Hindi ba nawawala ang ubo ng iyong anak? Pabalik-balik at tumatagal? Baka primary complex na iyan. Hindi biro ang sakit sa baga lalo na sa baga. Maging alisto at baka ito ay sanhi ng primary complex.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang primary complex?
Ang Primary Complex ay isang uri ng Tuberculosis na karaniwang bata ang naaapektuhan. Nakukuha ito sa adult o mas matatanda sa pamamagitan ng pag-ubo o pag-hatsing. Pagtuntong ng 1 taong gulang, isa ito sa kadalasang nagiging problema sa kalusugan ng bata.
Paliwanag ni Dr. Carlos Palarca, may bacteria na tinatawag na Mycobacterium Tuberculosis na nagiging tuberculosis (TB) infection – na mas kilala bilang Primary Complex.
Mabilis na nakahahawa ang sakit na ito, lalo na kung umubo ang isang tao na mayroon nang TB at nalanghap ng isang bata ang bacteriang galing sa kanya. Ito ay maaaring mapunta at manatili sa kanyang baga nang matagal na panahon.
Kumakalat din ito sa pamamagitan ng pagsasalita, pagbahing at paghinga. Kadalasan, hindi ito agad nalalaman ng magulang dahil walang sintomas na nakikita sa bata.
Sapagkat protektado ng immune system ang katawan at nakukulong tuloy ang germs sa mga lymph nodes. Mananatiling walang nakikitang sintomas sa bata hanggang humina ang immune system nya at maging mas aktibo ang kundisyon.
Dagdag pa ni Dr. Palarca, hangga’t hindi nagiging TB ang kundisyon at kaunti pa lang ang bacteria sa baga ng bata, hindi pa ito nakakahawa. Hindi napapasa ang primary complex nang bata sa bata, kundi mula sa mga adults papunta sa bata.
Pahayag ng WHO
Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa 10% ng kaso ng primary complex ang nagiging tuberculosis. Nasa humigit kumulang 100,000 bata ang nagkakaroon at namamatay dahil sa tuberculosis kada taon, at isa ito sa pangunahing sanhi ng child deaths sa mga bansa sa Southeast Asia.
Hangga’t hindi nagiging TB ang kundisyon at kaunti pa lang ang bacteria sa baga ng bata, hindi pa ito nakakahawa, paliwanag ni Dr. Palarca. Hindi napapasa ang primary complex nang bata sa bata, kundi mula sa mga adults papunta sa bata.
Nawawalan ng ganang kumain, iritable, hindi interesadong makihalubilo o makipaglaro sa mga magulang, pagbaba ng timbang at pabalik-balik na sinat—ito ang ilang nagpapakita ng pagkakaro’n ng Primary Complex sa isang bata.
Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa humigit kumulang 100,000 bata ang nagkakaro’n at namamatay dahil sa tuberculosis kada taon, at isa ito sa pangunahing sanhi ng child deaths sa mga bansa sa Southeast Asia.
Pagkakaiba ng primary complex vs tb o tuberculosis
Ang primary complex ay ang mikrobyo ng TB na nasa loob ng katawan ngunit hindi aktibo. Sa karamihan ng kaso, ang panlaban ng katawan sa sakit ang siyang pumipigil sa mga mikrobyo. Ngunit, ang mga mikrobyo ay maaaring manatiling buhay sa hindi aktibong kalagayan.
Habang ang mga mikrobyo ng TB ay hindi aktibo, wala silang masisira, o maikakalat sa ibang tao. Ang tao ay maaring “may impeksyon”, pero walang sakit.
Sa karamihan (90 porsyento ng mga tao) ang mga mikrobyo ay nananatiling hindi aktibo. Makikita ang impeksiyon sa pamamagitan ng positibong resulta ng Test Tuberkulin sa Balat (Tuberculin Skin Test).
Samantala, ang tuberculosis kahit lumipas na ang maraming taon, ang hindi aktibong mikrobyo ay maaaring maging aktibo kung humina ang depensa ng katawan.
Ito ay maaaring dahilan ng katandaan, malubhang sakit, pangyayaring nagdulot ng sama ng loob, maling paggamit ng droga o alkohol, impeksiyon ng HIV (ang bayrus na nagiging sanhi ng AIDS) o ibang mga kalagayan.
6 warning signs ng primary complex sa bata
Huwag isawalang-bahala ang pagkakaroon ng ubo ng lampas isang lingo. Narito ang ilang warning signs na baka may primary complex na ang iyong anak.
Ang mga ito ay ang mag sumusunod:
- Nawawalan ng ganang kumain
- Irritable
- hindi interesadong makihalubilo o makipaglaro
- pagbaba ng timbang
- pabalik-balik na sinat
- pananakit ng dibdib
Kung nakitaan ng sign ng Primary Complex ang bata, agad na ipatingin sya sa doktor upang maagapan at hindi humantong sa mas malulubha pang mga sakit.
