Aktres na si Aubrey Miles ikinuwento ang naging reaksyon niya ng malamang may autism ang daughter niyang si Rocket.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Paano nag-react si Aubrey Miles ng malaman niyang may autism ang only daughter niyang si Rocket
- Mensahe ni Aubrey Miles sa mga magulang na may anak na autism o ADHD
Paano nag-react si Aubrey Miles ng malaman niyang may autism ang only daughter niyang si Rocket
Sa pinakabagong episode sa YouTube channel ni Toni Gonzaga ay nagpaunlak ng panayam ang bagong kasal na sina Troy Montero at Aubrey Miles. Maliban sa kanilang happy at long-lasting relationship ay napag-usapan kung paano hinaharap ng mag-asawa ang kondisyon ng kanilang only daughter at bunsong anak na si Rocket. Dahil sa ito, nito lamang Abril ay ibinahagi ng mag-asawa sa publiko na na-diagnose na may Autism Spectrum Disorder.
Ang pag-amin sa kondisyon ng anak ay ginawa ni Aubrey sa kaniyang Instagram account. Doon ay nagpaliwanag rin siya kung bakit hindi nila agad isinapubliko ang kondisyon ni Rocket. Ito ay sapagkat minabuti muna nilang malaman at maging aware kung ano talaga ang kondisyon na nararanasan nito. Dahil pag-amin niya noong una ay confused sila at hindi malaman kung paano ito haharapin.
“Yes, our Rocket has ASD, Autism spectrum disorder. We didn’t share this right away because we are still learning about ASD. It was important for us to educate ourselves about it. At first we were confused, and questioned ourselves, how and why. We searched around to for an ASD specialist before anything else.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Aubrey noon.
Aubrey Miles sinisi ang sarili noong una dahil sa naging kondisyon ng kaniyang daughter
Sa kaniyang latest na panayam ay inamin rin ni Aubrey na una niyang sinisi ang sarili sa kinahantungan ng anak.
“You want to blame ‘yong sarili mo kasi as a mom parang ako ba to? Ako ba yan? What did I do?”
Ito daw ang mga tanong ni Aubrey noon sa doktor nang makumpirma niya ang kondisyon ng anak.
Pero naipaliwanag naman daw sa kaniya ng doktor na hindi niya ito kasalanan. At kahit papaano ay gumaan ang loob niya kahit walang lunas ang autism ay mai-improve naman ito ng therapy.
Kuwento pa ni Aubrey, naramdaman niyang may kakaiba sa anak kay Rocket noong ito ay 1 and half year old pa lang. Bilang nakapag-alaga na ng dalawang bata sa katauhan ng two boys niyang si Maurie at Hunter, batid niyang may iba na sa kaniyang bunso noong una. Pero noong una ay pinili niyang i-deny ito sa kabila ng mga sintomas na ipinapakita ng anak.
“She doesn’t acknowledge her name, yun ‘yong first. She doesn’t look. When you say Rocket she’ll look everywhere. Then delayed speech, repetitive activities and then she’ll focus on one thing na hindi mo mapigilan. Running back and forth, tip-toeing. Other things na wala siya like sa mga autistic kids pero lahat ng basics meron siya.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Aubrey tungkol sa kondisyon ng anak na si Rocket.
Paano natutunan ni Aubrey na tanggapin ang kondisyon ni Rocket
Nang malaman ang tunay na kondisyon ng anak at ma-diagnose na may autism ito hindi alam ni Aubrey sa kung saan siya magsisimula. Naging malaking tulong nga daw sa kaniya bilang isang ina ang mga kapatid ni Rocket na hindi ito itinuturing na kakaiba.
“Si Hunter sabi niya, ‘Why? What is autistic? She is normal to me’. Because you are always with her. Which is na happy na happy ako because they look at her the same and like not different from other kids.”
Ito daw ang environment na gusto nilang i-maintain para kay Rocket. Lalo na’t ito ay isang happy kid na talaga nga namang mas nagpapasaya ng pamilya nila.
Masaya rin daw siya na sa ngayon ay naibabahagi na nila ang kondisyon ni Rocket sa iba. Isang bagay na labis na nakapagpapagaan ng loob niya bilang isang ina.
“I’m crying because we can say it. Kasi before it’s so hard. Now I am happy that I’m open. Parang you know what we can do this.”
Ito ang naluluhang sabi pa ni Aubrey.
Mensahe ni Aubrey Miles sa mga magulang na may anak na autism o ADHD
Mayroon rin siyang mensaheng iniwan para sa mga magulang na tulad niya ay may anak na na-diagnose na may autism o ADHD. Pero mariin niyang sabi walang dapat ikahiya sa pagkakaroon ng autism o kahit ano pang kondisyon ng iyong anak.
“Sa mga parents na they discovered that their kids have autism or ADHD, it’s okay that you pass that level or you’re passing through that denial or you can’t accept kasi hindi mo naman puwedeng lagpasan yan e. Normal talaga ‘yong nahihiya ka. Paano mo sasabihin, paano mo ise-share. Its ok not to share yet. Kung ayaw mo talaga, it’s ok.”
“Ang daming nagtatago ng anak nila that’s because nahihiya silang ilabas. Nahihiyang may autism ‘yong anak nila. Sabi ko ‘Why?’ Sabi ko ‘You should be proud na nasu-survive mo yun and as a parent you’re so strong.’”
Ito ang sabi pa ni Aubrey Miles sa mga magulang na tulad niya ay may anak na may Autism Spectrum Disorder.