Baby for sale: Bakit nga ba may mga magulang na kayang ibenta o ipagpalit sa pera ang kanilang mga walang muwang na anak?
1-week old baby ibinenta ng ina para makabili ng bagong boots
Isang ina sa Russia ang sinubukang ibenta ang kaniyang one-week old na baby girl. Ang ina gusto umanong bumili ng bagong pares ng boots sa perang makukuha sa pagbebenta ng kaniyang anak. Siya ay kinilalang si Luiza Gadzhieva, 25-anyos na mula sa Dagestan, Russia.
Sa isang entrapment operation ay huling-huli sa akto si Gadzhieva na ibinebenta ang kaniyang anak. Ang alibi ni Gadzhieva ay naghahanap siya ng adoptive parents ng kaniyang bagong silang na sanggol. Pero sa ginawang entrapment operation ay huli ito sa akto na tumanggap ng pera mula sa customer na bibili ng kaniyang baby. Dagdag pang ebidensya ay ibinigay nitong resibo kapalit ng pagbebenta ng anak niya. Ang baby ni Gadzhieva ibinenta niya sa halagang £3,000 o higit P172,000.00.
Para makabili ng bagong boots
Base sa initial na imbestigasyong ginawa ng mga pulis, una ng idinahilan ni Gadzhieva sa mga potential buyer niya na kaya niya naisipang ibenta ang kaniyang newborn baby ay upang makakalap ng perang pambili ng bagong bahay. Pero ayon sa kapatid ni Gadzhieva ay iba ang nakaplano nitong bilhin sa makukuhang pera sa pagbebenta ng anak niya. Ito’y ang pares ng bagong boots na inaasam-asam daw mabili ni Gadzhieva.
Ayon pa sa mga pulis, bago pa nila mahawakan ang kaso ni Gadzhieva ay kinausap na ito ng anti-slavery group na Alternativa. Hinikayat na itong huwag ibenta ang kaniyang sanggol. Dahil sa mapanganib na kundisyon o kinabukasang walang kasiguraduhang nakaabang sa kaniya. Pero hindi umano nakinig si Gadzhieva at itinuloy parin ang plano nitong ibenta ang anak niya.
Sa ngayon si Gadzhieva ay nakakulong at umaming guilty sa ginawa niya. Maliban sa newborn baby girl na ibebenta niya sana, si Gadzhieva ay mayroon pang dalawang anak.
Baby for sale scheme sa Pilipinas
Dito sa Pilipinas ay talamak din ang baby for sale scheme dahil sa kahirapan. Ayon nga kay NBI International Operations Division Chief Ronaldo Aguto, karamihan ng nagsasagawa ng krimen na ito ay mula sa mga slum areas ng Maynila.
“Most of the time, we find these people in slum areas. They don’t want the pregnancy in the first place. So, the moment the child is born, they try to dispose of it. They try to sell it for money.”
Dagdag na pahayag pa ni Aguto, madalas ang mga mismong magulang ng sanggol ang nagbebenta sa baby nila. Habang may mga kaso namang mayroong broker ang pumapagitna sa ginawang bentahan. Ang pagbebenta ay itinuturing o tinatawag nilang adopsyon. Pero ayon kay Aguto, ito ay isang kaso ng child trafficking na illegal at ipinagbabawal sa Pilipinas.
“We have the adoption law. So, the moment you divert from that law, the moment you do it the ‘shortcut’ way – you receive money from it, you profit from it – it becomes child trafficking.” Ito ang pahayag pa ni Aguto.
Talamak ang bentahan ng baby sa bansa
Dito sa Pilipinas, base sa datos ng NBI, ang presyuhan ng pagbebenta ng sanggol ay nagkakahalaga mula P5,000 hanggang P25,000. Minsan ay umaabot pa ng higit sa P50,000 ang bentahan ng kada sanggol kung ito ay maganda at may lahing banyaga. Ito ay ayon naman sa pahayag ng dating midwife at broker sa pagbebenta ng sanggol na pinangalanang Joyce.
“We agreed on 50,000 pesos (US$1,000) but the price went up because the baby was half-foreign. The mother didn’t expect it’d turn out that way. So, they added 10,000 pesos (US$200) as they found the child beautiful. That 10,000 pesos came to me, and the mother gave me an extra 5,000 pesos (US$100).”
Ito ang pahayag ni Joyce sa panayam niyang nai-feature sa Baby for sale PH investigative documentary na ginawa ng Channel News Asia.
Hakbang na ginagawa ng pamahalaan
Ayon sa DSWD o Department of Social and Welfare Development, bagamat mahirap ay ginagawa nila ang lahat upang mapigilan na ang kalakarang ito.
Para naman kay Yvette T. Coronel, deputy executive director ng Inter-Agency Council Against Trafficking ng Department of Justice, kung talagang gustong masiguro ng mga magulang ang kinabukasan ng kanilang mga anak ay gawin ang pag-aampon sa legal na paraan. Dahil kung kayang sumunod ng mag-aampon sa legal na paraan ito ay nangangahulugan na malinis ang intensyon nila sa sanggol. Ngunit kung hindi, ito ay maaaring gusto nilang mapabilis at mapagkakitaan na agad ang baby na kanilang binili.
“That kind of step-by-step process sort of establishes the good intention of the adopter – that you really want this child as your own child and you have to prove it along the way.”
Ito ang pahayag ni Coronel.
Batas na pumoprotekta sa pagbebenta ng bata
Dito sa Pilipinas ang batas na pumoprotekta sa pagbebenta ng bata ay ang Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Sa ilalim ng batas na ito ang sinumang mapatunayang nagbebenta ng bata, ito man ay kaniyang magulang, kapatid, guardian o malapit na kamag-anak ay maaring maharap sa habang-buhay na pagkabilanggo. Siya rin ay magbabayad ng multa ng hanggang sa P5,000,000.00 at hindi bababa sa P2,000,000.00.
Source:
BASAHIN:
Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon