6 na bagay na dapat matutunan sa pag-aalaga ng newborn

Handa ka na bang maging nanay sa iyong unang baby?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala raw bagay na makapaghahanda sa isang babae sa pagiging new mommy at sa pag aalaga ng sanggol. Halos lahat tayo ay hindi alam ang gagawin, pero nakaka-survive pa rin lalo na kung aayusin ang pagtingin sa sitwasyon, at aalamin kung ano ang mga bawal sa newborn baby.

Madaming nagpapayo, madaming puwedeng basahin, pero minsan hindi pa rin sapat, o sobrang dami at lawak ng paksa kaya nakakalito na. Minsan mahirap nang malaman alin ba ang totoo, alin ang dapat sundin, alin ang hindi na lang papansinin. Ano nga ba ang dapat malaman, una’t una muna?

Napakaraming dapat malaman ng isang bagong ina tungkol sa mga bawal sa newborn baby at sa pag-aalaga na rin sa kanila. Pero ang bawat ina at bawat karanasan ay iba-iba rin.

Isa lang ang unang dapat isipin: unahin ang mga bagay na makakatulong sa iyo sa pag-aalaga ng iyong baby. Bago pa ang lahat, paghandaan ang masusing pag-aaruga. Mahalaga ang emosyonal na pangangailangan ni mommy at baby, pero mainam din na unahin ang mga pisikal na responsibilidad para sa ikabubuti ni baby—at ni mommy na rin.

Mga bawal sa newborn baby at tamang pag-aalaga sa sanggol

Narito ang ilang mga bagay na dapat malamang gawin ng mga mommies sa pag-aalaga ng sanggol at ang mga bawal sa newborn baby na dapat paghandaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga bawal sa newborn baby | Image from Unsplash

1. Breastfeeding

Parang ang daling gawin, kapag pinapanood mo ang mga nagpapasuso ng anak nila sa TV, pelikula o sa totoo. Pero isa ito sa pinakamahalagang desisyon na gagawin mo. At kung breastfeeding ang pipiliin, dapat muna itong matutunan, at malaman ang lahat ng emosyonal at pisikal na pagbabago (at paghihirap) na gagawin.

Matagal na proseso, at masakit lalo sa una, kaya’t kailangan ng maraming trial at error, at praktis bago ninyo makuha ang rhythm na tinatawag. Mas mabuting kumunsulta sa lactation specialist at OB GYN tungkol dito.

Sinasabing mas magiging maayos at madali ang pagpapasuso kung gagawing ito sa unang oras ng pagkapanganak. Simulan agad ang pagpapasuso, pagkapanganak pa lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naka-room in na ang mga sanggol ngayon kaya’t may pagkakataon ang nanay na magawa ito. Kahit sa una ay hindi pa kayang mag-latch ng bata, pisilin ang nipple para lumabas ang madilaw na colostrum—ang pinakaunang patak ng totoong gatas ng ina na hitik sa immune-boosting nutrients—at ipainom ito kay baby.

Itanong o sabihin sa iyong OB GYN na ito ang gusto mong mangyari pagkapanganak.

Sa unang 6 na linggo pagkatapos manganak, pasusuhin si baby sa tuwing gusto niya, o by demand. Huwag munang ipilit ang isang feeding schedule hangga’t wala pang routine o nakasanayan na oras ang bata. Tandaan din na habang lumalakas ang pagsuso ni baby, lalong dumadami ang gatas na lumalabas sa ina.

Pag-aralan ang pag-latch para maging epektibo ang breastfeeding at makainom ng sapat na gatas si baby. Makakatulong din ito na hindi mamaga ang nipples ni mommy. Pag-aralan din ang iba’t ibang posisyon habang nagpapasuso para masubukan ang mga ito at malaman kung alin ang bagay sa inyong mag-ina.

Karaniwang kinikiliti ang bibig ng isang sanggol para bumuka ito at maibigay ang nipple ng ina. Siguraduhing nakasubo ang buong areola habang nagpapasuso.

Maghanda ng upuan at lugar kung saan magpapasuso, pati na ang mga unan at kumot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat ding pag-aralan ang tamang pag-iimbak ng gatas ng ina, pati ang tamang pag-iinit ng gatas na inimbak. Alamin ang mga bawal sa newborn baby katulad ng paglalagay sa freezer ng gatas dahil ang pagyeyelo daw nito ay nakakabawas ng nutritional value ng gatas.

Kapag room-temperature ang gatas, formula o gatas ng ina, gamitin ito sa loob lamang ng 2 oras. Pagkatapos nun ay dapat nang itapon. Kapag refrigerated formula, gamiting sa loob ng 48 hours.

