Look! Patrick at Nikka Garcia ipinakilala ang pang-apat na anak, si Baby Pablo

Hindi umano naging madali para kay Nikka Garcia ang pagbubuntis niya kay Baby Pablo. Alamin ang kaniyang pregnancy story at dito.

Masayang ibinalita ng ni Nikka Martinez sa kaniyang blog ang pagdating ng kaniyang pang-apat na anak na si Baby Pablo Garcia.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagbubuntis ni Nikka Garcia sa kanilang pang-apat na anak
  • Pagdating ni baby Pablo Garcia
  • Relasyon nina Patrick Garcia at ni Nikka Martinez

Pagbubuntis ni Nikka Garcia sa kanilang pang-apat na anak

Larawan mula sa Instagram account ni Nikka Garcia

Ibinahagi ng dalawa ang pagbubuntis ni Nikka sa pang-apat nilang anak  sa kanilang Youtube channel noong January 8.

"Yes, we are pregnant with baby number four."

Ayon kay Nikka, ang kanyiang pang-apat na pagbubuntis ang nagbigay sa kaniya ng pinakamalaking pagsubok. Sa kadahilan, ng kadalasang pagkahilo at pagkaayaw sa ilang mga pagkain.

Pagkukuwento niya,

"I'm a little bit challenged but I know as I go further into my pregnancy, it will get better."

Ang kanyang pang-apat na pagbubuntis ay delikado kaya naman pinayuhan siya ng kanyang doktor na manatili lamang sa bahay. Dahil na rin ito sa nararansan nating pandemic. Para umano siguradong ligtas siya at ang kaniyang baby.

Dati noong hindi pa alam ng mag-asawa na nagdadalang tao si Nikka, lumipad sila sa Bohol para mag-relax at magbakasyon

Sabi pa niya,

"Buti na lang hindi pa ganoon ka-grabe 'yong feeling ko in Boracay."

"Medyo, na-enjoy ko pa naman siya but the minute we got back home, nag-start na talaga 'yong nausea, 'yong whole day sickness, vomiting, and anything else."

Dagdag pa ni Nikka, struggle sa kaniya ang paliligo pero naliligo pa rin siya. Umabot pa umano siya sa isang point na nagte-text siya sa kaniyang OB dahil sobra na siyang nahihirap dahil sa nararansan na nausea.

Pagkukuwento niya,

"Feeling ko talaga made-deds na ako." Dagdag pa niya, "With this pregnancy I develop rashes on my skin."

Hindi niya pa umano nararanasan kahit sa pagbubuntis niya noon sa kaniyang tatlong anak. Pero ayon naman umano sa kaniyang OB ay bahagi ito ng kaniyang pagbubuntis.

Isa pa umano sa mga naranasan ni Nikka ay mayroon siyang "Bad taste in mouth. Hindi umano siya makainom ng tubig kasi tila naglalasa itong metal sa kaniya. Magana naman umano siyang kumain subalit ilang sandali lang umano pagkatapos niyang kumain doon din niya nararanasan ang tila metal taste, na magdudulot umano ng pagsusuka niya.

Pagdating ni baby Pablo Garcia

Larawan mula sa Instagram ni Nikka Garcia

BASAHIN:

Nikka Garcia responds to basher who called her daughters "ugly"

8 na kundisyon sa pagbubuntis na nalalaman sa tulong ng 4D ultrasound

Study: Giving birth to a baby boy can be more painful than delivering a baby girl

Isinilang na nga ni Nikka ang kaniyang anak na si Baby Pablo Garcia, Huwebes, July 15, 2021. Ayon sa kanila sobra umano silang grateful dahil nanganak siya ng ligtas at malusog ang kanilang baby Pablo Garcia.
Sabi pa niya sa kanyang instagram post,"I couldnt contain my tears the minute I heard you cry."  Isiniwalat din niya, ang patuloy niyang pag-iyak nang makitang malusog ang kaniyang anak, matapos niya itong dalhin sa kaniyang sinapupunan ng 9 na buwan. Pagbabahagi niya,

"I am overwhelmed with so much joy! I have never felt this much inlove and I couldnt ask for anything more . You and your ate’s are our answered prayer! We Love you more than you will ever know." 

Mayroon na silang tatlong anak bago pa dumating si Baby Pablo, ito nga ay ang tatlo nilang Maria. Sina Michelle, 7 years old; Nicole, 4 years old ; at Pia, 2 years old. Kaya naman masayang-masaya sila dahil sa wakas ay nagkaroon na rin sila ng baby boy.

Larawan mula sa Instagram account ni Nikka Garcia

Relasyon nina Patrick Garcia at ni Nikka Martinez

Larawan mula sa Instagram account ni Nikka Garcia

Nagsimula umano ang relasyon ng dalawa ng imbitahin ni Nikka si Patrick sa Dumaguete noon. Hindi pa umano sila magkarelasyon ng mga panahon na iyon pero may attraction na sa pagitan nilang dalawa.

Tumagal umano ng 3 hanggang 4 na buwan ang pagliligawan nila. Noong 2014 nga ay na-engaged ang dalawa at noong March  2015 ikinasal si Patrick Garcia at Nikka Martinez sa Blue Leaf Pavillon sa Macapagal Aveneu, Pasay City. Dinaluhan ito ng malalapit na kaibigan, pamilya at photographer na kumuha ng mga litrato sa kasal.

Makikita rin dito ang anak ni Patrick na mula sa kaniyang ex-girlfriend na si Jennelyn Mercado na si Jazz. Ngunit kahit sila'y hiwalay na, walang sama ng loob ang  dating magkasintahan sa isa't isa.

Sinulat ni

reginedy