Tuwing ayaw magsex ng asawa mo, hindi malayong tumakbo sa isip mo ang kung anu-anong mga teorya. Marahil iniisip mo na hindi ka na sexy, losyang ka na, o bored na siya sa ‘yo. Sapagkat ano pa nga ba ang mga puwedeng dahilan ng panlalamig ng relasyon ninyo?
Mababasa sa artikulong ito:
- Sanhi kung bakit ayaw magsex ng asawa mo
- Paraan na maaari ninyong magawang mag-asawa
Kadalasan iniisip ng babae na siya ang may problema kaya nangyayari ito sa sex life ng mag-asawa. Ngunit hindi ito parating totoo dahil may mga magaganda, sexy, at kaakit-akit na mga misis din na nakakaranas nito.
Kaya naman bakit nga ba ito nangyayari? Bakit nga ba ayaw magsex ng asawa mo?
Napag-alaman namin na may apat na rason kung bakit ka nire-reject ni mister.
1. Kapag naging kabit niya ang trabaho niya
Kadalasan, ang libido ng lalaki ay nakalaan para sa kaniyang partner o asawa. Subalit kung ang trabaho niya ang nagiging sentro ng kaniyang buhay, doon napupunta ang kaniyang sexual energy.
Bago ka mag-isip ng kung ano pa man, hindi nito ibig sabihin na may kalaguyo na siya sa opisina. May iba-ibang paraan para makamit ang “high” na dati ay nakukuha niya lang sa sex. Maaaring makuha niya ito sa promotion, increase, o kahit simpleng pagpapatunay na magaling siya sa ginagawa niya—ego boost kumbaga. Minsan ang mga bagay na ito ang nakakapagbigay ng pakiramdam na nasa rurok na siya at pinapalitan nito ang kagustuhan makipag-sex.
Ano ang puwede mong gawin?
Iparamdam mo sa mister mo na interesado ka sa kaniyang trabaho at sa ginagawa niya sa pang-araw-araw. Magsimula sa maliliit na bagay, katulad ng pangangamusta sa mga proyekto na hinahawakan niya.
Maglaan din ng oras na para sa inyo lang na mag-asawa. Walang distractions katulad ng cellphone o TV. Puwede rin na mag-date kayo. Kailangan magkaroon kayo ng pagkakataon na mag-reconnect.
Kung masyado ng pagod para magsex matapos ang trabaho sa gabi, subukan ninyong ibahin ang nakasanayan ng “schedule” ng pagtatalik. Maaaring gawin ito sa umaga bago pumasok sa trabaho o ‘di kaya sa weekend pag wala masyadong aalahanin.
Larawan mula sa iStock
2. Kapag mas madaling mag-masturbate kaysa magsex
Kung climax lang ang goal, hindi naman talaga kailangan ng partner para ma-achieve ito. Maaaring mag-masturbate para masagot ang pangangailangang sekswal. Ito ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng pleasure.
Para sa ibang mga lalaki, mas madali itong gawin kaysa umasa na ibibigay ito ng kanilang partner. Marahil lumaki sila sa isang environment na hindi humihingi ng tulong ang mga lalaki, na kaya nilang solusyunan ang lahat. Kaya pati pagdating sa sex, sanay na rin sila sa sariling sikap.
Ano ang puwede mong gawin?
Kausapin ang iyong asawa at ipaliwanag sa kaniya na mahalagang bahagi ang pagtatalik sa relasyon ninyong mag-asawa. I-open ang idea ng pagbawas niya ang kaniyang masturbation para may puwang pa para magkaroon ng pagnanais sa kaniyang partner.
Tandaan: hindi nababago ang nakaugalian na nang ganun-ganun lang. Kailangan pagsumikapan na lalong lumapit ang loob niyo sa isa’t isa pagdating sa pisikal na pagpapakita ng inyong pagmamahalan. Subukang tanungin siya kung ano ang pleasurable sa kaniya. Maaari ring ikaw mismo ang mag-masturbate sa kaniya, bilang panimula.
Ayaw magsex ng asawa. | Larawan mula sa iStock
BASAHIN:
5 Ways to Spice Up Sexy Time—the Responsible Way
7 Mga posisyon at paraan ng pakikipagtalik ng matangkad na lalaki at maliit na babae
Misis hindi maabot ang climax sa pagtatalik dahil sa kondisyon na kung tawagin ay anorgasmia
3. Kapag nahihirapan siyang ma-arouse
Mayroong mga bayologikal na kadahilanan din kung bakit mababa ang libido ni mister. Maaaring mayroon siyang erectile dysfunction, early ejaculation, o delayed ejaculation na karaniwang nararanasan ng ibang mga lalaki. Ang mga ito ang naghahadlang upang ma-arouse siya nang tuluyan. Maaaring ayaw magsex ng asawa mo dahil ayaw niyang mapahiya.
Ano ang puwede mong gawin?
Hikayatin si mister na magpatingin sa isang urologist para mapatignan ang kaniyang testosterone levels. Kung may edad na ang iyong mister, maaaring mababa na ang kaniyang libido. Kung siya naman ay bata pa, maging encouraging sa kaniyang sexual performance.
Kailangan intindihin ang pressure na nararamdaman niya tuwing magtatalik kayo. Importante na maging kumportable rin siya kagaya mo. Sabay niyong subukan kung ano ang mga puwede niyong gawin para mas maging enjoyable ang sex para sa inyong dalawa. Sumubok ng iba-ibang posisyon o ‘di kaya naman ay pag-usapan niyo ang pantasya ng isa’t isa. Kailangan maging open kayo sa isa’t isa.
Bukod pa sa suporta mo, mainam din na kumonsulta sa doktor para matugunan ang problemang biologikal. Ang early ejaculation ay maaaring ma-improve sa pamamagitan ng therapy.
Larawan mula sa iStock
4. Kapag nauunahan siya ng kaniyang utak
Minsan ang problema’y nasa kaniyang pananaw sa sarili kaya ayaw magsex ng asawa mo. Lumaki ba siya na mahiyain at hindi sigurado sa sarili, mas lalo na pagdating sa sex? Sa tingin ba niya kasalanan ang pakikipagtalik? O ‘di kaya, sa totoo lang e mas madalas sa normal siyang nakakaramdam ng pagnanasa, at nahihiya siyang ipaalam sa’yo ito?
Ang mga rason na ito ang mga puwedeng maging dahilan kung bakit tila wala siyang pagnanasa sa’yo.
Ano ang puwede mong gawin?
Ayon sa Psychology Today, puwedeng makatulong ang psychodynamic therapy o dream analysis. Sa pamamagitan ng pagkilala sa kaniyang “inner self,” maaaring matulungan kayo ng mga eksperto na mas maintindihan kung bakit mayroong siyang mga kakaibang saloobin tungkol sa sex.
Huwag agad husgahan si mister. Maaaring mayroon siyang pinagdadaanan na isyu na kailangan niyang harapin. Huwag kalimutan na ang sex ay dapat pleasurable at enjoyable para sa inyong dalawa.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!