9 na tip para maging mas masarap ang 'doggy style' na sex position

9 na tip para maging mas masarap ang 'doggy style' na sex position

Ang mga tips na ito para sa doggy style na pakikipagtalik ay siguradong gagawing mas exciting at mainit ang samahan niyo ni mister.

Mahalaga ang intimacy sa mga mag-asawa. At siyempre, bahagi na ng intimacy ang inyong sex life bilang mag-asawa. Pero paano kung nasubukan niyo na lahat na posisyon, tulad ng doggy style at kung anu ano pa, pero talagang hindi na ganung ka-exciting ang inyong mga gabi? Paano maibabalik ang init ng inyong samahan?

Huwag mag-alala, heto ang ilang mga tips upang maging sumarap ang sex life ninyong mag-asawa!

9 na tip para maging mas masarap ang 'doggy style' na sex position

Mga tips upang maging mas masarap ang 'doggy style' na sex position
1. Gawin ito ng patayo

Hindi naman kailangang dapat palaging nakaluhod sa kama kapag ginagawa ang doggy style. Bukod sa nakakangalay ito, minsan masakit rin ito sa tuhod kapag tumagal. 

Upang maiwasan ito, puwedeng tuunan ang isang mesa, upuan, o kaya pader para maging suporta habang ginagawa ninyo ng patayo ang doggy style.

2. Subukan itong gawin sa labas ng bedroom

Kung gagawin niyo na lang rin ng patayo ang ganitong paraan ng pakikipagtalik, bakit hindi subukan itong gawin sa ibang lugar? Para mas exciting, puwede ninyo itong gawin sa sala, sa kusina, at sa iba pang lugar.

Maganda ito upang madagdagan ng excitement at pagiging spontaneous ang inyong sex life.

3. Gumamit ng unan

Puwede ring sa halip na nakaluhod ay nakadapa ka sa unan kapag nakikipagtalik sa iyong asawa. Nakakabawas ito ng strain sa iyong mga tuhod at binti, at mapapadali rin nito ang pag-orgasm dahil mas malalim ang puwedeng gawing thrust ng iyong asawa.

4. Subukan ang pag-stimulate ng nipples

May ilang mga babae na mas madaling nagkakaroon ng orgasm kapag na-stimulate ang kanilang nipples. Bakit hindi ito subukan sa susunod na mag doggy style kayo ni mister, upang maging mas exciting at mas masaya ang inyong sex life?

5. Gawin ito sa harap ng salamin

Minsan, mas nagkakaroon ng thrill ang pakikipagsex kapag nakikita ninyo ang sarili ninyo sa salamin. Nakakadagdag ito sa excitement ninyong dalawa, dahil kitang-kita ninyo talaga ang galaw ng isa't-isa habang kayo ay nakikipagtalik.

6. Sumubok ng "props"

Gumamit ng iba't-ibang mga "props" tulad ng yoga band, o kaya kumot, at ibalot sa iyong baywang habang nagdo-doggy style kayo ni mister. Nagbibigay ito ng support, at para rin itong una na nagbibigay ng pressure sa iyong pelvis na nagpapasarap lalo ng pakikipagtalik.

7. Gumamit ng sex toy

Kung mayroon kang vibrator, bakit hindi ito isama sa susunod na magsesex kayo ni mister? Puwede mong gamiting ang vibrator habang pumapasok si mister galing sa likod upang magkaroon ng dagdag na pleasure at mapadali ang pagkakaroon mo ng orgasm.

8. Gamitin ito para subukan ang anal

Kung may pagka-adventurous kayo, puwede niyo ring subukan ang anal sex kapag ginagawa ninyo ng doggy style ni mister. Mahalagang gumamit ng maraming lubricant, at condom upang mapanatili ang kalinisan at makaiwas sa mga sakit.

Laging tandaan ang safe sex!

9. Relax!

Last, huwag kalimutang mag relax! Hindi dapat stressful ang pakikipagtalik sa iyong asawa. Ito ay masaya at exciting na pangyayari, at hindi kayo dapat ma-pressure masyado.

Mag relax lang kayo at enjoy-in ang inyong pakikipagsama sa isa't-isa.

 

Source: Women's Health

Basahin: Kung mayroong G-spot, mayroon ding A-spot!

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner