Baby ni Phytos Ramirez at Cherry Lou ipinasilip na nila ang mukha sa publiko.
Mababasa sa artikulong ito:
- Phytos Ramirez girlfriend Cherry Lou and their love story
- Baby ni Phytos Ramirez at Cherry Lou
Baby ni Phytos Ramirez at Cherry Lou
Kahapon ay ipinakita na ng aktres at dancer na si Cherry Lou ang mukha ng kaniyang bagong silang na sanggol. Ito ay kaniyang anak sa boyfriend at aktor na si Phytos Ramirez.
Sa kaniyang Instagram post ay sinabi ni Cherry Lou na isang buwan na sa ngayon ang kanilang Baby Caly.
“All of God’s Grace In One Tiny Face ❤️
#babycaly #calykyriakou #1monthold #pwerausogpo👍🏼✌🏼️☺️ #buyag”
Ito ang caption ng IG post ni Cherry Lou na kung saan makikita ang pretty na mukha ng kaniyang bagong baby.
Samantala, ilang araw bago pa man ipasilip ni Cherry Lou ang mukha ng kaniyang baby ay nag-post rin si Phytos sa kaniyang Instagram ng mensahe para sa kaniyang anak. Sa kaniyang post ay tampok ang isang black and white na larawan ng maliit na kamay ng sanggol habang hawak niya ito.
Sa naturang post ay ibinahagi ni Phytos na ipinanganak ng premature ang kaniyang baby na noong una ay labis niyang ikinabahala. Pero ng mahawakan at makarga niya ito, pagbabahagi ni Phytos lahat ng takot at pangamba niya ay nawala.
“When you were born at 33 weeks I was terrified. But after I held you for the first time our bodies synced, you erased all my fears and the chaos around us disappeared.”
Phytos ibinahaging hindi madali ang pinagdaanan ng kaniyang baby at mommy nitong si Cherry Lou
Image from Cherry Lou’s Instagram account
Dagdag pa ni Phytos, hindi madali ang pinagdaanan ng kaniyang girlfriend na si Cherry Lou at ng kanilang baby. Pero lahat ng ito ay pinasasalamatan niya dahil ang kapalit naman nito ay ang “most precious little bundle of joy” para sa kaniya.
“You and ur mom’s story isn’t an easy one, but it’s yours and it’s made you who you are today ..so to us, u(you) are perfect.”
“Welcome to the world …. You are our most precious little bundle of joy. And when I look into your eyes, I see myself looking into my own soul.”
Sa huli ay pinasalamatan ni Phytos ang Panginoon sa pagbibigay sa kaniya ng napaka-cute na sanggol. Ipinagdasal rin niya na sana ay gabayan niya ito na maging mabuting bata at maging malapit sa Diyos habang lumalaki. Ibinahagi rin niya ang buong pangalan ng kaniyang baby na may palayaw na Caly.
“Lord of Unfailing Love, thank You for giving us a beautiful gift …
I pray that all good and pure things are instilled in her heart, so as she grows and continues to stay close to You .
I love you my beautiful baby CALYSTA LUNA KOULLA MAGLASANG KYRIAKOU.”
View this post on Instagram
BASAHIN:
Alex Gonzaga on miscarriage: “I pray that the Lord will comfort Mikee because I know that he really wanted this.”
Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: “Ang alam ko lang parehas kaming hindi masaya.”
Dad shares genius trick on how to burp your Baby on TikTok
Phytos Ramirez girlfriend Cherry Lou and their love story
Image from Cherry Lou’s Instagram account
Si Phytos Ramirez o Neofytos Tuddao Kyriacou sa totoong buhay ay isang Greek-Filipino aktor na nakilala sa GMA. Siya ay napabilang sa teleseryeng “Encantadia” bilang si PaoPao. Bagama’t bago pa man makilala sa GMA ay napasama na rin siya sa teleseryeng “Mula sa Puso” ng ABS-CBN.
Sa kasalukuyan si Phytos ay 26-anyos at may relasyon sa aktres na si Cherry Lou, 38-anyos. Si Cherry Lou ay napabilang sa ilan sa programa sa ABS-CBN at miyembro ng Star Margic. Siya’y ikinasal at may tatlong anak kay Michael Agassi na kapatid ng aktor na si Carlos Agassi.
Taong 2020 ng maghiwalay ang dalawa, dahil ayon kay Michael ay may kalandiang umano iba ang kaniyang asawa. Maliban dito, may isyu rin sila sa usaping pera. Ito ay ibinahagi ng aktor sa kaniyang Instagram account.
Setyembre ng parehong taon ay may mga IG post na rin si Cherry Lou na nagpapahiwatig na may bagong lalaki ang nagpapatibok ng puso niya. Bagama’t, ang mukha at detalye tungkol dito ay itinatago niya.
Hanggang sa noong December 2020 ay nagpost ang aktres ng larawan ng mayroon siyang hawak na mga bulaklak. Sa post niyang ito ay naka-tag si Phytos at may mensaheng naka-dedicate sa nagbigay sa kaniya ng mga bulaklak.
Phytos to Cherry Lou: “I’m willing to fight for anything to keep the relationship going.”
Image from Pythos Ramirez Instagram account
Pagpasok ng 2021 ay nagbahagi si Cherry Lou ng larawan na kasama si Phytos at kaniyang tatlong anak. Sa larawan makikita na magkapares ang suot na pajama nila ni Phytos. Sa caption ng kaniyang post ay nasabi niyang masaya siya dahil kasama niya sa mga oras na iyon ang kaniyang buong pamilya.
“My heart is so full right now. Having my family with me on my special day means so much to me,” sabi ni Cherry Lou.
View this post on Instagram
Ang post niyang ito ay sinundan ng larawan nila ni Phytos na magkasama na masaya umano siyang kasama na salubungin ang bagong taon.
At nito ngang Februay 2021, ay nagdeklara ng kaniyang pagmamahal si Phytos kay Cherry Lou. Ito ay ginawa ng aktor sa pamamagitan ng Instagram na kung saan nakatag si Cherry Lou.
“I date to marry. Not to date for one or three years and breakup. That’s why I’m willing to fight for anything to keep the relationship going.”
Image from GMA
Matapos nito ay nanatiling tahimik ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon lalo na sa social media. Kahit sa pagbubuntis ni Cherry Lou at naging panganganak ay pinili nilang isapribado.
Source:
GMA
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!