X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

18 vendors sa Antipolo market nag-positibo sa COVID-19

4 min read
18 vendors sa Antipolo market nag-positibo sa COVID-19

Antipolo new public market, nakasailalim sa 14-day lockdown dahil sa mga vendors na nagpositibo umano sa COVID-19.

Kasalukuyang isinailalim sa 14-day lockdown ang Antipolo new public market dahil sa COVID-19. Ito ay matapos magpositibo ang 18 tenants at vendors dito.

Antipolo new public market COVID-19

Noong June 25, nagpa-rapid test ang mahigit 800 tenants sa nasabing public market na kabilang sa expanded targeted testing ng Antipolo City.

antipolo new public market covid-19

Image from Mayor Jun Ynares Facebook

Sa 18 na nagpositibo, 15 ang tiga-Antipolo at 3 naman ang mula sa ibang bayan.

Pagpapaalala naman ni Antipolo City Mayor Jun Ynares sa kanyang Facebook post:

“Tulad ng dati, wala na po silang iintindihin sa airconditioned quarantine facilities natin. Sagot po natin lahat mula pagkain at gamot kung kakailanganin. May TV at cable para malibang. May bantay din na doctor at nurse sa nasabing pasilidad. Kung sakaling lumala ang kanilang kundisyon, tayo din ang gagastos sa kanilang pagpapa ospital kung wala po silang PhilHealth. Kasabay nito ang pag-ikot ng contact tracing teams natin para matukoy ang mga close contacts nila at maipasuri rin.”

Maliban sa public market, dumaan din sa expanded and targeted testing ang City Mall of Antipolo noong June 23, 2020 kung saan 700 naman ang vendors na nagpa-rapid test. 19 naman ang bilang ng nagpositibo na siya namang dumaan sa confirmatory tests. Lahat ay lumabas na negatibo kaya nananatiling COVID-free ang CMA.

Panawagan naman niya sa mga may-ari ng mga private markets,

“Ang pamahalaang lungsod ay nananawagan sa mga PRIBADONG palengke at pamilihan na bilang mga responsableng mga landlords, sana ay matulungan nila ang kanilang mga tenants at mga trabahador na maipasuri sa COVID. Kung wala po kayong pang gastos bilang landlords para sa inyong mga tenants, ipaalam niyo lang po sa amin.”

Sa ngayon, mayroong 15 thousand na COVID tests na ang naisagawa sa Antipolo City. Ang target lamang ay 1% pero sobra na ito kung titignan sa kabuuang populasyon nila.

Antipolo City COVID hotlines

antipolo new public market covid-19

Image from Mayor Jun Ynares Facebook

Sa mga nagnanais magpasuri at magpakonsulta, bukas pa rin daw ang Antipolo City COVID-19 hotlines na 24 hours gumagana.

  • 86970362
  • 09513359277
  • 09277824262
  • 09230816037
  • 09165344707

Iba pang mga COVID-19 preventive measures

Ipapatupad din daw kaagad ang perimeter control ng mga kapulisan at barangay officials upang matiyak na walang makakapasok sa Antipolo New Public Market. Magsasagawa din ng disinfection sa naturang lugar sa loob ng 14 days na lockdown. Nakikipag-ugnayan na rin umano ang City Social Welfare and Development Office para sa tulong sa mga tenants, vendors at helpers.

antipolo new public market covid-19

Image from Mayor Jun Ynares Facebook

Balik Barangay coding

Simula Huwebes naman, July 2, 2020, muling ipapatupad ang barangay coding sa mga wet markets sa buong Antipolo City upang masiguro na nasusunod ang mga precautionary measures tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar tulad ng palengke. Ito kasi ay high risk areas dahil sa dami ng mga taong nagpupunta dito.

Narito naman ang schedule ng bawat barangay ayon sa Facebook post pa rin ng Mayor.

Monday & Thursday

  •  Cupang
  • Sta. Cruz
  • Calawis
  • San Roque
  • San Luis
  • Inarawan

Tuesday & Friday

  • Bagong Nayon
  • Muntindilaw
  • San Isidro
  • Beverly Hills
  • Mayamot
  • Dalig

Wednesday & Saturday

  • Dela Paz
  • Mambugan
  • San Juan
  • San Jose

Paglilinaw niya, lifted ang Barangay Coding tuwing Sunday.

Paalala sa tuwing mamimili sa public markets at grocery

antipolo new public market covid-19

Image from Mayor Jun Ynares Facebook

Sa pamimili ay may mga paalalang ibinahagi ang doktor na si Dr. VanWingen para ma-proteksyonan ka mula sa sakit. Narito ang mga sumusunod:

  • Punasan ng disinfectant wipes ang iyong kart lalo na ang handle nito.
  • Mag-commit sa item na iyong binibili o pag-isipan muna kung dapat bang bilhin ang isang grocery item bago ito damputin at ilagay sa iyong kart.
  • Huwag mamili kung may respiratory illness tulad ng ubo. O kaya naman kung ikaw ay na-expose sa virus o isang PUI.
  • Huwag hayaang lumabas o mamili ang mga matatandang edad 60-anyos pataas. Sila ay mas prone umano sa virus.
  • Planuhin ang mga dapat mong bilhin na sapat o magkakasya sa loob ng dalawang linggo.
  • I-minimize o gawing mas maikli ang iyong oras sa pamimili kung maari.

Source:

Mayor Jun Ynares Facebook Post

Basahin:

Palengke sa Pampanga ipinasara pagkatapos mamatay ang isang tindero sa COVID-19

Partner Stories
Visa and Tanghalang Pilipino promote financial literacy with the launch of “Lukot-lukot, Bilog-bilog” web series 
Visa and Tanghalang Pilipino promote financial literacy with the launch of “Lukot-lukot, Bilog-bilog” web series 
Newest narzo 50i Prime for only 4,399 this Aug 15!
Newest narzo 50i Prime for only 4,399 this Aug 15!
Enjoy moments with the new Cloud 9 Peanut Butter
Enjoy moments with the new Cloud 9 Peanut Butter
Nike Fort unveils the new sporting hub in Manila
Nike Fort unveils the new sporting hub in Manila

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • 18 vendors sa Antipolo market nag-positibo sa COVID-19
Share:
  • Vendor sa Marikina public market na may COVID-19 symptoms namatay

    Vendor sa Marikina public market na may COVID-19 symptoms namatay

  • Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

    Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

  • Vendor sa Marikina public market na may COVID-19 symptoms namatay

    Vendor sa Marikina public market na may COVID-19 symptoms namatay

  • Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

    Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

    Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko