Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang newborn baby massage ay nakakatulong na ma-boost ang immunity ng sanggol laban sa mga sakit. Natuklasan din sa isa pang pag-aaral na may magandang benepisyo ang masahe para sa sanggol pati na rin ang pagmamasahe o massage mo kay baby. Alamin ang mga ito dito!
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang uri ng newborn baby massage na helpful para sa mga sanggol.
- Tamang paraan at mga dapat tandaan sa pagmamasahe kay baby.
Newborn baby massage nakatutulong para maging malusog ang sanggol
Love photo created by user18526052 – www.freepik.com
Minamasa-masahe mo rin ba ang iyong baby? Lalo na ang kaniyang tiyan, braso at mga binti? Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang newborn baby massage ay nakakatulong na gawing mas malusog ang katawan ng isang sanggol.
Sa tulong nito ay mas na-boboost ang immunity ng mga sanggol laban sa sakit. Nakakatulong din ito para maiwasan nila ang bacterial infections at mabawasan ang infant mortality rate ng hanggang sa 50%.
Ang benepisyong ito ay maaari rin umanong madala ng mga sanggol hanggang sila ay lumaki at magka-edad na. Ito ay ayon sa pag-aaral na pinangunahan ni Gary Darmstadt. Si Darmstadt ay isang professor ng neonatal and developmental medicine sa Stanford University School of Medicine.
Natuklasan ni Darmstadt at kaniyang team ang nasabing benepisyo ng newborn baby massage matapos i-track ang kalusugan ng 26,000 babies sa India.
“We saw about a 40% reduction in the risk of infection and a 25-50% reduction in the risk of mortality, which was significant.”
Ito ang nasabi ni Darmstadt sa natuklasan nilang benepisyo ng pagmamasahe sa katawan ng sanggol partikular na sa kaniyang tiyan.
Paliwanag ni Darmstadt ang regular na pagbibigay ng body massage sa sanggol ay nakakatulong na ma-build ang layer ng healthy bacteria na nasa tiyan at balat niya.
Ang bacteria na ito ay tinatawag na microbiome na nakakatulong para ma-enhance ang immunity ng sanggol laban sa mga sakit.
Benepisyo ng pagmamasahe sa tiyan ng sanggol
Ayon naman sa isang hiwalay na pag-aaral, ang pagmamasahe sa tiyan ng sanggol ay nakakatulong din para ma-stimulate ang vagus nerve nila.
Ito ang ugat na kumokonekta sa kanilang tiyan at utak na may mahalagang papel na ginagampanan sa better digestion at absorption ng nutrients ng tiyan ng sanggol.
Kung ma-stimulate ito ay maaaring mag-gain ng timbang ang sanggol. Nakakatulong din ito para mabawasan ang stress nilang nararanasan at iniindang sakit.
Dagdag pang paliwanag ni Darmstadt, mas lumalakas pa nga raw ang immunity ng sanggol kung mamasahehin siya gamit ang oils.
Dahil ang mga oils ay nakakatulong naman para i-improve ang skin barrier function ng balat. O sa madaling sabi ay ginagawa nitong mas protected ang balat para mahirapang makapasok ang bacteria, mahalo ito sa bloodstream at magdulot ng nakakatakot na impeksyon.
Ilan pang benepisyo ng masahe sa sanggol ay ang mga sumusunod:
- Pinababuti nito ang digestion ni baby. Sapagkat nakakatulong ito para maging clear ang kaniyang bowel at nakakatulong din ito sa pag-release ng abdominal gas.
- Gumaganda ang blood circulation ng sanggol.
- Nakakatulong din ito para magkaroon ng masarap na tulog si baby.
- Isa pa sa benepisyo ng masahe para sa sanggol ay nakaktulong ito para mag-build siya ng mga dense na buto at i-firm ang soft muscles.
- Nakakatulong din ito para sa ma-clear ang mga toxins sa lymphatic system.
Iba pang benepisyo ng masahe para sa sanggol o benefits ng newborn baby massage
Sa mga pag-aaral sinasabi na ang newborn baby massage ay magkakaroon din ng benepisyo hanggang pagsapit ng inyong anak pagtanda.
Ayon kay Garry Darmstadt, isang propesor sa neonatal at developmental medicine sa Stanford University School of Medicine,
“The skin is the largest organ of the body, but we often minimize how important skincare is to overall health.”
Dagdag pa ni nila, na ang paggawa sa practice na ito ay maaaring makapagligtas ng buhay ng mga premature baby. Sa Bangladesh noong 2008 nakita na 497 newborn baby ang nakakatanggap ng masahe sa ospital.
