May kilalang babaeng nangaliwa? Ito ang mga karaniwang rason at dahilan kung bakit nila ito nagagawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga karaniwang dahilan kung bakit may babaeng nangaliwa.
- Paano maiiwasan ang cheating sa relasyon.
Hindi na bago ang makarinig ng kuwento tungkol sa mga babaeng nangaliwa. Lalo pa’t ngayon, tayo ay malayo na sa konserbatibong pamumuhay na kinasanayan noon ng ating mga ninuno.
Pero hindi tulad ng pangangaliwa na ginagawa ng mga lalaki, marami pa rin ang tanong at nabibigla kung ang babae ang nangaliwa.
Ang tanong na laging kasunod nito ay bakit niya ito nagawa o ano ang nagtulak sa kaniyang dahilan para humanap ng iba at magtaksil sa kaniyang asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga karaniwang rason kung bakit nangangaliwa ang mga babaeng may asawa na.
Mga karaniwang dahilan kung bakit may babaeng nangaliwa
Wedding photo created by jcomp – www.freepik.com
1. Nakukulangan o wala na silang emotional connection ng kaniyang asawa.
Ayon sa anthropologist na si Helen Fisher, isa sa pangkaraniwang rason kung bakit nangangaliwa ang isang babae ay dahil wala na umano silang emotional connection ng kaniyang asawa.
Ito ay maaaring dahil sa pareho silang busy sa kanilang mga trabaho o kaya naman ay may pinagkakaabalahan ng iba ang kaniyang mister at na-taken for granted na siya.
2. Gusto niyang kiligin at ma-feel na sexy at attractive pa rin siya.
Ang kawalan ng emotional connection sa isang pagsasama ay nagdudulot ng kalungkutan sa isang babae. Ito ay ayon sa marriage at family therapist na si Winifred Reilly.
Kaya naman sa oras na may nagparamdam sa kaniya na siya ay attractive at binigyan siya ng espesyal na atensyon ay agad nahuhulog ang loob niya. Lalo na kung ang taong ito ay muling ipaparamdam sa kaniya ang kilig at atensyon na hinahanap niya.
3. Gusto nilang makawala sa isang bad marriage.
Ang mga babae ay natural na matiisin o martir. Lalo na kung ito ay para sa mga anak niya o kaniyang pamilya. Kaya naman kung minsan kahit hindi na siya masaya ay pinipili niyang manatili sa isang relasyon.
Maliban na lamang kung may isang tao na magpaparamdam sa kaniya na maaaring magsimula siyang muli. Ang taong makakapagparamdam na maaaring makabuo siya ng masayang pamilya na hinahanap niya sa tulong ng ibang kapareho o pagkakaroon ng ibang kinakasama.
4. May problema sa pagsasama nilang mag-asawa at nais niyang maayos ito.
May ibang babae naman na in denial na may problema sa pagsasama nilang mag-asawa. Hanggang sa hindi niya napapansin ay nahuhulog na pala ang loob niya sa ibang lalaki. Dahil sa mga ipinapakita o pinadama nito sa kaniya na hindi nagagawa ng kaniyang asawa.
Ito ang magsisilbing eye opener niya sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa. At magtutulak sa kaniya na gumawa ng paraan upang masagip ito at maiwasang tuluyang masira ang pagsasama nila.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
5. Gusto nilang magkaroon panibagong taong makakasama nila sa buhay.
Kung nakakaranas ng problema sa kaniyang marriage o asawa ay pumapasok siyempre sa isip ng babae ang ideya ng paghihiwalay.
Pero may mga babae na takot magsimula ng mag-isa. Lalo na kung alam niyang may mga batang siyang kailangang itaguyod o palakihin pa.
Kaya naman habang dumadaan sa napakahirap na sitwasyon sa kaniyang “buhay may asawa” ay humahanap siya ng iba. Isang tao na papalit sa role ng mister niya.
Isang tao na magiging kaagapay niya sa problema. Ang taong sasalo o mag-aahon sa kaniya mula sa pagkakalugmok sa bad marriage na nararanasan niya.
BASAHIN:
20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon
8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating
Kailan nagiging cheating ang chatting? Narito ang sagot ng mga eksperto
Paano maiiwasan ang cheating sa relasyon?
Technology photo created by wavebreakmedia_micro – www.freepik.com
Ayon naman sa philosophy professor at book author na si Mark D. White, may mga paraan na maaaring gawin ang mga mag-asawa para maiwasan ang cheating o pangangaliwa sa isang relasyon.
Ang una at pinakamahalaga ay ang pagiging open sa iyong asawa. Maging honest sa iyong mga nararamdaman. Sabihin sa kaniya ang sa tingin mo ay nagiging problema ng inyong pagsasama. Ito ay para magawan ninyo ito ng solusyon at maagapang hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Sa iyong sarili ay dapat gawin ang lahat ng iyong magagawa upang labanan ang temtasyon. Isipin ang maaaring maging epekto o consequences nito hindi lang sa relasyon ninyong mag-asawa kung hindi pati na rin sa magiging epekto nito sa inyong mga anak at pamilya.
Makakatulong diin ang paghingi ng payo o pakikipag-usap sa isang taong malapit sayo at iyong mapagkakatiwalaan. Isang tao na makakatulong o subok ng walang ibang hangad kung hindi ang maayos at masayang pagsasama para sa inyong mag-asawa.
Source:
WebMD, Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!