Isang 32-anyos na babae ang namatay sa bansang Colombia matapos niyang makipag-sex ng 5 oras. Ayon sa mga ulat, atake sa puso ang ikinamatay ng babae, at posible raw na may kinalaman rito ang paggamit niya ng drugs.
Atake sa puso, ikinamatay ng babae matapos ng non-stop na sex
Base sa mga report, “La Fiera” o “The Beast” raw ang nickname ng babae, at siya ay namatay matapos ng 5 oras ng non-stop sex.
5 oras raw silang tuloy-tuloy na nagtalik, at sa gitna nito ay nagkaroon ng cardiac arrest o atake sa puso ang babae. Ayon sa kaniyang partner ay sinabi pa raw ng babae na tila hindi raw maganda ang kaniyang pakiramdam. Matapos nito, nawalan na ng malay ang babae.
Humingi pa raw ng tulong ang kaniyang partner, ngunit napakatagal raw bago dumating ang tulong. Dahil dito, naisipan na lang niyang dalhin mismo ang babae sa ospital. Binalot na lang raw niya sa tela ang partner, at dinala sa ospital, kung saan siyang dineklarang dead on arrival.
Nalaman rin ng mga doktor na gumagamit raw ng droga ang biktima at ang kaniyang partner. Ayon sa partner ng babae, gumamit raw sila ng droga para makapagtalik ng tuloy-tuloy.
Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad kung may kinalaman ang paggamit ng droga sa pagkamatay ng babae.
Sobrang sex, hindi rin mabuti
Hindi maitatanggi na para sa mga mag-asawa, malaking bagay ang sex. Ngunit kung ito naman ay sumosobra, hindi rin ito makabubuti.
Ito ay bagama’t nakakatulong nga sa mga mag-asawa ang pakikipagtalik, posibleng maging sintomas ng mental disorder ang pagiging addicted sa sex.
Ayon sa World Health Organization o WHO, ang kondisyong ito ay tinatawag na sexual behavior disorder o CSBD. Kabilang sa mga sintomas nito ang pamboboso, at sumosobra sa panonood ng porn.
Malaking problema ang ganitong kondisyon sa mga mag-asawa dahil hindi lang dapat puro sex ang nasa isip ng mga tao. Ang ganitong klaseng disorder ay nakakaapekto sa buhay ng isang tao, at posibleng lumala kapag pinabayaan lang.
Minsan ay humahantong pa ito sa pangangaliwa sa asawa. Kaya mahalagang hindi malulong sa ganitong klaseng gawain.
Posible rin itong magsimula sa murang edad, lalo na kung hindi mabuti ang pag-unawa sa sex ng isang tao. Kaya importante ang open na discussion sa pamilya pagdating sa usapin ng sex, at mahalagang mag-usap ang mga mag-asawa tungkol sa ganitong mga bagay.
Tandaan, kahit anong sumobra ay hindi makakabuti. Lalong-lalo na sa sex. Kaya’t kung sa tingin mo ay mayroong sex addiction ang iyong partner, ay huwag mahiyang pag-usapan ito upang maagapan at mahanapan agad ng lunas.
Source: Inquirer
Basahin: Lalaki, pinatay ang anak dahil ayaw makipag-sex ni misis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!