STUDY: Mga baby natatandaan ang isang mukha kahit naka-face mask ito nang unang makita

Batay sa mga psychologist, natututo ng face recognition ang mga baby dahil sa kanilang memory development. Pero maaari itong maapektuhan ng Covid dahil sa pagsusuot ng face mask ng mga nakapaligid sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba ang tuwa nating mga parents, lalo na sa mga first timer, na makita ang bagong panganak na baby. Ingat na ingat din tayo na madampian ng mikrobyo ang ating baby.

Habang pinagmamasdan si baby, napapansin natin na unti-unti siyang dumidilat. Kasabay nito ay tila tinititigan na nila tayo habang tayo’y nakatingin din sa kanila. Bagay na maaaring senyales na kinikilala tayo na tayo ni baby.

Imahe mula sa | pexels.com

Pero dahil sa paglaganap ng COVID-19, kinakailangan na ang pagsusuot ng face mask. Makikilala pa kaya tayo ng ating mga baby batay sa kanilang memory? Ano kaya ang magiging epekto ng pandemya sa cognitive development ng ating mga anak?

Baby memory

Imahe mula sa | pexels.com

Kapwa sa pag-aaral ng mga psychologist na sina Michaela DeBolt at Lisa Oakes, nakita nila sa ginawang eye tracking ang epekto ng pagsusuot ng face mask sa pagkilala at facial recognition ng mga baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula sa edad 6 hanggang 9 months old, generally na nagaganap ang cognitive development sa mga baby. Dahil dito, ang pagsusuot ng alinmang takip sa mukha ay nagdudulot sa mga baby na makabuo ng memorya ng ganoong hitsura.

Dagdag pa, kapag tinanggal ang anomang maskara o takip sa mukha, nabubuo nila sa kanilang isip ang nakikitang mukha na walang mask.

Sa tala nina DeBolt at Oakes, nakita nila ang epekto ng ganitong gawi sa mga baby. Pero, kapag binaliktad ang proseso, hindi nila nakikitaan ng strong facial recognition ang mga bata. Lalo na kapag naunang na-memorya ng mga baby ang mukhang walang mask.

Epekto ng pandemya sa memorya ng anak

Imahe mula sa | pexels.com

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bunga ng pandemya buhat ng COVID-19 ay ang implemented quarantine at mahigpit na pagsusuot ng face mask at face shield.

Lalo na sa mga kabahayan na may bata, mas matindi ang pag-iingat kaya kahit sa loob ng bahay ay may nagsusuot ng face mask.

Ang maaaring epekto nito ayon din sa nirebyu na pag-aaral ng Science Daily ay ang pagkilala ng mga baby sa kanilang mga parents. Dahil sa pagsusuot ng face mask, maaaring makaapekto ito sa cognitive at infant development ng ating mga baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Nathanielle Torre