Ang kanilang team din ay nalaman na ang regular na masahe sa sanggol ay nakakalikha ng microbiome sa mga baby. Ito ay isang layer ng bacteria na naninirahan sa balat at gut.
Makakatulong ang microbiome ay mahalagang papel para ma-improve ang immunity sa isang baby.
Benepisyo ng pagmamasahe kay baby ni Mommy
Sabi nga kanina hindi lamang kay baby may benefits pati na rin kay Mommy. Ang benepisyo ng pagmamasahe ni mommy sa kaniyang baby ay nakakatulong para mag-produce si Mommy ng oxytocin na hormone.
Nakaktulong din ito ng production ng cortisol sa mga new mothers. Makakatulong ito sa mga mommy para mabawasan ang pag-develop ng postnatal blues o depression.
Habang minamasahe ng mga mommy ang kanilang baby, nakakatulong din ito para mas maging attentive si Mommy sa mga cues ng kaniyang baby. Kumbaga nakakatulong ito sa communication ni baby at ni Mommy.
Baby photo created by valuavitaly – www.freepik.com
BASAHIN:
Newborn screening in the Philippines: Mga dapat malaman ng magulang
Want to do baby massage? Try these 6 baby oil brands here–with prices!
Baby massage and scrub: Loving touch for you and your baby
Tamang pagmamasahe sa sanggol
Baby photo created by onlyyouqj – www.freepik.com
Pero babala ni Darmstadt, ang body massage lalo na ang paggamit ng oils ay hindi inirerekumenda sa premature babies. Dahil imbis na makatulong ay maaring makasama pa ito lalo sa kalusugan nila.
Dagdag pa niya hindi lahat ng massage oils ay puwede sa mga sanggol. Mas mainam umano kung ang gagamitin sa pagmamasahe sa kanila ay sunflower seed, coconut at sesame oil.
Sapagkat ang mga ito ay may mataas na content ng linoleic acid na nakakatulong para i-bind ang fatty acids sa balat at i-enhance ang immune function nito. Dapat din umano na ingatan na malagyan ng oil ang mata at tenga ng sanggol. Dahil ito ay lubhang napakadelikado.
Kaya naman payo ni Tiffany Field, isang professor ng pediatrics na espesyalista rin sa infant massage na mabuting simulan ng masahiin ng mga magulang ang mga baby nila pagkapanganak.
Pero ang pagmamasahe sa kanila ay dapat hindi madiin o dahan-dahan lang. Ito ay dapat sapat lang para makiliti ang sanggol.
“One must ‘move the skin’, by applying moderate pressure, but too gentle a stroke can make the baby feel ticklish. Most infants don’t enjoy that and it’s not therapeutic.”
Ito ang sabi ni Field.
Mahalagang paalala, bago masahiin ang iyong sanggol o gumamit ng anumang produkto sa kaniya ay mabuting ikonsulta muna ito sa iyong doktor. Ito ay para makasigurado ka na hindi ito magdudulot ng anumang kapahamakan o negatibong epekto sa kaniyang kalusugan.
Ayon sa EIRMC o Eastern Idaho Regional Medical Center, narito ang tamang paraan ng pagmamasahe sa sanggol.
Kailan ba dapat imasahe si baby?
Isa sa mga dapat nating malaman kung ano nga ba ang best time para i-massage si baby. Nirerekomenda na huwag na huwag agad na i-massage si baby kapag kakatapos niya lamang kumain. Maaari kasing masuka si baby kapag minasahe siya agad.
Maganda na pakiramdaman ang mood ni baby kung nasa mood ba siya para imasahe. Kung kalmado si baby isa itong senyales na pwede mong imasahe si baby.
Kailan naman dapat ihinto ang masahe kay baby?
Kung ang iyong anak ang biglang umiyak habang minamasahe mo siya ay itigil na ang pagmamasahe sa kaniya. Kapag nangyari ito mag-intay pa ng ilang araw o kaya naman linggo bago siya masahihin ulit.
Tandaan bago gawin ang newborn baby massage sa inyong anak, tanungin muna ang doktor ni baby kung may mga underlying health difficulties si baby. Para mabigyan niya kayo ng advise kung pwede bang masahihin si baby.
Pwede mo rin itanong sa doktor ni baby kung may pwede siyang i-refer na isang infant massage specialist o iba pang propesyunal na kayang masahihin si baby.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!