Malapit na magpasukan, mommies! Siguradong excited na ang mga bata na bumili nga mga bagong notebooks, libro, ballpens, at iba pa. Pero bago ang lahat, kailangan muna ninyong matantsya kung magkakasya nga ba ang budget natin, diba? Di rin biro ang taas ng tuition fee kung kaya’t napaka-importante na masulit ang budget na nakalaan para sa school supplies.
Alamin ang mga back-to-school tipid tips para sa mga nanay na tunay na wais!
1. Magsama ng mga kaibigan na mommies sa pamimili
Alam na ng karamihan na mura sa divisoria, kaya nga dinadayo talaga ito tuwing pasukan. Halimbawa, notebook ay nasa P8 to P10 pesos lang kumpara sa mall na madalas P20 pataas. Pero mas makakamura ka kung magsasama ka ng mga mommies na mamimili rin dahil puede kayong makakuha ng wholesale na presyo. Mas makakatipid pa kayo! Damihan niyo na ang pagbili ng mga pad paper, pentel pen, coloring pencils at iba pa. Mas makakamura na, hindi niyo na kailangan bumalik-balik pa sa Divisoria. Tipid pamasahe!
Tandaan na mag-ingat sa mga gamit ninyo kapag sumabak kayo sa divisoria.
2. Mag-DIY at i-recycle ang lumang school supplies
Kung may notebook na hindi naman nasulatan lahat ng pahina, baklasin ang spring nito, pagsama-samahin para maging makapal muli. Gumupit ng construction paper na pantakip at tahiin ng yarn ang gilid kung saan naroon ang dating spring. Alamin ang buong proseso sa blog na ito. Masaya ring bonding ito kasama ang mga anak niyo habang bakasyon pa sila!
3. Bumili ng maluwag na uniform at matibay na shoes
Hangga’t maaari puwedeng bumili ka ng medyo maluwag na na uniform para di agad sumikip habang lumalaki ang anak mo. Puwede nila gamitin hanggang 2 to 3 years.
Para sa school shoes, mag-invest sa brand na matibay, magtanong sa mommy friends kung ano ang tried and tested na nila. Makakatipid ka kung piliin mo ang matibay na medyo mapapagastos ka kesa mura nga, masisira naman agad. Tapos, hindi pa kumportable ang anak mo.
Para sa socks naman, piliin ang stretchable para tumagal ng hanggang 3 years. Maganda rin kung iisang kulay na lang lahat para tipid din sa paglalaba.
4. Bumili ng secondhand books at self-adhesive book covers
Puwede kang humiram o bumili sa book sale ng textbooks, siguraduhin lang na malinis ito at wala pang sulat o punit. Puwede mo rin takpan ito ng art paper or gift wrapper para magmukhang bago ang mga ito. Maaari ding bumili na mismo sa school para makatipid sa pamasahe o maka-avail ng student discounts kung meron man.
Imbis na bumili ka ng maraming plastic cover at scotch tape, piliin mo na yung self-adhesive book covers na dumidikit mag-isa. This way, makakatipid ka na, mas mapapabilis pa ang pagbalot niyo ng books at notebooks!
READ: Getting your kids ready to go back to school
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!