UPDATE as of June 23, 3 PM: Walang outbreak ng virus sa tilapia at hipon ang nakumpirma sa Taal Lake at Laguna de Bay. Ang pagkamatay ng mga ito ay dahil lamang sa mababang oxygen at pagbabago ng panahon. Samantala, ang pagkain ng mga patay nang isda ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao dahil sa namuong bacteria na dito.
Nagbigay ng babala ang mga eksperto sa pagbili ng tilapia at hipon ngayon dahil sa virus nito. Ano nga ba ang dapat tandaan at may epekto ba ito sa katawan ng tao kapag nakain?
BFAR nagbabala sa pagbili ng tilapia at hipon dahil sa virus na nakita dito
Ayon sa pinakalat na paalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, kailangan ng dobleng pag iingat ng mga mamimili sa pagkain ng tilapia at hipon sa panahon ngayon. Ito ay dahil may nadiskubreng isang virus sa mga ito matapos may makitang mga lumulutang na patay na isda sa Laguna Lake.
Suspetsya ng BFAR na ang dahilan ng pagkamatay ng mga isdang ito ay dahil sa pagkawala ng oxygen at pagbabago ng temperatura sa dagat.
BFAR nagbabala sa pagbili ng tilapia at hipon dahil sa virus na nakita dito | Image from Unsplash
Dagdag pa ni Sammy Malvas, Region IV-A Director ng BFAR, kailangang mag ingat ng mga mamimili sa pagbili ng tilapia dahil isa rin ito sa tinatamaan ng nasabing virus na White Spot Virus. Puntirya ng virus ang pag-atake sa internal organs, utak at atay ng tilapia.
“It’s a virus targeting the internal organs, the liver, and the brain no’ng mga alaga po nating tilapia.”
Kasama na rin sa apektado ng nakitang virus ang mga hipon. Ayon sa report, malalamang mayroong white spot syndrome ang mga hipon kapag tila may maraming ilaw na makikita sa tubig kung nasaan sila.
“Pag sa gabi, makikita mo na parang maraming ilaw doon sa tubig at isa sa mga senyales na mayroon white spot syndrome. Ang tinatamaan lang nito ang internal organs nila and so it will cause mass mortality pag ito po ay dumapo sa ating mga shrimp farms.”
BFAR nagbabala sa pagbili ng tilapia at hipon dahil sa virus na nakita dito | Image from Freepik
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kasalukuyan pa rin nilang iniimbestigahan at pinagaaralan ang pangyayaring ito. Nagbigay rin sila ng biosecurity measures sa mga nagpapalaki ng tilapia at hipon para masigurong protektado ang kanilang alaga sa white spot virus.
“Lahat po ng movement, kailangan po nilang kumuha ng health certificate muna sa pinakamalapit na BFAR office or laboratory. Para ma-analyze po ‘yung samples. Just to make sure na wala pong dalang sakit po ‘yung mga semilya na kanilang ita-transport.”
Kailangan rin nila ng health certificate kung sakaling ibebenta ang mga tilapia at hipon.
Epekto ng white spot syndrome sa tao
Klinaro naman ng BFAR na ang white spot virus na ito ay hindi nakamamatay o delikado sa tao. Ngunit makakapagdulot ito ng pananakit ng tyan sa mga taong nakakain ng isdang may virus.
BFAR nagbabala sa pagbili ng tilapia at hipon dahil sa virus na nakita dito | Image from Freepik
Ang epekto ng white spot syndrome sa tao ay hindi naman nakakabahala. Ayon sa kanila na walang epekto sa tao ito kapag kinain. Ngunit kapag kinain pa ang isdang mayroong virus at patay na, posibleng ito ay makaapekto sa kanilang kalusugan. Maaari kasi itong napasukan na ng bacteria at iba pang delikadong organism.
“For the white spot syndrome, wala po siyang effect sa tao ‘pag kinain. Basta ‘pag buhay pa siya, wala naman pong effect. But ‘pag namatay na, hindi natin alam kung ilang oras na siyang nakalutang. Posibleng may mga bacteria na or any other harmful organisms andoon sa patay na isda tapos nakain, that may cause harm sa tao.”
Ang tanging mataas lang ang risk sa white sport virus ay tilapia, hipon, crab at lobster.
Source:
GMA News Online
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!