Naghahanap ng best free period tracking app? Inilista namin ang ilan dito!
Buwan buwan ay dinadatnan ang mga kababaihan ng kanilang buwanang dalaw. Pero siyempre, iba-iba pa rin ito sa bawat babae. Kaya’t mahalaga ang paggamit ng app for tracking period cycles. Upang mas malaman kung kailan sila magkakaroon ng period, kung irregular ba ang period nila atbp.
Bukod dito, malaki rin ang tulong nito sa mga babaeng nagnanais na magkaanak. Sapagkat malalaman nila kung kailan ang kanilang fertility period, o ang panahon na pinakamainam na makipagtalik upang mabuntis.
Kaya ito ang 10 best free period tracking app na makakatulong sa pag-track ng inyong mga period.
10 best free period tracking app
1. Period Calendar
Ang Period Calendar ay isang libreng app na tumutulong alamin ang iyong period. Pati na rin ang iyong fertility window, at kung kailan ang iyong ovulation.
Bukod dito, mayroon ding features ang app para i-track ang paggamit ng birth control, kailan ka huling nakipagtalik, at napakarami pang ibang features.
Ang maganda rin sa Period Calendar na app ay libre lang ito, at ito rin ang may pinakamataas na ratings na period tracker app sa iTunes at Google Play!
2. Clue
Ang Clue naman na app ay inirerekomenda ng Obstetrics & Gynecology journal. Kaya magtitiwala ka talaga dito. Ang kinaganda ng app na ito ay ito ang pinaka-accurate na period tracking app.
Gumagamit ito ng iba’t ibang mga algorithm at technique. Upang mag-adjust sa pabago-bagong cycle ng mga babae upang ibigay ang pinakatamang calendar para sa iyong menstrual cycle. Mas nagiging accurate din ito kapag mas lalong ginagamit.
Mayroon din itong period tracker, multiple mood trackers, health logs, at exercise trackers.
Heto ang link para sa Android, at sa iPhone users.
3. Flo Period Tracker
Tulad ng Clue na app, gumagamit din ng espesyal na mga technique at algorithm ang Flo Period Tracker upang masiguradong tama ang pag-track ng iyong period.
Ang maganda sa Flo Period Tracker ay simple lang ito, at napakadaling gamitin. Puwede rin itong gamitin na sleep tracker, tracker ng physical activity, at sa water consumption, kaya makakatulong ito sa kalusugan mo.
Heto ang link para sa Android, at sa iPhone users.
4. Glow
Ang Glow na app ay tumutulong upang ma-track hindi lang ang iyong menstrual cycle, ngunit pati na rin ang mga sintomas, mood, medication, at sexual activity.
Tulad ng ibang apps, maganda ang prediction nito sa iyong monthly cycle, at fertility period. Kapag mas madalas mo itong gamitin ay mas nagiging accurate din ito.
Libre na app ang Glow, pero puwede ka din magsubscribe upang makakakuha ng dagdag na features tulad ng iba’t-ibang magandang articles, private messaging, at support para sa app.
Heto ang link para sa Android, at ito naman ang para sa iPhone users.
5. My Calendar
Tulad ng ibang mga apps, hindi lang menstrual tracker ang My Calendar ngunit tracker din ito ng ovulation, paggamit ng birth control, atbp.
Ngunit ang pinakamagandang mga feature ng app na ito ay ang simpleng design na kahit isang tingin mo lang, kitang-kita mo na agad ang cycle mo. Bukod dito, mayroon din itong password protection feature para pribado ang impormasyon mo sa app.
Puwede ka ding maglagay ng mga reminders para sa paparating na period, at sa ovulation o fertility days para sa mga gustong magkaanak!
Heto ang link para sa Android, at para sa iPhone.
6. Period Plus
Ang Period Plus na app naman ay gumagamit ng mga reminders upang paalalahanan ka kung kailan ang sunod mong period, at kung gaano ito katagal.
Ito ay magandang app for tracking period cycles dahil hindi mo kailangan buksan ang app para gamitin ito. Kailangan mo lang mag-set ng mga reminders, at wala ka nang aalalahanin!
Yun nga lang, para lang sa iPhone ang app na ito.
7. Eve
Sa Eve na app naman, makikita mo ang iyong paparating na mga period, at ang posibilidad na ikaw ay mabuntis. Bukod dito, gumagamit din ang Eve ng mga magagandang charts at ang kanilang ‘interactive staircase’ upang magkaroon ng visualization ang iyong cycle.
Dito ay may community rin ng ibang gumagamit ng app kung saan puwede niyong pag-usapan ang inyong mga period, tungkol sa sex, at kalusugan.
Heto ang link sa Android, at sa iPhone
8. Period Tracker Lite
Ang kinaganda ng Period Tracker Lite na app ay ang pagiging simple lang nito.
Isang pindot lang ay puwede mo na agad i-track ang iyong cycle, at kaya din nitong i-predict ang iyong susunod na cycle.
Kaya ito magandang app for tracking period cycles ay dahil isang tingin lang, kita mo na agad ang lahat ng impormasyon na kailangan mo. Ang iyong cycle, ovulation period, mga mood, pati ang pagbago ng iyong timbang ay puwede mong i-track gamit ang app na ito.
Heto ang link para sa Android, at sa iPhone.
9. My Cycles
Hindi lang ang iyong menstrual cycle ang puwedeng i-track sa app na My Cycles. Kasama na rito ang iyong ovulation cycle, kaya’t maganda ito para sa mga nagnanais na magkaanak.
Bukod dito, kaya din nitong i-predict ang iyong mga menstrual cycle hanggang sa 12 buwan, at tulad ng ibang apps, mas nagiging accurate ito kapag mas madalas na ginagamit.
Heto ang link para sa Android, at sa iPhone.
10. Cycles
Ang kinaganda ng Cycles na app ay kailangan mo lang i-set ng isang beses ang app, at automatic na itong mag-aadjust sa iyong period, regular man o irregular.
Bukod dito, puwede mo din ibahagi sa partner mo ang app na ito, at malalaman niya kung paparating na ang iyong period. Sa ganitong paraan, parehas niyong alam kung fertile ka na ba, o kung magsisimula na ang iyong menstrual cycle.
Bukod dito, may password protection din ang Cycles na app.
Heto ang para sa iPhone.