Baby namatay sa COVID, pero ayon sa mga eksperto rare case ito at iimbestigahan pa rin upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.
Baby namatay sa COVID
Isang sanggol mula sa Chicago, Illinois, USA ang naiulat na nasawi dahil sa COVID-19 o coronavirus disease nitong Sabado, March 28, 2020. Ang balita ay inanunsyo ni Illinois Governor JB Pritzker.
“I know how difficult this news can be, especially about this very young child. Upon hearing it, I admit, I was immediately shaken, and it’s appropriate for any of us to grieve today.”
“It’s especially sorrowful for the family of this very small child for the years stolen from this infant. We should grieve. We should grieve with our family of state employees. With the many people who we’ve already lost to this virus, young and old. We should grieve for the loss of a sense of normalcy that we left behind just a few weeks ago. It’s okay, today, to grieve.”
Ito ang pahayag ni Gov. Pritzker tungkol sa pagkamatay ng kauna-unahang sanggol sa US ng dahil sa sakit.
Rare case pa rin o bibihirang kaso
Bagama’t hindi tinukoy ang eksaktong edad ng baby namatay sa COVID, sinabing ito ay wala pang isang taong gulang at ang kaso ng kaniyang pagkamatay ay itinuturing pa ring bibihira sa ngayon. Kaya naman ayon kay Illinois Department of Health director Dr. Ngozi Ezike ay magsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol.
“There has never before been a death associated with COVID-19 in an infant. A full investigation is underway to determine the cause of death”, pahayag ni Dr. Ezike.
Dagdag pang pahayag ni Dr. Ezike, bagama’t nakakalungkot ang naging pagkasawi ng sanggol, sana ay magsilbing wake-up call daw ito sa iba na seryosohin ang banta ng sakit. At gawin ang lahat at dapat upang maiwasan pa ang pagkalat nito.
“If you haven’t been paying attention, maybe this is your wake-up call. We must do everything we can to prevent the spread of this deadly virus. If not to protect ourselves, but to protect those around us”, dagdag na pahayag ni Dr. Ezike.
COVID-19 sa mga baby
Sa kasalukuyan, base sa bilang ng kaso ng sakit sa buong mundo, ang mga baby at mga bata ang hindi pinaka-apektado ng sakit na COVID-19. Dahil karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga matatandang 60-anyos pataas at ang iba pang may iniinda ng karamdaman o mahina na ang immune system.
Ayon nga sa isang pahayag ng CDC sa kanilang website ay sinabi nilang bagamat may mga naitalang kaso ng mga sanggol at batang nag-positibo sa coronavirus ay hindi naman daw nakaranas ang mga ito ng mga malalang sintomas kumpara sa mga matatandang tinamaan ng sakit.
Sinuportahan nga ito ng resulta ng isang pag-aaral na ginawa ng mga doktor sa China. Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Journal of the American Medical Association o JAMA, wala sa siyam na sanggol na tinamaan ng sakit na sumailalim sa kanilang pag-aaral ang kailangang ilagay sa ICU, lagyan ng respirator at nakaranas ng severe complications. Ilan nga lang sa sintomas na naranasan nila ay lagnat, ubo at pagsusuka. At ang sakit ay nakuha nila mula sa isang kaanak na na-infect ng virus.
Dahil rito, sinabi ni Dr. David Kimberlin, miyembro ng American Academy of Pediatrics’ Committee on Infectious Diseases, ang resulta ng pag-aaral ay patunay na kahit mga sanggol ay maaring ma-infect ng sakit. Kaya naman dapat mas lalong maging maingat ang mga adults sa pagkokontrol at pag-iwas na hindi na maikalat pa ang virus sa paligid.
Paano sila mapoprotektahan sa COVID-19
Ayon nga kay Dr. Aaron Milstone, pediatrician sa Johns Hopkins Children’s Medical Center, dahil sa ang sakit ay naihahawa sa pamamagitan ng air droplets, ang unang paraan upang ma-proteksyonan sila mula rito ay ang iiwas muna sila sa matataong lugar at sa mga taong may sakit.
Para naman kay Dr. Gellina Ann Suderio-Maala, isang pediatrician, upang maiwasan ang coronavirus sa mga sanggol, dapat lahat ng tao sa paligid niya ay nag-papractice ng proper hygiene at nagpapalakas ng immune system.
“Anyone can have the infection. However, the very young, the very old and the immunocompromised are more prone to acquire it. Symptoms would include, fever, cough, colds, shortness of breath or difficulty of breathing.
I highly advise everyone to practice proper hand hygiene and cough etiquette, avoid close contact with people who has respiratory symptoms and boost the immune system.”
Ito ang pahayag ni Dr. Gel.
Source:
Channel News Asia
The Hill
John Hopkins Medicine
BASAHIN: Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!