Ating alamin kung ano ang varicose veins ng buntis at kung bakit ito nangyayari sa ugat sa binti. Mayroon ding impormasyon tungkol sa almoranas na karaniwang ring nararanasan ng buntis.
Ano ang varicose veins ng buntis?
Ang varicose veins at almoranas ay maaaring tumubo sa iba't-ibang parte ng katawan ngunit sila ay pinagmumulan ng parehong dahilan. Ang pamamaga at paglaki ng ugat sa hita ay tinatawag na varicose veins. Habang hemorrhoids naman kung ito ay tumubo sa rectum.
[caption id="attachment_399316" align="aligncenter" width="670"] Ano ang varicose veins? | Image from iStock[/caption]
May ibang buntis na babae naman na nararanasang magkaroon ng varicose veins sa kanilang vulva. Talaga namang masakit ang magkaroon nito. Mas nararamdaman ito sa gabi na gawa ng matagal na pagtayo sa buong araw.
Karaniwang lumalabas ang almoranas at varicose veins pagsapit ng second at third trimester ng pagbubuntis. Ngunit may ibang babae naman na naranasan ang ganitong kondisyon ng mas maaga pa bago sila magbuntis.
Ano ang dahilan ng varicose veins sa buntis?
Ang ugat natin ay iisang daluyan lamang dumadaan.
Sa kondisyong ito, hindi malayang dumadaloy ang dugo na siyang dahilan kung bakit naiipon ito sa iisang lugar. Hindi magtatagal ito ay lalaki at magmukukhang namamaga. Ang itsura nila ay kadalasang kulay asul na matambok at makikita sa likod ng binti.
Habang ang hemorrhoids naman ay matatagpuan sa puwit ngunit hindi madaling makita. May ibang babae naman na nakararanas na ng almoranas bago sila mabuntis ngunit ito ay hindi naman malala. 25 hanggang 35 porsyento ang bilang ng kababaihang nakararanas nito. Habang 8 hanggang 20 porsyento ng mga buntis na babae ang nagkakaroon ng varicose veins.
Bakit nagiging malala ang varicose veins kapag buntis ang babae?
Marami ang pisikal na pagbabago sa mga babae kapag sila ay buntis. Katulad na lamang ng pagtaas ng dami ng dugo, pagbabago ng timbang, hormonal changes at pagtaas na rin ng lebel ng progesterone. Isa pa sa masasabing dahilan ng varicose veins ay dahil sa pagbigat ng nakaupong baby sa iyong uterus.
Habang ang ibang babae naman ay nakukuha ang varicose veins dahil sa kanilang genes.
Ano ang treatment sa varicose veins at almoranas sa pagbubuntis?
Ang treatment nito ay makakatulong sa mga babae para mabawasan ang sintomas at pananakit. Ngunit may iba naman na kinakailangang sumailalim sa operasyon para maayos ang baradong ugat kung sila ay may problema pa rin pagkatapos manganak.
Isang treatment para sa varicose veins ay ang pag-inject ng sclerosing agent. Ngunit hindi ito para sa lahat dahil kaya lamang nitong solusyonan ang mga maliliit na ugat at hindi ang mga malalaki.
Sa usaping almoranas naman, ito ay maaaring gamitan ng espesyal na uri ng rubber band o kaya naman sumailalim din sa operasyon. Para sa halos lahat, may mga paraan naman para mabawasan ang kondisyon na ito pagkatapos mong manganak.
[caption id="attachment_399315" align="aligncenter" width="670"] Ano ang varicose veins? | Image from iStock[/caption]
Almoranas o Hemorrhoids
- Makakatulong ang mga cream para mabawasan ang pangangati o pananakit ng almoranas. Ito ay naglalaman ng anti-inflammatory at analgesic compounds na siyang dahilan kung bakit lumiliit ang sukat ng almoranas. Ang suppository naman ay makakatulong din ngunit may ibang babae na hirap sa pagpasok nito sa kanilang rectum.
- Malaki ang maitutulong ng dietary supplements sa'yo para maging malambot ang dumi.
- Ang pagligo ay magdadala ng ginahawa. Kaya naman maghanda ng ice pack ay ilagay ito sa may bandang almoranas. Ang paglalagay ng cold compress sa may anal are ay makakatulong sa'yo.
- Talakayin ang iyong maternity care provider tungkol sa analgesics na ligtas at maaaring inumin habang buntis.
Varicose veins
- Sanayin ang sarili na kapag uupo ay dapat nakataas ang mga paa.
- Makakatulong ang iba't-ibang pool exercise habang buntis. Maraming buntis ang sinasanay ang kanilang sarili sa ganitong ehersisyo. Maganda itong gawain dahil hindi na kailangang tumayo at gamitin ng madalas ang muscle sa binti.
