Matatandaan na noong May ay inanunsyo niya ang kanyang pregnancy. Ngayon na siya ay nasa ika-4 na buwan na ng pregnancy, pinasilip ni Assunta de Rossi ang kanyang baby bump!
Assunta de Rossi pregnancy
Ayon sa kanyang Instagram post noong May, Marso pa lang ay nalaman na niyang siya ay buntis. Ito ay matapos makaranas ng mga sintomas ng pagbubuntis katulad ng nausea o pakiramdam na naduduwal, fatigue, pagkahilo at constipation.
Photo from @assuntaledesma’s Instagram
4 na buwan na ngayon ang kanyang ipinagbubuntis pero kuwento niya sa kanyang post, tatlong taon niyang hindi binibisita ang kanyang OB-GYN noon. Kaya laking gulat niya ng maka-miss siya ng period at makaranas ng mga sintomas ng pagbubuntis. Dito niya napagdesisyunan na magpa-test. Isang araw matapos magpa-ultrasound at blood test, nalaman niyang siya nga ay buntis.
Tinatawag niyang miracle baby ang pinagbubuntis niya dahil bukod sa 14 years na silang kasal ng kanyang asawa, mayroon din siyang myoma at endometriosis na parehong sakit sa uterus. Aminado ang aktres na natatakot siya sa mga posibleng mangyari habang siya ay nagbubuntis. Gayunpaman, masaya siya at maging ang kanyang pamilya sa blessing na ito.
Assunta de Rossi baby bump
Sa post ng kanyang asawa na si Jules Ledesma, ipinasilip ni Assunta de Rossi ang kanyang baby bump!
View this post on Instagram
A post shared by JulesLed (@julesledesma) on
Bukod sa caption niya na “God keep you and the child,” binanggit din ni Assunta sa kanyang isa pang Instagram post na siya ngayon ay “nagpapalaki”.
Sa ika-apat na buwan ng pagbubuntis, mapapansin na unti-unti nang mawawala ang mga sintomas ng early pregnancy katulad ng nausea, digestive problems at iba pa.
Photo from @julesledesma’s Instagram
Para sa mga high-risk pregnancies, maaring crucial ang siyam na buwan na ito at kinakailangan na huwag masyadong magpa-stress. Kaya naman ang 37 years old na aktres ay nagfo-focus lang daw sa kanyang health.
Assunta on becoming a mom
Noong hindi pa siya nagbubuntis, sinabi niya sa isang interview na:
“Everything happens at the right time. Sabi nga, God is not one minute early not one minute late. He is always on time.”
Photo from @julesledesma’s Instagram
Bagama’t 14 years into the relationship na ng mabiyayaan ng anak ang mag-asawang Ledesma, nagpapasalamat pa rin sila para rito.
Noong 2016 ay sinubukan nila ang IVF o in vitro fertilization, ngunit hindi tinanggap ng kanyang katawan ang embryos. Susubukan pa raw sana nila ito ngayong taon, ngunit dito na nga nila nalaman na siya ay buntis na.
“Not only did we conceive naturally, but it was totally unplanned. Isn’t it amazing that after all these years life still has the capacity to surprise you?”
Source:
TheAsianParent PH
Basahin:
Celebrity moms that are sure to inspire us all
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!