2. Pakinggan at alamin ang mga uri ng iyak ni baby

Ang tanging form of expression ng mga sanggol ay ang paggalaw at pag-iyak. Kung pagmamasdang mabuti, malalaman ang mga ibig sabihin ng bawat iyak at paggalaw ni baby sa loob lamang ng isang linggo.

May ibang paggalaw, behavior at tono ng iyak na tiyak ay may sinasabi sa iyo. Ayon kay MayAnne Santos, napanood niya si Priscilla Dunstan sa TV, at naging interesado siya dito.

Si Priscilla ang nagsimula ng Dunstan Baby Language, isang theory tungkol sa infantile vocal reflexes na ginagamit bilang senyales o hudyat ng mga tao. Ang bawat tunog daw ay may kahulugan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bago pa raw matutong magsalita ang isang bata, itong mga piling tunog na ito ang paraan niya para matutong magsalita, pati na rin magsabi ng kaniyang nararamdaman.

May klase ng iyak na makapagsasabi kay mommy o sa taga-alaga na gutom na si baby, o may masakit sa katawan nito, halimbawa. Natuto so MayAnne ng iba’t ibang paraan ng “pakikipag-usap” sa baby niyang si Rain, lalo nuong unang 4 na buwan nito.

Nilista niya ang lahat ng mga sinasabi kaya’t nagawa niya ito. Kaya naman hindi na siya nahirapan sa pagpapatahan kay baby Rain kapag umiiyak ito noon.

Aralin kung paano maintindihan ang “cues” ni baby, bago pa tuluyang mag-iiyak ito na mahirap nang patigilin.

TANDAAN: Kung hindi talaga kaya, huwag ipilit. Maaaring hindi ito para sa iyo. Huwag din magdamdam at ma-guilty na hindi mo kinaya. Kung nagawa mo na ang lahat at hindi pa rin talaga kaya, hayaan na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ito pagkukulang sa anak. Mas malaki ang magiging negatibong epekto nito sa inyong mag-ina kung masestress ka lang sa pagpipilit.

Mga bawal sa newborn baby | Image from iStock

3. Pagdadamit kay baby

Alamin ang iba’t ibang uri ng damit ng isang bagong panganak na sanggol, at ang mga pagbabago sa pananamit niya habang lumalaki.

Hindi pa kayang magtimpla ng body temperature ang isang bagong panganak, hanggang sa unang 6 na buwan nito, kaya’t pumili ng tamang damit para hindi ito ginawin, o hindi ito pawisan ng todo.

Maghanda ng pambahay at pang-alis, at mga damit para sa tag-ulan, taglamig at tag-init—lalo sa Pilipinas kung saan labis ang init. Dapat din ay may iba’t ibang uri ng sumbrero, medyas at sapatos para sa iba’t ibang panahon. Para sa bagong panganak, importante ang kumot at mga pamunas (ng laway, pawis, atbp).

4. Paggamit ng Car Seat

Sa huling trimester ng pagbubuntis, magtanong na ng lahat ng dapat malaman tungkol sa car seat, sa mga gumamit na nito. Siguraduhing tama at ligtas ang paglagay ng car seat sa inyong sasakyan, pati ang tamang paglalagay ng harness at seatbelt ni baby. Alamin din kung ano ang mga bawal sa newborn baby pagdating sa pagsakay sa sasakyan.

Dapat ay nasa 45-degree angle ang upuan at si baby ay “semi-reclined”: hindi masyadong nakatingala o nakayuko.

5. Mga bawal sa newborn baby pagdating sa pagligo at paglilinis kay baby

Ang pagpapanatiling malinis ang katawan ng sanggol ay hindi lang para sa pisikal na kaanyuan kundi pati sa kalusugan niya. Narito ang mga dapat malaman tungkol dito:

  • Mukha

Linisin araw araw ang mukha ni baby gamit ang maligamgam na tubig at mild baby soap. Gumami ng sponge o face towel na malambot at sadyang pam-baby. Ang ibang bata ay karaniwang may yellowish discharge o labis na muta sa mata. Punasan lamang ito ng bulak na binasa sa maligamgam na tubig. Dahan dahang pahirin hanggang maalis ang discharge.

  • Anit/Scalp

Karaniwang may cradle cap ang mga bagong panganak na sanggol. Minsan nawawala ito ng kusa. Para maalis ito, hugasan ang ulo ni baby araw araw at gumamit ng gentle baby shampoo ng hindi hihigit sa 3 beses sa isang linggo.

Pagkatapos tuyuin ng tuwalya, gumamit ng baby brush para matanggal ang mga scales o cradle cap. Huwag kaskasin! Dahan dahan lamang at unti unti. Hindi matatanggal ito kaagad. Pagtiyagaang gawin ito pagkatapos ng bawat pagpapaligo.

  • Ilong

Kapag may bara sa ilong, gumamit ng infant-sized nasal bulb syringe. PWede ring gumamit ng saline solution gamit ang malinis na eyedropper bago i-suction.

  • Kuko

Malambot ang kuko ng baby, pero nakakasugat ito minsan sa mukha. Gumamit ng nail clippers na pang-baby. Gupitan ng kuko si baby pagkapaligo dito para malambot pa ang kuko, o gawin ito kapag tulog siya para hindi maglikot.

  • Diaper area

Iwasang mababad si baby sa basang diaper o may duming daiper. Tingan kung puno na ng ihi o may dumi na ang diaper maya’t maya. Banlawan ang puwitan ng bata tuwing papalitan.

Iwasang ang paggamit ng wipes dahil nakakairita ito. Magbabad ng cotton balls sa tubig at ito ang gamitin sa paglilinis ng puwit ni baby. Maaaring gumamit ng barrier creams, tulad ng Sudocreme kapag may nagsisimula nang diaper rash.

  • Umbilical Cord

Panatilihing tuyo at malinis ang umbilical cord stump o pusod ng bagong panganak. Takpan ito kapag pinapaliguan si baby. Kusang natatanggal ito pagkalipas ng ilang araw o linggo. Habang hindi pa ito natatanggal, punas punas lang muna o sponge bath ang pagpapaligo kay baby.

  • Kung tuli na

Maaaring maga at may dilaw na makikita sa dulo ng ari ng bata. Linisin lang ng maligamgam na tubig ang genital area araw araw. Magtanong sa pediatrician kung ano ang pwedeng ilagay o ipahid dito para hindi maimpeksiyon.

  • Pagpapaligo

Iwasang patagalin ang pagpapaligo kay baby. Huwag lumagpas sa 10 minuto, gamit ang maligamgam na tubig, at mild, fragrance-free na sabon. Pahiran  ng hypoallergenic skin cream o lotion pagkatapos. Alamin ang tamang pagpapaligo kay baby sa link na ito.

Mga bawal sa newborn baby | Image from Dreamstime

6. Baby massage

Ito ang isang bagay na nabasa ko nuong bago ko ipanganak ang panganay ko. Ayon sa pediatrician ng anak ko, ito ay isang magandang paraan nang pagpapadama sa iyong baby ng pagmamahal ni mommy, at nakakatulong pa na ma-relax ang minsan ay aligagang sanggol.

Alam mo bang nakakatulong pa ito sa weight gain, digestion, circulation, at pag-alis ng sakit ng pagngingipin? Nakapag-bonding na si mommy at baby, nakatulong pa sa kalusugan ng sanggol.

Ang pagmamasahe kay baby ay simple lang. Pagkapaligo, kapag presko na siya at bihis na, marahang masahehin ang buong katawan niya. Gumamit ng baby oil o lotion para madulas sa katawa ni baby.

Kasama din syempra ang tenga, leeg, balikat, mga daliri, braso, tigiliran, binti, at mga paa. Magpatugtog ng classical music o nakaka-relax na tugtog habang ginagawa ito. Kausapin din siya o kantahan.

Ang bawat pisil ay nakaka-stimulate ng pagkakaro’n ng hormone na oxytocin kay mommy, kay baby at kahit kay daddy, kung kasali din siya. Ang oxytocin ay tumutulong sa pagbibigay sa isang tao ng kalmado at masayang pakiramdam.

Tandaan:

Magbasa at makinig sa mga payo, pero pakiramdaman din ang iyong instincts sa pag aalaga ng sanggol. Magtiwala sa pakiramdam bilang isang ina, at pag-usapan din niyo ni daddy kung ano ang gagawin.

Hindi ka perpekto, kaya huwag magpaka-stress na maging perfect mom pagdating sa pag aalaga ng sanggol. Walang perpektong nanay. Ang lahat ay napag-aaralan at natutunan.

Basta’t masigasig ka, kaya mo yan. Higit sa lahat, huwag mahiyang magtanong sa mga kamag-anak, kaibigan o kakilala.

Huwag ding kalimutan ang pag-aalaga sa sarili. Hindi magiging malusog at masaya si baby kung hindi masaya si mommy (at daddy). Magsalitan sa pag-aalaga, lalo kung kayong dalawa lang ang nag-aalaga. Take a break, ika nga, at gawin ang ibang bagay na hilig o gusto, at huwag ma-guilty na hindi kasama si baby kahit ilang oras lang.

Ang lahat ng hirap ay may katuwang na kasiyahan. Lilipas din ang panahon na parang di mo alam ang ginagawa mo sa pag aalaga ng sanggol. Sabay kayong matututo ng iyong anak na pakisamahan ang isa’t isa.

 

 

What to Expect When You’re Expecting ni Heidi Murkoff; The Common Sense Book of Baby and Child Care Book ni Benjamin Spock, MD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.