5 tips para mapigilang lumala ang varicose veins habang buntis
Dapat malaman ng karamihan na hindi maiiwasang magkaroon ng varicose veins. Ngunit may ilang bagay naman na makakatulong sa'yo:
- I-monitor ang timbang na nadadagdag sa pagbubuntis. Isa sa risk factor ng kondisyong ito ay ang labis na timbang o pagiging overweight/obese. Gamitin ang iyong pre-pregnancy Body Mass Index (BMI) bilang gabay sa malusog na pagbubuntis.
- Iwasang umupo o tumayo sa isang posisyon ng matagal. Gumalaw-galaw, gamitin ang mga kalamnan sa iyong hita para makatulong sa magandang dalot ng dugo sa puso.
- Iwasang magsuot ng masisikip na damit lalo na sa iyong hita, tiyan o baywang. May ibang babae naman ang gumagamit ng compression stocking bilang suporta.
- Kapag nakaupo, panatilihing nakataas ang iyong hita at paa. Gumamit ng maliit na upuan naiyong magagamit habang nanonood ng TV at nakataas ang paa.
- 'Wag mag cross legs o upuan ang mga paa.
[caption id="attachment_399313" align="aligncenter" width="670"] Ano ang varicose veins? | Image from iStock[/caption]
Kung naghahanap naman ng mga produktong makakatulong sa varicose veins, ito ang aming mga inirerekomendang brands na safe para sa buntis:
Isa sa magandang feature ng isang cream ang pagiging fragrance-free tulad na lang BioNeu Premium Vari-Gone Serum.
Maganda ito para sa mga taong nagsu-suffer sa varicose veins at iba pang sintomas ng disease. Good din for aching pain and swelling ng lower limb na dulot ng varicose veins.
Mayaman ito sa Vitamin E na best for the skin. Narito din ang mga healthy extracts like Citrus Lemon, Tomato, Papaya, Potassium, at Ginger Oil.
Nali-lighten nito ang skin dahil sa Kojic Acid Soap na mayroon ang serum. Perfect din dahil sa collagen feature.
Highlights:
- Good for varicose.
- Vitamin E best for the skin.
- With healthy extracts.
- With collagen feature.
Not just one but two function ang kayang itulong sa iyo ng K Gold Beauty Varicose Veins Remover Cream.
Bukod sa kaya nitong i-relieve ang bakas ng varicose veins, may power din ito to lighten you stretch marks. Kasama na rin sa feature ng cream ang pagiging anti-bacterial at anti-fungal.
You need to massage this cream gently onto your skin until absorbed. Best ang results nito within 4 weeks.
Highlights:
- Can lighten stretch marks.
- Anti-bacterial and anti-fungal features.
- Relieves varicose veins.
Sa murang halaga, matutulungan ka na ng JusOrgMnl Varicare Cream Remover. Kahit pa affordable, kaya naman nitong ma-reduce ang pagiging visible ng varicose veins sa binti.
May kakayahan kasi itong ma-nourish, soothe, at moisturize ang bakat ng isang tao upang ma-improve ang appearance ng iyong legs.
Mababawasan din nito ang pagsakit ng legs at ng iyong paa. Kaya na rin ng cream na i-strengthen ang iyong capillaries at blood vessels upang makatulong na maiwasan pa ang pag develop ng varicose veins.
It also helps with your blood circulation.
Highlights:
- Reduces visibility of varicose veins.
- Nourishes, soothes, and moisturizes your skin.
- Relieves pain and inflammation.
- Helps with blood circulation.
5 tips para mapigilang magkaroon ng almoranas habang buntis
- Iwang maging constipated. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fibre na mga sariwang prutas at gulay. 'Wag ding kakalimutang uminom ng maraming tubig.
- Iwasang umupo sa inidoro o pigilan ito habang dumudumi.
- I-monitor ang "white" foods na mataas sa carbohydrate katulad ng white bread o flour.
- 'Wag pigilan ang dumi kapag kailangang magbanyo. Nagkakaroon lang ng matinding pressure sa iyong rectum at maaaring magdulot ng constipation.
- Iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay. Napapataas lang nito ang iyong risk factor sa pagkakaroon ng almuranas dahil sa pressure sa iyong abdomen.
Tandaan
'Wag mag-atubiling kausapin ang iyong maternity care provider kung mayroon kang varicose veins o almuranas.
Jane Barry has qualifications in general, paediatric, immunisation, midwifery and child health nursing. She holds a Bachelor Degree in Applied Science (Nursing) and has almost 30 years specialist experience in child health nursing. She is a member of a number of professionally affiliated organisations including AHPRA, The Australasian Medical Writer’s Association, Health Writer Hub and Australian College of Children and Young People’s Nurses.
This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano