Madalas bang mag-sneeze si baby? Hindi ito dapat kaagad ikabahala, ayon sa mga experts

Normal lang ang madalas na pagbahing ng mga sanggol, kaya hindi dapat mag-worry agad ang mga parents. Heto ang paliwanag ng mga experts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Doble ingat talaga ang parents sa kanilang mga anak, lalo kung kakapanganak pa lang at nasa yugto pa na newborn babies ang inaalagaan.

Kung minsan, ang simpleng sneeze lang ng mga baby ay dahilan na para mataranta ang mga magulang at nababahala na baka may sakit ang kanilang mga anak.

Ayon sa experts hindi raw dapat sobrang mag-alala sa pagbabahing ng baby. Narito ang ilang dahilan kung bakit.

Why baby sneeze? Ito ang sabi ng experts tungkol dito

Sensitive ang mga bagong silang na sanggol, kaya nga ibayong pag-iingat ang ginagawa ng mga magulang para sa kanila. Sa lahat ng bahagi ng kanilang katawan kinakailangan palagiang mino-monitor. Maaari kasi silang tamaan kaagad ng anumang sakit kung napapabayaan ang kanilang health.

Siguro ay isa ka sa mga parents na nababahala rin kaagad sa tuwing makita lang ng may rashes ang baby, namumula o kaya naman kahit simpleng pagbahing lamang. Iyong iniisip na siya ay tatamaan kaagad ng sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga eksperto hindi raw dapat maging dahilan ang pagbabahing ng pagkabahala.

“Fortunately, frequent sneezing is absolutely normal and usually nothing to be concerned about.”

Ang pagbahing daw ng baby ayon sa mga eksperto ay paraan nila upang malinis ang kanilang ilong dahil sila ay mga primarily nose breathers. Ito ang karaniwang breathing pattern ng mga newborn babies.

Mula sa pagsilang sa kanila, humihinga sila gamit lamang ang ilong at unti-unting humihinga na sa bibig sa bawat araw na sila ay tumatanda.

“It’s a natural reflex that babies are born with like the rooting reflex and startle reflex; and as they begin to breathe more through their mouth, they won’t necessarily sneeze as often.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Baby smile photo created by jcomp – www.freepik.com

Ginagawa raw nila ang pagbabahing upang maalis ang ilang germs at particles mula sa kanilang nasal passages. Ito ang way ng mga sanggol para mapanatili nila ang flow ng air sa kanilang mga ilong.

Wala kasi silang kakayanan pa na mag-snort at suminga kaya ang tanging paraan upang malinis ang kanilang nasal passages ay sa pagbabahing lamang.

Maliliit ang ilong ng mga sanggol kaya maliliit din ang nasal passages nila. Madaling bumara ang ilang maliliit na bagay sa kanilang ilong kaya kinakailangan nilang mag-sneeze para mawala ito. May mga pagkakataon pa ngang napupunta ang gatas at laway nila sa nasal passages sa tuwing sila ay dumedede.

Hindi kasi nila nalulunok ang halos lahat ng ito kaya napupunta ang iba sa kanilang ilong. Isa pa ay ang pagkakaroon nila ng dry air, nagiging cause ito upang bumahing sila nang madalas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi naman dapat na mag-worry sa kanilang pagbabahing palagi, ayon sa mga eksperto. Sa kabilang banda, kung ang kanilang pagbahing ay may kasamang ibang sintomas, dapat nang ikabahala ito dahil baka mayroong na itong iba pang kondisyon.

Halimbawa na lang kung ang sanggol ay edad 3 buwan pababa na may baradong ilong at rectal temperature na higit 100.4 may mainam na kumontak na sa inyong doktor.

Ganito rin sa mga sanggol na infant pataas, kung sakaling sila na ay nilalagnat, hindi kumakain nang normal at kung umuubo ay mas mabuti nang humingi ng payo sa mag eksperto.

Sa kahit anong edad ng iyong anak, kung nakakaranas na ng hirap sa paghinga ay kailangang i-consider ito bilang emergency at pumunta na sa inyong doktor.

Madalas na pagbahing ng sanggol maaaring sintomas ng sakit

Normal man sa mga baby ang pagbahing, mahalagang obserbahan pa rin ang iyong anak at patingnan sa doktor kung sa palagay mo ay labis na ang dalas ng kaniyang pagbahing. Ayon sa Healthline, ang labis na pagbahing ng baby o frequent sneezing ay maaaring senyales ng respiratory infection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Obserbahan ang iyong anak at tingnan kung may iba pang sintomas tulad ng ubo, hirap sa paghinga, ayaw kumain, labis na pagod, at lagnat.

Mahalagang ipaalam agad sa inyong doktor kung maranasan ng iyong anak ang mga nasabing sintomas kasabay ng madalas na pagbahing nito.

May mga kaso umano ng madalas na pagbahing ng sanggol na senyales na pala ng neonatal abstinence syndrome (NAS). Kung ang baby ay mayroong ganitong karamdaman, bukod sa madalas na pagbahing ay maari din siyang makaranas ng mga sumusunod:

  • nasal stuffiness
  • unsustained suck
  • tremor o panginginig
  • abnormal nipple latch

Maaari ring makaranas ng withdrawal syndrome ang baby na may NAS mula sa mga gamot na ginamit ng ina habang buntis. Nagkakaroon kasi ng ganitong kondisyon ang bata kung inabuso ng ina ang paggamit ng addictive opiate drugs noong siya ay buntis. Karaniwang halimbawa nito ay alcohol, heroin, at methadone.

Minsan, inirerekomenda ng doktor ang paggamit ng scoring system para malaman kung may NAS ba ang baby na nagkaroon ng drug exposure. Isa sa mga senyales na tinitingnan ng mga ito ay ang pagbahing ng baby nang tatlo hanggang apat na beses nang sunod-sunod sa loob ng 30 minuto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinok, pagbahing, at stuffy nose sa mga bagong silang na sanggol

Normal para sa mga bagong silang na sanggol na makaranas ng paminsan-minsang pagbahing, pagkasinok at pagkakaroon ng stuffy nose.

Ang pagbahing ng baby ay paraan nito para malinis ang mga germs at particles sa kaniyang ilong. Natural na depensa ito ng katawan mula sa mga sakit. Ang pagbahing maya’t maya ay hindi dapat ikabahala dahil ito ay natural lang sa mga bagong silang na sanggol.

Hiccups naman o sinok sa baby ay normal din. Ang pagpapasuso sa iyong anak o paggamit ng pacifier ay maaaring makatulong para maiwasan ito.

Kung hindi naman mawala ang pagsinok sa pamamagitan ng nabanggit na solusyon, hindi kailangang mabahala si mommy! Kusa ring mawawala ang pagsinok ni baby.

Samantala, ang pagkakaroon naman ng stuffy nose o baradong ilong ay normal din sa mga baby dahil humihinga sila sa gamit lamang ang kanilang ilong at hindi sa bibig.

Kaya lamang, magiging mahirap ang paghinga ng sanggol dahil sa naipong mucus sa ilong nito. Kung makaranas ng baradong ilong ang iyong anak, maaaring gumamit ng saline nose drops o spray para matanggal ang mucus at lumuwag ang paghinga ng baby. Makabibili nito sa mga botika kahit na walang prescription mula sa doktor.

Pwede rin namang gumamit ng bulb syringe para malinis ang ilong ng bata.

Narito ang gabay sa paggamit ng bulb syringe panlinis ng ilong ng baby:

  1. I-squeeze o pisilin ang bulb
  2. Ilagay lamang ang dulo ng syringe sa ilong ng iyong baby. Huwag ipasok ang syringe sa loob ng ilong.  
  3. I-release ang bulb para masipsip nito ang mucus at mailabas sa ilong ng bata
  4. Huwag ilagay ang syringe sa ilong ng sanggol bago pisilin ang bulb. Pisilin muna bago ilagay ang tip sa ilong ng bata para maiwasang lalong pumasok sa mucus.
  5. Pagkatapos gamitin ay linisin ang bulb syringe gamit ang mainit na tubig at sabon.

Kung may mga katanungan pa tungkol sa paggamit ng bulb syringe para sa stuffy nose ng baby, maaaring kumonsulta sa doktor ng iyong anak.

BASAHIN:

Ano ang heart murmurs sa mga baby? Sanhi, sintomas, at lunas para rito

How long before my baby’s hair becomes thick? 9 hacks for your baby’s hair growth

Baby poop changes when starting solids: Age, color, consistency, and what it means

Mga tips para palaging malinis ang ilong ni baby

Dahil nga nose breathers ang mga sanggol dapat panatilihing malinis parati ang kanilang mga ilong para makahinga sila nang maayos.

Madalas kasing bumabara ang kanilang nasal passages kaya nagkakaroon sila ng stuffy nose. Narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan para palaging malinis ang ilong ni baby:

  • Huwag manigarilyo o iwasan ang mga naninigarilyong malapit sa sanggol
  • Panatilihing malinis ang bahay at walang mga alikabok
  • Iwasang magpabango o sprayan ng pabango ang iyong anak
  • Huwag gumamit ng hair spray malapit sa kanya
  • Gumamit ng saline drops upang matanggal ang mga mucus sa kanyang ilong
  • Umiwas sa pagbili ng mahimulmol na gamit para sa kanila
  • Maaaring gumamit ng bulb syringe o nasal aspirator upang dahan-dahang matanggal ang malalaking mucus
  • Maglagay ng humidifier sa tuwing siya ay tulog upang mamoisten ang hangin sa paligid
  • Huwag gamitin ang mga devices na panlinis sa ilong aggresively
  • Hangga’t hindi naman hirap huminga ang baby huwag papakialaman ang kanilang mga ilong

Common cold o sipon sa baby

Ang sipon ng baby ay maaaring dulot ng viral infection sa ilong at lalamunan ng iyong anak. Karaniwang senyales nito ay nasal congestion at runny nose.

Ang iba pang sintomas ng sipon ng bata ay ang mga sumusunod:

Nasal discharge na maaaring clear o puti pero pwede ring maging dilaw o green

  • lagnat
  • pagbahing
  • pag-ubo
  • kawalan ng ganang kumain
  • iritable
  • hirap sa pagtulog
  • hirap sa pagsuso dahil sa nasal congestion

Kung nababahala ka na baka sipon ang dahilan ng stuffy nose at pagbahing ng iyong anak maaari ding kumunsulta sa iyong doktor.

Kung ang sipon ng bata ay hindi mawala sa loob ng 10 hanggang 14 na araw, importanteng dalhin ito sa doktor. Mahalagang seryosohin ang sintomas na napapansin sa iyong anak dahil hindi pa mature ang immune system ng bata.

Kapag ang sintomas ng sipon ng iyong anak ay hindi bumuti at lalong lumala, agad na kumonsulta sa inyong doktor para malapatan ito ng tamang paggamot.  

 

Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva