Nanay ng tinangay na baby ng kaniyang yaya: "Ayoko ng mag-yaya"

Nanay ng tinangay na baby ng kaniyang yaya: "Ayoko ng mag-yaya"

Mga magulang ng sanggol na si Baby Taylor masaya dahil na sa kanilang piling na muli ang anak.

Baby nakidnap ng yaya umano maayos na naibalik sa mga magulang niya kahapon.

baby nakidnap ng yaya

Image Princess Jean Perrin Facebook account

Baby nakidnap ng yaya umano, naibalik na

Naiiyak sa tuwa ang mga magulang ng 5-buwang baby nakidnap ng yaya umano na si Baby Taylor dahil sa wakas ay naibalik na siya sa mga bisig nila. Ito ay nangyari sa programang Wanted Sa Radyo ni Raffy Tulfo kahapon na kung saan ang mismong yaya niya ang nagsauli sa sanggol.

Giit ng yaya, hindi niya intensyon na kidnapin ang bata. Isinama niya lang daw ito para kumuha ng padalang pera sa isang malapit na mall sa kanilang lugar sa Taguig. Natagalan lang sila dahil naaliw na siya sa pamamasyal sa labas. Hanggang sa makita niyang wanted na siya sa Facebook dahil nga sa paratang na kinidnap niya ang sanggol. Natakot umano ang yaya kaya naisipan nitong umuwi nalang sa kanilang bahay sa Rizal.

“E natutulog po sila Maam noon e kukuha po sana ko ng padala kaya po isinama ko po siya. After one hour po, nagpost po silang kinidnap ko daw po. Nagpanic po ako, natakot. Hindi ko po talaga tinakas, natakot po ako.”

“Noong gabi, uuwi po sana kami ng Taguig kaso marami na pong nagchachat sakin, nagbabanta.”

Ito ang paliwanag ng yaya na kinilalang si Kristine Joy Salik, 34-anyos na mula sa Rizal.

baby nakidnap ng yaya

Reaksyon ng mga magulang ng sanggol

Sagot naman ng ina ng sanggol na si Princess Jean Perrin, hindi maibabalik ng paghingi ng tawad niya ang mga luhang iniyak niya sa pag-aalala at pagkawala ng anak niya.

“Masakit po sa akin yung nangyari, kasi talagang kung mabibilang yung luha ko mula kahapon naghihysterical ako sa bahay. Nanay din naman siya dapat automatically na mararamdaman niya yung nararamdaman ko.”

Ito ang pahayag ng ina ng sanggol na si Princess sa programa ni Tulfo ng makaharap ang yaya.

Ngunit magkaganoon man masaya siya dahil naibalik na sa kanila si Baby Taylor.

“Sobrang saya po, yung saya na napapaluha ako. Kasi hindi ko akalain. Alam ko naman na safe siya pero hindi ko akalain na mabilis yung aksyon na within today nandito na yung anak ko.”

Ito ang pahayag ni Princess sa isang panayam. Dagdag pa niya ay napatingnan na nila sa doktor si Baby Taylor matapos ang nangyari. Wala naman daw itong sugat, pilay o kahit anong palatandaan na ito ay naabuso.

Kasong kidnapping

Dahil sa nangyari ay buo ang desisyon ni Princess at ng kinakasama niyang si Jeric Victoriano na sampahan ng kaso ang yayang tumangay sa anak nila.

“Masama man sa part niya na may anak siya na may family siya. Pero masama din sa loob namin kung papatawarin namin siya, kasalanan yun sa anak namin kung papabayaan namin. And baka in the future gawin niya ulit. Kami din may kasalanan noon.”

Ito ang pahayag ni Jeric Victoriano, ama ni Baby Taylor sa isang panayam.

At dahil sa karanasan ay may natutunan ang mga magulang ni Baby Taylor pagdating sa pag-aalaga sa kaniya.

“Hands on na po yung family ko. Pagtutulungan nalang namin na alagaan yung baby ko. Ayoko ng magyaya.”

Ito ang pahayag ni Princess na masayang-masaya sa pagkakabalik ng anak sa kanila.

Sa ngayon ay nakakulong ang yayang si Kristine Joy Salik sa Taguig City Police Station. Damay din sa krimen ang live-in partner nito na kinilalang si Exel Villaflor na may kinalaman din daw sa pagtangay sa sanggol.

baby nakidnap ng yaya

Panoorin dito ang video ng naibalik na baby nakidnap ng yaya niya umano:

Source: GMA News, Wanted Sa Radyo

Basahin: PNP asks parents to remain vigilant of kidnapping schemes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner