Ang ubo ay isa sa madalas na nararanasang sakit ng marami sa atin. Lalo na sa tuwing malamig ang panahon kung kailan nauuso ito kasabay o kasunod ng pagkakaroon ng sipon.
Ito ay normal na reaksyon ng katawan sa tuwing may makating particle ang pumasok sa ating lalamunan. O kaya naman ay upang ilabas ang plemang bumabara dito.
Madalas, ito ay hindi seryosong sakit o dapat maging dahilan ng pag-alala. Ngunit maaring may seryosong dahilan na sa likod nito, kung ang ubo ay:
Ito ay maaaring dahil sa sakit na kung tawagin ay chronic cough. Isang sakit na dapat agad mabigyan ng atensyong medikal upang malaman ang tunay na dahilan at malunasan.
Ubo ng ubo: Sanhi ng chronic cough
People photo created by mdjaff – www.freepik.com
Maliban sa long-term na epekto ng paninigarilyo, marami pang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng chronic cough. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Postnasal drip o ang kondisyon na kung saan ang glands sa ilong at lalamunan ay nag-proproduce ng sobrang mucus
- Asthma
- Acid reflux
- Mga gamot na may ACE inhibitors na madalas na ginagamit upang malunasan ang high blood pressure
Ang chronic cough ay maaring dahil rin sa isang seryosong kondisyon o karamdaman. Tulad ng sumusunod:
- Chronic bronchitis o iba pang forms ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
- Infections tulad ng pneumonia o acute bronchitis
Ang mga nabanggit na karamdaman, kung hindi agad malunasan ay maaring maging banta sa buhay ng nakakaranas nito. Kaya naman sa oras na ubo ng ubo lalo na kung sasabayan pa ng sumusunod na sintomas ay dapat agad ng magpunta sa doktor:
- Lagnat
- Ubong may kasamang dugo
- Hirap sa paghinga
- Biglang pagbaba ng timbang
- Panghihina o labis na pagkapagod
- Pananakit ng dibdib
Maliban sa mga nabanggit na seryosong sintomas, ang chronic cough ay maaaring magdulot rin ng mga sumusunod pang sintomas sa katawan.
- Heartburn
- Paos na boses
- Runny nose
- Stuffed nose o baradong ilong
- Wheezing o tila sumisipol na tunog sa tuwing humihinga
- Pagkahilo o pagkahimatay
- Sakit ng ulo
- Hirap sa pagtulog
- Urine leakage o paglabas ng ihi sa tuwing umuubo
Paano malulunasan ang chronic cough?
People photo created by 8photo – www.freepik.com
Ang pagbibigay lunas sa chronic cough ay naka-depende sa kung ano ang dahilan nito. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Cough suppressants
Upang maibsan ang discomfort na dulot ng chronic cough, madalas ang mga doktor ay nagrereseta ng mga cough suppressants. Tulad nalang ng mga cough syrup na nagtataglay ng dextromethorphan.
Antihistamines, corticosteroids, at decongestants.
Para naman malunasan ang allergies at postnatal drip na nagdudulot ng chronic cough ang antihistamines, corticosteroids, at decongestants ang mga inirereseta ng doktor.
Asthma medication
Kung ang ubo ay dulot ng asthma, ang mga gamot para maibsan ang pag-atake nito tulad ng inhaled steroids at bronchodilators, ang inirerekumendang paraan para maibsan ang pamamaga sa airways at mabawasan ang chronic cough.
Ang mga ito ay kailangang i-take araw-araw para maiwasan at mapigilan ang pag-atake ng asthma na madalas na makikita sa pamamagitan ng maya-mayang pag-ubo.
Acid blockers
Kung ang hindi mawala-walang ubo ay dahil sa acid reflux, maliban sa pagrereseta ng ng antacids, H2 receptor blockers at proton pump inhibitors, inirerekumendang magkaroon ng pagbabago sa lifestyle ang isang tao.
Antibiotics
Inirereseta naman na uminom ng antibiotics kung ang persistent cough ay dulot ng isang impeksyon.
Paninigarilyo
Kung ang persistent cough naman ay dulot ng paninigarilyo, mainam na itigil nalang ito o unti-unting bawasan upang matigil ang pag-ubo at ma-protektahan mula sa mas malalang sakit ang kalusugan ng taong nakakaranas nito.
Tips kung paano maibsan ang chronic cough
Maliban sa pag-inom ng gamot ay may mga maari ring gawin upang kahit papaano ay maibsan ang chronic cough. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Uminom ng maraming tubig o juice. Ang extra fluid sa katawan ay makakatulong para paluwagin o panipisin ang mucus sa ilong at lalamunan. Ang mainit na sabaw o tsaa ay makakatulong rin upang ma-sooth ang lalamunan.
- Sumisipsip ng mga cough lozenge.
- Kung may acid reflux ay iwasan ang overeating o pagkain ng dalawa o tatllong oras bago matulog. Makakatulong rin ang pagbabawas ng timbang.
- Gumamit ng cool mist humidifier para madagdagan ang moisture sa hangin. Ang paliligo sa hot shower ay makakatulong rin upang paluwagin ang iyong pakiramdam.
- Gumamit ng saline nose spray o nasal irrigation. Nakakatulong ang mga ito upang ma-drain ang mucus na nagdudulot ng pag-ubo.
Hindi dapat basta minamaliit ang ubo na nararanasan. Bagamat maraming pagkakataon na ito naman ay hindi seryoso, mabuting agad na magpatingin sa doktor sa oras na nagtatagal na ito at nakakaapekto na sa mga functions at trabaho mo.
Ito ay upang malaman na ang tunay nitong dahilan. At upang mabigyan na agad ito ng lunas upang hindi na lumala pa.
Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa Speedoc at isinalin sa wikang Filipino na may pahintulot ni Irish Mae Manlapaz.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.