Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang isang babae na sinadyang ubuhan ang baby matapos nitong magkaroon ng pagtatalo sa nanay ng bata.
Ang bata ay agad na nakaranas ng sinat matapos ang insidente.
Babae sinadyang ubuhan ang 1-year-old baby pagkatapos makipag-away sa ina nito
Ayon sa report ng pulisya sa San Jose, California, mga bandang 5 na hapon nangyari ang insidente noong June 12. Kitang-kita sa CCTV ang suspect na babae sinadyang ubuhan ang 1 year old na baby. Ito ay matapos magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa ina ng bata.
Reklamo ng suspect, nainis daw ito sa ina ng bata ng hindi inalala ang social distancing.
Image from San Jose Police Department
Nasa edad 60 years old ang suspect at may katamtamang katawan. Nakasuot rin ito ng gray na bandana at long sleeve shirt na may gray na vertical lines din.
Ayon kay Sergeant Enrique Garcia ng San Jose Police Department, nainis ang suspect na babae nang hindi daw inalala ng ina ng bata ang social distancing na protocol para sa health measure ng COVID-19. Dahil dito, tinangal ng suspect ang face mask nito at lumapit sa mukha ng bata para ubuhan nito ng dalawa hanggang tatlong beses.
“The preliminary investigation revealed the suspect was upset the female was not maintaining proper social distancing. So the suspect removed her face mask, got close to the baby’s face, and coughed 2-3 times.”
Suspetsya naman sa nanay ng bata, ito ay may kinalaman sa race nila at sinabing racist ang babae.
Image from San Jose Police Department
Saka lang kasi ito nagpakita ng ugali nang marinig silang nag uusap ng spanish ng kanyang lola. Dito na siya sinimulang sabihan tungkol sa social distancing at pag harass sa kanila ng kaniyang 1 year old na anak.
“I believe this woman may be racist because the family in front of her is white. Me and my grandma are Hispanic and she started telling me about my distance and harassing me and my son once I started speaking Spanish to my grandma.”
Isa pang ikinabahala ng ina ng bata ay dahil bigla na lamang nagkaroon ng sinat ang kanyang 1 year old na anak matapos ang insidente. Naglabas rin siya ng sama ng loob na hindi niya alam ang gagawin niya kung sakaling magkaroon ng sakit ang kanyang anak.
Ngunit ngayon ay bumubuti naman na ang kalagayan nito.
Kasalakuyang pa ring pinaghahanap ng San Jose Police Department ang suspect na babae.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Babae sinadyang ubuhan ang 1-year-old baby pagkatapos makipag-away sa ina nito | Image from Unsplash
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
ABC News
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!