaring i-delay mula ilang oras hanggang kinabukasan. Maaari din magsimula sa soft diet o pagkain na magaan sa sikmura.

Ang pangunahing rason ay maiwasan ang pagsusuka. Ang pagpapagaling ay delikado sa mga unang araw dahil sariwa pa ang mga tahi. Maaaring masira ito ng pagsusuka.

Tiisin muna ang gutom. Sabihan ang mga bisita at kasama na huwag kang takasan ng pagkain. Makakabuting sumunod sa mga alituntunin. Mahirap ito pero ito ang makakabuti sa iyong pagpapagaling.

Kapag maaari nang kumain, ano ang mga pwedeng kainin ng na cesarean? Sa mga susunod na araw at linggo, iwasang kumain ng mga pagkaing mahirap at matagal tunawin dahil magdudulot ito ng fatigue at panghihina na nakapagpapabagal sa recovery.

Alamin kung ano ang mga bawal na pagkain o inumin sa na cesarean at iwasan muna ang pagkonsumo sa mga ito. Halimbawa nalang ng softdrinks, mga citrus juice at kape at mga maaanghang na pagkain na pwedeng magpataas ng gas sa tiyan o makasasama sa panunaw.

Larawan mula sa Pexels kuha nin Vidal Balielo Jr.

4. Pagmamaneho?

Ang mga mommies ay mga busy na tao lalo na kung hindi ito ang nagiisang anak. Kahit pa nais mag-maneho makakabuting iwasan muna ito sa mga unang linggo ng pagpapagaling.

Ito ay dahil kakailanganin mag-emergency break minsan at kailangan muna pagalingin ang sugat bago makapag-emergency break nang hindi nasasaktan ang sarili.

Kung kailangan ilabas ang isang anak, maaaring utusang mag drive ang asawa, o kaya ay mag-Grab o mag-taxi. Tutukan ang pagpapagaling at saka na ang pagmamaneho!

5. Kailan pwede mag-exercise ang cesarean?

Kahit pa gusto nang mag-ehersisyo, hindi dapat madaliin ang page-ehersisyo. Binibigyang pansin ni Dr. Tan ang pag-eehersisyo matapos ang 6 na linggo.

Karamihan ay bibisita sa doktor para sa ika-6 na linggong check-up ng pagpapagaling. Dito susuriin ang paggaling ng sugat at dito rin malalaman kung kailan pwede mag-exercise ang cesarean.

Sa ngayon, ang payo ni Dr. Tan ay ang pelvic floor exercise kapag komportable nang maglakad. Kadalasan ay sa unang linggo ng pagpapagaling.

Kahit pa karamihan ay gustong mag-ehersisyo bilang pagpapapayat, ang ipinapayo ni Dr. Tan ay ang muling pagpapalakas ng core strength at pelvic floor strength. Dapat mauna ito bago tumakbo.

Ayon kay Dr. Tan, ang core at mga pelvic floor muscles ay nabanat sa pagbubuntis at kakailanganing ibalik ang kalusugan nito bago ang mga pangmalakas na ehersisyo.

Tandaan na iba-iba ang pagpapagaling ng mga tao. Kahit pa ang isang tao ay iba pagalingin ang iba’t ibang c-section.

Kahit pa payagan na ng doktor mag-ehersisyo, kung makaramdam ng sakit o pagdurugo, tumigil muna. Tumutok sa proseso ng c-section recovery at mag-ehersisyo lamang kung handa na ang katawan.

Obserbahan lagi ang sarili at pakinggan ang katawan. Kaya mong tukuyin kung kailan hindi pa pwede o pwede na mag-exercise pagkatapos mo magdaan sa cesarean. Pangunahing prayoridad mo ang makarecover at huwag bibiglain ang katawan.

6. Kailan pwede makipagtalik ang cesarean?

Nalabas na ang baby at sabik na kayong mag-asawa sa isa’t isa. Excited ka na at nagtatanong kana kung kailan na ulit pwede makipagtalik pagkatapos ang cs. Magtiis muna dahil hindi pa tapos ang proseso ng c-section recovery. Ayon kay Dr. Tan, itrato ang sex tulad ng pagtrato sa ehersisyo.

Kailan ba pwedeng makipagtalik at mabuntis ulit ang na cesarean?

Ang pagmamadali sa pagbalik sa sex bago ang 6 na linggong kailangan sa pagpapagaling ay hindi magandang ideya. Maaaring magka-impeksiyon at magdulot ng problema sa mga sugat na nagpapagaling. Tandaan din na maaaring mabuntis kahit pa ang period ay hindi pa bumabalik.

Kailangan din alalahanin kung anong contraception ang puwede sa iyo. Huwag muna dapat mabuntis agad matapos ang c-section. Kaya paghandaan at pag-isipang mabuti kung pwede na ba sayo ang makipag-sex pagkaraan mong mag cs. Maaaring kumonsulta sa iyong doktor para malaman kung kailan ka pwede makipagtalik matapos ang cs.

7. Isa pang baby?

Kailan maaaring pag-isipan na magkaroon na ng sunod na baby o muling magbuntis? Malamang ay iba-iba ang makuhang mga sagot dito.

Ang pinakamababang kailangan na oras para sa pagpapagaling ng c-section bago muling magbuntis ay anim a buwan ayon kay Dr. Tan. Ngunit, ang pinakamagandang agwat sa dalawang pagbubuntis ay 18 buwan matapos ang unang c-section.

Bigyan ang katawang ng sapat na panahon para magpagaling. Planuhing maigi kung kailan mo balak muling magbuntis at sundan si baby.

Sundin lagi ang payo ng doktor kung kailan pwedeng magbuntis muli pagkatapos mong ma-cesarean. Huwag madaliin ang proseso ng c-section recovery.

8. Postnatal massage? Kailan pwede mabuntis ulit ang cesarean?

Sumisikat ang postnatal massage. Marami ang nagsasabing nakakatulong ito sa proseso ng c-section recovery at nakakapagpapayat.

Ayon kay Dr. Tan, maaaring kumuha ng postnatal massage at wrap matapos ang c-section.

Maging ma-ingat lamang dahil ang mga postnatal massage ay may kasamang uterus massage. Mas makakabuting hintayin muna ang ika-6 na linggong check up.

Kung pumayag ang gynecologist, sige lang. Karamihan sa mga massage therapists ay nagre-rekomendang mag-hintay nang hindi bababa sa 3 linggo matapos ang c-section.

4 tips para sa proseso ng cesarean section recovery

1.Pagkain

Mahalagang malaman kung ano ang mga pwede mong kainin para sa iyong tamang nutrisyon at tuluyang pag recover. Inirerekomenda ni Dr. Tan ang pagkain na may good protein at good fats para gumaling agad. Ipinaliwanag niyang ang Zinc at Vitamin C ay micronutrients na tutulong sa tissue repair.

Maaaring mag-reseta ang ibang doktor ng Vitamin E para makatulong sa proseso ng c-section recovery. Ano man ang i-reseta, sundin ito. Makakabuti rin na umiwas muna sa seafood.

Maging maalam sa mga pwede at bawal mong kainin sa mga panahong ikaw ay nagrerecover. Importanteng nasusunod ang tamang diet upang maiwasan ang kumplikasyon at mas mapabalis ang iyong recovery.

2. Pag-aalaga sa mga tahi

Paano linisin ang tahi ng cesarean?

Habang nasa ospital, araw-araw lilinisan ng mga nars ang iyong sugat gamit ang antiseptic solutions. Papauwiin ka nang may dressing sa sugat.

Kadalasan ay plaster ito na humaharang sa tubig. Hindi rin muna dapat pahiran ng sabon ang iyong tahi. May mga partikular na hakbang na dapat sundin at iwasan sa pangangalaga ng iyong tahi paglabas mo ng ospital.

Sasabihin sa iyo ng healthcare provider kung kailan mo pwedeng alisin na ang balot ng sugat mula sa cesarean. Kapag puwede na itong hugasan ng tubig at mild soap, tandaan na huwag itong kuskusin.

Sapat nang padaluyin ang tubig sa sugat. Maaari ding tanungin ang iyong doktor kung paano ang tamang paraan para linisin ang tahi ng cesarean.

Kailan pwede basain ang tahi ng cesarean?

Tandaan na pag-uwi mo galing sa ospital ay hindi agad maaaring basain ang tahi. Kailan nga ba pwede basain ang tahi ng cesarean?

Nasa ika-pito hanggang ika-sampung araw matapos ang operasyon, tatanggalin ang mga tahi mo. Maaaring resetahan ng Collagen cream o ibang gels para i-lubricate ang tahi at maiwasan ang pagbuo ng keloids. Nakakatulong din ito sa panlabas na proseso ng c-section recovery.

Paano maligo ang cesarean?

Sa pagtanggal ng mga tahi, maaaring maligo at hayaang dumaloy ang tubig at sabon sa sugat. Subalit, dapat mag-ingat na hindi ito kuskusin.

Huwag agad munang maliligo o maglulublob sa mga paliguan lalo na ang mga hot tub. Sa mga panimulang bahagi ng pagpapagaling, hindi magandang mabasa ang sugat ng mainit na tubig.

Wag madaliin at sundin palagi ang tamang paraan kung paano maglinis ng katawan at maligo habang nagpapagling mula sa iyong cesarean.

Bakit makati ang tahi ng cesarean?

May mga pagkakataong makararanas ka ng pangangati ng iyong tahi o ng paligid nito. Huwag agad matakot dahil maaring sanhi lamang ito ng muling pagtubo ng mga buhok sa paligid. Huwag na huwag kakamutin ang sugat upang hindi magkaimpeksyon.