May ibat’t-ibang test na maaaring isagawa ang doktor upang makumpirma ang ang karamdaman ng iyong anak at mabigyan ng tamang gamutan.
Isa sa mga ito ay ang tuberculin skin test kung saan ang isang bata ini-injection sa braso ng kaunting dose ng purified protein derivative ng TB germ. Kapag namaga at nangati ang balat, positibong may primary complex ang bata.
Kailangan din ng X-Ray para Makita ang baga ng pasyente at makumpira ang kondisyon.
Sa unang stage ng TB sa bata, inaatake ng bacteria ang baga. Wala pang makikitang sintomas hanggang 4 o 5 buwan. Maaaring may pulmonya, tubig sa baga, at pag-collapse ng baga.
Dito na nagsisimulang pumayat ang pasyente at umubo ng malala. Maaari ding kumalat ang impeksyon at maging sanhi ng iba pang impeksyon.
BASAHIN:
Paano nalalaman na Primary Complex ang sakit?
Mayrong tuberculin skin test para malaman kung may primary complex ang isang bata kung saan ang kaunting dose ng purified protein derivative ng TB germ ay iniiniksiyon sa braso ng bata. Kapag namaga at nangati ang balat, positibong may primary complex ang bata.
Kailangan din ng X-RAY para makita ang baga ng pasyente at makompirma ang kondisyon.
Dapat gamutin kaagad ang kondisyong ito, para hindi na lumala pa.
Paano kung lumala na ito?
Sa unang stage ng tuberculosis sa bata, inaatake ng bacteria ang baga. Wala pang makikitang sintomas, hanggang 4 o 5 buwan. Maaaring may pulmoniya, tubig sa baga, at pag-collapse ng baga.
Dito na magsisimulang pumayat ang pasyente at umubo nang malala. Maaari ding kumalat ang impeksiyon at maging sanhi ng iba pang impeksiyon.
Nagagamot ba ito?
May gamot para sa primary complex, kaya’t hindi dapat mabahala. Karaniwang inaabot ang paggamot ng hanggang 6 na buwan, basta’t sinisiguradong naiinom ang gamot sa tamang oras at dosage.
Sa unang 4 na buwan ng treatment, may 3 klase ng gamot na karaniwang nirereseta sa pasyente. Sa ika-5 at ika-6 na buwan, maaaring bawasan ng hanggang 2 klaseng gamot, sa payo ng pedia.
Ang dosage ay depende sa timbang ng bata, kaya’t siguraduhing kumunsulta sa pedia buwan-buwan, lalo kung mabilis ang pagbigat ng timbang ng bata.
May katagalan ang paggamot sa primary complex at TB, at mahalagang masimulan agad ang treatment para hindi lumala. Mga gamot tulad ng ethambutol, isoniazid, pyrazinamide, rifampicin at streptomycin.
Nasa 90% ng bacteria ang napapatay sa unang 2 linggo pa lang ng paggamot, pero dapat patuloy ito hanggang 6 na buwan para siguradong mapuksa ang natitirang 10% ng bacteria. Kapag hindi itinuloy ang treatment, maaaring magkaron ng impeksiyon ulit.
Paano maiiwasan ang pagkakaron ng Primary Complex?
Ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang impeksiyon ng baga o pagkakaron ng primary complex ay ang ang early diagnosis at treatment ng mga adults na may TB.
Sila kasi ang nagdadala ng sakit na ito at nakahahawa sa mga bata, kaya sila ang dapat na bigyan muna ng pansin. Dapat ding siguraduhin na ang lahat ng nag-aalaga o kasama sa bahay ng bata ay walang nakahahawang sakit tulad ng TB.
Sa United Arab Emirates, halimbawa, ang lahat ng taong nagtatrabaho sa isang lugar na may bata, tulad ng Nursery Schools at Day Care Centers, at lahat ng mga babysitters at nanny, ay sumasailalim sa 2 beses pang medical exams na may XRAY at blood tests BCG, para masegurong walang TB at HEPATITIS. Kapag may nakitang “spot” ay hindi ka mabibigyan ng visa para mag-trabaho.
Nirerekumenda din ng WHO na mabigyan ang mga sanggol ng isang dose ng BCG vaccine, lalo na sa mga bansang may mataas na bilang ng insidente ng tuberculosis, maliban sa mga sanggol na positibong may HIV.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
Dalhin ang anak sa doktor kung sakaling lumala ang mga sintomas na nararamdaman ng inyong anak. Ganun din kapag may panibagong sintomas na nararanas ang inyong anak.
Mas mainam na ipa-check up na siya sa doktor para agad, upang malaman din kung may primary complex na ba ang inyong anak. Sa ganitong paraan, agad siyang magagamot.
Tandaan, may gamot para rito kaya naman dapat hindi mabahala.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.