Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

Happy Birthday Zoey!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Proud parent ang veteran broadcast journalist na sina Anthony Taberna o kilala bilang Ka Tunying at asawa nitong si Rossel Taberna sa paglaban ng kanilang anak na si Zoey sa sakit na leukemia.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Anthony Taberna sa paglaban ng anak sa leukemia: “Salamat sa inspirasyon at tapang!”
  • Mga risk factors ng leukemia

Anthony Taberna sa mensahe sa anak na lumalaban sa leukemia 

Larawan mula sa Instagram account ni Anthony Taberna

Pinatunayan muli ng mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Taberna ang pagiging proud parent sa kanilang anak na si Zoey. Hinangaan nila ang katapangan nito sa pakikipaglaban sa sakit nitong leukemia.

Parehong nagpost ang si Anthony at Rossel sa kanilang mga instagram account ng larawan ng anak na si Zoey na nasa hospital bed ito.

Mas bumilib pa raw ang veteran broadcast journalist sa pagharap ni Zoey sa karamdaman niya. Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang lahat ng nagpapaabot ng suporta, dasal, at pagmamahal sa kanyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Ka Tunying, mas bumilib pa siya ngayon sa ipinakikitang tapang ng anak sa pagharap at paglaban sa kanyang karamdaman kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal at nagpaparamdam ng pagmamahal kay Zoey.

“Salamat sa inyong pagmamahal sa isa’t isa bilang magkapatid Zoey and Helga, salamat, Mommy Sel, salamat sa lahat ng kasama namin na nananalangin, salamat sa Namamahala, salamat sa Panginoong Jesus. Higit sa lahat, salamat po Ama,” ayon sa TV host.

Binanggit din ni Anthony Taberna kung gaano siya kabilib kay Zoey at nagsisilbing inspirasyon nito.

“Hindi pa tapos ang laban kaya hindi pa rin po kami magsasawang makiusap, magtiwala at sumampalataya. Zoey, bilib kami sa ‘yo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Anthony Taberna.

“Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday (new birthday) sa iyo, Anak,”

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Anthony Taberna.

Ayon sa mag-asawa, kasalukuyan pa raw sumasailalim sa mga medical procedure ang dalagitang anak. Pareho rin umano silang umaasa na magtutuloy-tuloy na ang paggaling ng bata sa hinaharap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin nagpahuli ng post si Rossel Taberna. Sa personal na Instagram account nito ay ibinahagi niya rin ang parehong litratong pinost ni Anthony Taberna. Una niyang pinasalamatan ang panginoon maging ang mga sumuporta rin sa kanila.

“Napakabuti ng Ama.(crying, praying emojis).

Maraming salamat po sa lahat ng nananalangin para sa aming pamilya lalo na sa aming mga Anak. Damang-dama po namin ang inyong malasakit at pagmamahal.

Napakarami na po naming pinagdaanan at simula pa lamang po ito ng paninagong pagasa. Salamat! Maraming salamat,” dagdag ni Rossel.

Binanggit niya rin ang pagpapasalamat sa kanyang mister na si Anthony at sa bunsong si Helga. Proud din siyang sabihihn na si Zoey ang pinakamatapang na miyembro ng kanilang pamilya.

Ipinagdiinan din ni Rossel na si Zoey ang pinakamatapang na miyembro ng kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Walang hanggang pasasalamat sa aking kabiyak @iamtunying28 ikaw ang dahilan kung bakit tayo matibay, sa aking walang kasing-bait at mapagmahal na bunso @helga_tbrna at sa pinakamatapang na miyembro ng aming pamilya @zasiazoey.

Salamat sa buo naming angkan na gabi- gabi ay lumuluhod at nagpapanata kasama namin. Mahal na mahal po namin kayo,” ani Rossel.

Ang 14-taong gulang na si Zoey ay una nang na-diagnose ng leukemia noong Dec. 2, 2019. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi tumitigil ang paglaban ng anak ni Anthony Taberna upang tuluyang makalaya sa karamdaman.

BASAHIN:

Anthony Taberna on daughter with leukemia:”Kung puwede nga lamang, mailipat na sa akin ang sakit.”

Anemia: Sanhi, sintomas, at gamot para sa sakit na ito

Anthony Taberna, ibinahagi ang pinagdaraanan ng anak na may leukemia

Mga risk factors ng leukemia

Hindi 100% ang kasiguraduhang maiiwasan ang leukemia. Iba-iba ang risk factors kung bakit nakukuha ang sakit na ito. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  1. Edad: Kadalasang nagkakaroon ng sakit na leukemia ay mga bata at mga taong may edad 50 pataas.
  2. Kasarian: Mas madalas na nakakuha ng sakit na ito ay kalalakihan.
  3. Namamana: Maaaring mamana ang sakit kung mayroon sa pamilya ang nagkaroon nito.
  4. Gamot: Mataas ang tiyansang magkaroon ng leukemia kung umiinom ng gamot na pinahihina ang iyong immune system.
  5. Chemotherapy at radiation: Nakakataas din ng risk sa sakit na leukemia kung mayroon kang karanasan sa chemotherapy at radiation.
  6. Genetic syndromes: May mga partikular na genetic conditions ang maaaring makapagpa-develop ng leukemia. Kabilang sa mga ito ang down syndrome, klinefelter syndrome, fanconi anemia, at bloom sydrome.

Ang mga ito ay mga posibleng pagmulan lamang ng sakit na leukemia. Kung mayroon nang nararamdaman ay mas mabuting kumonsulta na sa eksperto. Sa ganitong paraan ay malalaman kaagad kung ano ang sakit at maaagapang gamutin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva