7 sex positions na puwedeng gawin kahit buntis

undefined

Sa pamamagitan ng mga safe sex positions kapag buntis na, siguradong hindi mawawala ang init ng samahan ninyo ni mister, kahit pa nagbubuntis ka.

Anong posisyon ang pwede sa buntis kung makikipagtalik? Ito rin ba ang tanong mo mommy? Alamin natin ang sagot dito sa artikulong ito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Anong posisyon ang pwede sa buntis kung makikipagtalik.
  • Sex positions kapag buntis na safe gawin.
  • Kailan ligtas makipagtalik habang buntis?

Anong posisyon ang pwede sa buntis kung makikipagtalik?

Alam niyo ba na kapag nagbubuntis, mas tumataas ang hormones ng mga babae, kaya’t sila ay mas naghahanap ng sex? Ngunit siyempre, nakakatakot ito minsan dahil baka mayroong mga sex positions kapag buntis na posibleng makasama sa baby.

Para sa karamihan ng kababaihan, ang pagtatalik habang buntis ay karaniwang ligtas. Sa katunayan, ang pagiging malapit ng mag-partner ay maaaring makatulong sa pagpapalakas ng kanilang relasyon sa panahong ito ng pagbubuntis. Hangga’t ang pagbubuntis ay mababa ang panganib o hindi at risk, ang pakikipagtalik ay hindi lamang ligtas, kundi maaari ring magbigay ng pisikal at emosyonal na benepisyo. Subalit, may mga dapat isaalang-alang na posisyon at pag-iingat lalo na habang lumalaki ang tiyan.

Bago talakayin ang mga inirerekomendang posisyon, mahalagang tandaan kung kailan dapat iwasan ang pagtatalik habang buntis.

Kailan dapat iwasan ang pagtatalik habang buntis

Ang pakikipagtalik ay maaaring kailanganing iwasan o limitahan kung ang buntis ay:

  • May placenta previa (kung saan ang inunan ay bumabalot sa cervix)
  • Nanganganib sa maagang panganganak o may kasaysayan ng maagang panganganak
  • Nakararanas ng pagdurugo, kakaibang discharge, o pagkirot
  • May maikling cervix o cervical insufficiency
  • Nagbubuntis ng dalawa o higit pang sanggol (twins, triplets, atbp.)
  • Nakakaranas ng pagputok ng panubigan (pagtulo ng tubig)

Laging kumonsulta sa iyong doktor o healthcare provider para sa personal na payo batay sa iyong medikal na kasaysayan.

Samantala, gumawa kami ng listahan ng iba’t-ibang mga sex positions kapag buntis na safe gawin ng mga mag-asawa!

Sex positions kapag buntis na safe gawin

oral sex - Anong posisyon ang pwede sa buntis kung makikipagtalik.

Larawan mula sa Freepik

Sa first trimester:

1. Edge of couch missionary

Dahil hindi pa gaanong malaki ang iyong tiyan, puwede pa kayong mag-missionary position ng iyong asawa. Ang edge of couch missionary ay isang variation sa missionary position kung saan nakahiga ka sa upuan, at ang iyong mga paa ay naka flat sa sahig. Sa ganitong posisyon, mas madaling makakapasok ang iyong asawa, at mas malalim din ang kaniyang penetration.

2. X-files

Ang x-files ay isa ring variation sa missionary position. Sa x-files, nakahiga ka at itataas mo ang iyong mga paa at ipapatong sa balikat ng iyong asawa. Sa posisyon na to, mas malalim ang pasok, at mas nakokontrol din niya ang pace at paggalaw.

Magandang sulitin na ang 1st trimester, dahil pagkatapos nito hindi na kayo puwedeng mag missionary position ng iyong asawa.

Sa second trimester:

3. Doggy style

Ang doggy style ay isa sa pinaka-safe na sex positions, lalong-lalo na sa 2nd trimester. Bukod sa simple lang gawin ang position na ito, siguradong magugustuhan din ito ng iyong asawa dahil kakaiba at exciting ang position na ito.

4. Leap frog

Ang position na ito ay variation sa regular na doggy style. Sa ganitong posisyon, iaangat mo lang ang iyong puwit, upang maging mas malalim ang pagpasok ng iyong asawa. Puwede mo rin i-control ang bilis at lalim ng pasok niya gamit sa posisyon na ito.

5. Hot seat

Sa hot seat na position, ang asawa mo ay nakaupo sa dulo ng kama, o upuan. Ikaw ay papatong sa kaniya ng patalikod. Sa posisyon na ito, nasa’yo ang control, kaya’t ikaw ang bahala kung gaano kabilis o kalalim mo gusto gawin.

Sa third trimester:

6. Spooning

Sa third trimester naman ay medyo mas limitado na ang inyong magagawang sex positions. Bukod sa mahirap ito gawin para sa katawan mo, ang ibang positions ay posibleng makasakit o makasama sa baby.

Ang spooning ay isang mainam na position, dahil parehas kayong komportable ng iyong asawa, at hindi ito masyadong nakakapagod o kaya magiging sanhi ng strain para sa’yo.

7. Reverse cowgirl

Ang reverse cowgirl ay variation sa woman on top na position. Sa halip na nakaharap ka sa iyong asawa, ay nakatalikod ka naman. Sa posisyon na ito, may kontrol ka sa bilis at lalim ng pagpasok, kaya’t mas madadalian ka na magkaroon ng orgasm.

Kailan ligtas makipagtalik habang buntis?

oral sex

Larawan kuha ni yanalya mula sa Freepik

Para sa karamihan ng kababaihan, ligtas ang pakikipagtalik sa buong pagbubuntis. Gayunpaman, bawat trimester ay may kanya-kanyang konsiderasyon:

  • Unang Trimester (Linggo 1–12): Kadalasan, ligtas makipagtalik sa unang trimester, ngunit maaaring maapektuhan ang libido dahil sa pagkahilo, pagkapagod, at pagbabago sa hormones. Walang partikular na limitasyon sa mga posisyon sa panahong ito.
  • Ikalawang Trimester (Linggo 13–26): Maraming kababaihan ang nakakaramdam ng mas mataas na enerhiya sa ikalawang trimester. Sa panahong ito, mas magiging komportable ang pakikipagtalik, ngunit kailangang isaalang-alang ang lumalaking tiyan.
  • Ikatlong Trimester (Linggo 27–40): Sa yugtong ito, iwasan ang mga posisyon na nagpapahiga nang tuwid sa likod dahil maaari nitong maipit ang mga pangunahing ugat na nagdadala ng dugo sa puso. Dapat ding iwasan ang malalim na penetration at anumang posisyon na nagdudulot ng hindi komportableng pakiramdam.

Tandaan

Ang pakikipagtalik habang buntis ay ligtas para sa karamihan ng kababaihan at maaari itong maging isang mahalagang bahagi ng relasyon ng mag-partner. Ang mahalaga ay makinig sa iyong katawan at magkaroon ng bukas na komunikasyon sa iyong partner. Palaging kumonsulta sa iyong doktor kung may mga alalahanin o partikular na kondisyon na maaaring makaapekto sa iyong pagbubuntis.

Tandaan, ang bawat pagbubuntis ay natatangi at kung ano ang komportable para sa isa ay maaaring hindi angkop para sa iba. Ang mahalaga ay ang pagpili ng mga posisyon na ligtas, komportable, at masaya para sa inyong dalawa.

Source: Women’s Health

Basahin: 15 tips at sex positions para mas malaki ang chance na mabuntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!