May mga mainam na paraan upang maibsan ang pangangati katulad ng dahan-dahan at maingat na pagmasahe sa paligid ng tahi upang mabawasan ang pakiramdam ng kati. Kung dumadalas at tumitindi, maari mo itong ikonsulta upang matukoy kung bakit makati ang tahi ng cesarean.

3. Surgical binder

Kinabukasan matapos ang operasyon, maaaring ipagsuot ng doktor ng surgical binder. Malaking tulong ito sa proseso ng c-section recovery. Una sa lahat, nagbibigay ito ng matatag na suporta at maiiwasan ang sobrang paggalaw. Nakakatulong ito lalo kung kailangang umubo.

Ang pagpiga ng binder ay panigurado na hindi bubukas ang tahi. Dagdag dito, nakakatulong ito sa lumuwag na balat at naiiwasan ang nakalawlaw na tiyan. Ang pressure ng binder sa tahi ay nakakabawas sa pagbuo ng scar tissue.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Jonathan Borba

4. Paano umutot after cs?

Karaniwang nahihirapang umutot ang mga nakaranas ng cesarean delivery. Ito ay dahil sa postoperative ileus, kondisyon na nadedevelop sa ilang kababaihan matapos ang C-section.

Ilan sa mga epekto nito ay pagkahilo na may kasamang pagsusuka, pananakit ng tiyan, at kabag o bloating. Mawawala rin naman daw ito makalipas ang ilang araw.

Kaya lamang, maaaring magdulot ng discomfort ang hirap sa pag-utot o bloating. Paano nga ba umutot after ng cs? Inirerekomenda ng mga doktor ang pag-nguya ng chewing gum tatlong beses sa isang araw, sa loob ng 15 hanggang 30 minuto para matulungan kang umutot kung ikaw ay nahihirapan matapos ang cesarean.

Mga dapat bantayan habang nasa C-Section recovery

Bakit nag nana ang sugat ng cesarean?

Ugaliing naoobserbahan ang iyong tahi sa mga posibleng pagbabago sa itsura nito gayundin sa pakiramdam. Maaaring dahil sa maling paraan ng paglilinis at pag-iingat sa tahi kung bakit nag nana ang sugat ng cesarean, na kung mapabayaan ay maaaring magdulot ng malalang impeksyon.

Kung may pamumula at pananakit sa sugat ng iyong tahi na hindi nawawala o mas lumala, at kung ang sugat ay naglalabas ng likido, agad itong ipakonsulta sa iyong doktor dahil maaaring nagnanana ang tahi at ito ay may impkesyon.

Paano malalaman kung bumuka ang tahi sa loob ng cs?

May iba’t ibang rason kung bakit bumubuka ang tahi ng c-section, ngunit ano man ang dahilan ay kailangan itong mapagtuunan ng agarang atensyon.

Maaaring dahil sa pressure at stress sa area ng iyong tahi dahil sa biglaan o mabilisang pagkilos o dahil sa mabagal na paghilom ng sugat. Puwede ring dahil sa impeksyon o kaya naman Necrosis ang siyang nagiging dahilan ng pagbuka ng cs incision.

Ang Necrosis ay ang kakulangan ng oxygen at dugong dumadaloy sa area ng iyong sugat na nagdudulot ng pagbagal sa paghilom nito.

Ano ba ang sign o paano malalaman na bumuka ang tahi sa loob ng cs? Hindi man nakikita, may mga pagkakataon din na nagkakaroon ng pagbuka sa iyong internal cs incision. Upang malaman kung may mga senyales ng pagbuka sa iyong tahi sa loob, obserbahan ang sarili.

Narito ang mga sign na bumuka ang tahi ng cs:

  • pagdurugo sa bahaging pwerta o vaginal bleeding
  • sobrang pananakit ng abdomen
  • hirap sa pagdumi o pagkakaroon ng lumps o bukol sa bandang ibaba ng tiyan
  • pagbaba ng blood pressure, lagnat at pagkahilo.

Kung sakaling makaranas ng alin man sa mga nabanggit, mainam na agad bisitahin ang iyong OB upang mabigyan ng tamang lunas at maiwasan ang komplikasyon.

Bilang pangwakas tungkol sa proseso ng c-section recovery, ito ang masasabi ni Dr. Tan sa mga nanay:

Maging mapasensya. Ang baby ay inaboy nang siyam na buwan upang madevelop at lumaki sa loob mo. Ang abs mo ay natural na nabanat. Habang tila galing sa ziplock bag ang baby dahil sa c-section, hindi ito kasiguraduhan na ang abdominal muscles ay babalik agad. Hindi ito ganito mangyari.

Kailangan ng oras sa pagpapagaling. Ang proseso ng c-section recovery ay unti-unto. Maging mabait sa satili. Bigyang oras ang pagpapagaling at muling pagbalik sa katawan bago mag-buntis.

 

Ang article na ito ay unang nai-publish sa theAsianparent Singapore.

Karagdagang impormasyon: Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.