Awra Briguela sa ama na naka-graduate sa kaniyang Master’s Degree: “Congratulations on all your well-deserved success, Pa! ??‍?”

Awra naging malaking tulong sa pagtatapos ng kaniyang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Awra Briguela congratulates his father for finally finishing his Master’s degree. Komedyante proud sa achievement ng ama na tinulungan niyang makapagtapos sa pag-aaral.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Awra Briguela proud of his father.
  • Pagiging ulirang anak ni Awra.

Awra Briguela proud of his father

Larawan mula sa Instagram account ni Awra Briguela

Proud na proud bilang isang anak ang komedyanteng si Awra Briguela sa achievement ng kaniyang ama. Dahil ang ama ni Awra na si Oneal Brian Briguela nakapagtapos na sa kaniyang Masters in Business Administration degree o MBA. Ito ang ibinahagi ni Awra sa kaniyang latest Instagram post kalakip ang ilang larawan sa naging graduation ng ama sa Philippine International Convention Center (PICC).

“Congratulations on all your well-deserved success, Pa! ??‍?”

Ito ang pagbati pa ni Awra sa kaniyang ama.

Pagiging ulirang anak ni Awra

Larawan mula sa Instagram account ni Awra Briguela

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unang ng ibinahagi ng ama ni Awra na ito ang naging daan para makatapos siya ng degree sa kolehiyo. Sa edad na 32-anyos noon ay natupad niya ang pangarap niyang maka-graduate. Ngayon makalipas ang limang taon ay natapos niya rin ang kaniyang Masters degree. Ito naging possible sa tulong ng anak niyang si Awra.

Ang ama proud hindi lang sa natutulong ng anak sa kaniya at sa kanilang pamilya. Tanggap na tanggap niya rin daw ang gender preference nito. Bilang isang ama ay suportado niya rin daw ano man ang ikakasiya ng kaniyang anak.

"Noong naramdaman ko po na ganoon siya, tinanggap ko na po sa sarili ko. Kasi kung hindi ko po matatanggap, papaano pa 'yong ibang tao?"

"'Yung sakin naman po ano, kung saan masaya 'yung anak ko, doon po ako masaya.”

Ito ang bahagi pa ng pahayag ng ama ni Awra noon sa isang panayam.

Si Awra super thankful din sa pagkakaroon ng ama ng suportado ang hilig at preference niya sa buhay. Sa katunayan, tulad niya ay proud din daw ang ama sa narating ni Awra sa pag-aartista.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Awra Briguela

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement