"Walang kusa, puro cellphone." Mga bagay na kinaiinisan ni misis kay mister

Naiinis ka rin ba minsan sa asawa mo?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang mga bagay na kinaiinisan ng mga misis sa kanilang asawa?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang mga bagay na kinaiinisan mo kay mister at bakit?
  • Mga dapat gawin kapag naiinis sa asawa

Sabi nga nila, makikilala mo ng todo ang isang tao kapag nakasama mo ito sa iisang bahay. Kaya nga may iba na mas pinipili munang mag live-in bago magpakasal para mas lalong makilala ang kanilang partner.

Para sa ating pag-uusapan ngayon, ating isa-isahin ang mga karaniwang bagay na kinaiinisan ng mga misis sa kanilang mister. Paano nga ba nila ito hina-handle?

BASAHIN:

“May relasyon ba kayo ng 2nd cousin mo?” 14 kinakatakutang tanong ng mga nanay kay mister

#TAPMomAsks: Gusto ni mister makipagtalik pero ayaw ko, anong dapat gawin?

Ang pang-matagalang epekto ng pag-aaway ninyo ni mister sa harap ng inyong anak

Mga bagay na kinaiinisan ng mga misis sa kanilang asawa

Nagtanong kami sa theAsianparent Community kung ano ang mga bagay na madalas ikainis ng ating TAP moms sa kanilang asawa. Majority sa kanilang mga sagot ay may kinalaman sa pagkaadik ng kanilang asawa sa cellphone o mobile games.

May isang TAP mom na nagsabi na “Puro na lang mobile games. Paggising sa umaga, mobile games. Habang natae, mobile games. Bago pumasok sa work, mobile games.”

Sumang-ayon naman ang isang mommy at sinabing, “Same! Hayyy! ‘Yan din rason n’ya kesa naman ma-addict ako sa babae, ayaw mo pa sa games lang, sabi nya. Pero ‘di pa rin nakakatuwa!”

Maraming nanay ang naka-relate dito. Masyadong nakatutok ang kanilang asawa sa cellphone upang mag-browse sa social media o maglaro ng mobile games. Dahil dito, hindi maiwasang mairita o mainis ng ating TAP moms.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga bagay na kinaiinisan ng asawa | Photo by Erik Mclean on Unsplash

May isang TAP mom naman ang nagsabi na ang ikinaiinisan niya sa kaniyang asawa ay kapag ang tagal nitong kumilos lalo na kung may pupuntahan sila.

“He’d wait ’til the last minute to get ready pag-aalis, or minsan paalis na, magsi-cr daw muna siya. Nire-remind ko na mag-prepare na ahead of time, minsan ginagawa niya, minsan hindi.

If hindi naman time sensitive ‘yung lakad, I don’t stress about it. If may specific time, I make sure everything else is ready, especially the babies.”

Madalas din umano maka-iwan at makalimot ng bagay ang kaniyang asawa. Sa araw-araw na nangyayari ito, minsan ay nagiging normal na lang sa kaniya.

“‘Yong may plan kami na umalis pero pag dating ‘nung day na ‘yon biglang parang tatamarin at parang pilit na lang para matuloy kami at ‘di ako topakin.” ito naman ang ibinahagi ng isa pang TAP mom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod pa rito, isa pang kinaiinisan nila ya kapag hinidi kumikilos ang asawa. “Kailangan mo pang sabihan para kumilos. Walang kusa kumbaga.” sabi ng isa nating TAP mom

Ikaw ba mommy? Ano ang ang mga bagay na kinaiinisan mo kay mister? How do you handle it? Paano mo sila kinokompronta?

Mga bagay na kinaiinisan ng asawa | Image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga dapat gawin kapag naiinis sa asawa

Kung nahihirapan kang i-handle ang isang sitwasyon kapag naiinis ka sa iyong asawa, hinga lang ng malalim! Sundin ang tips na ito:

1. Maging kalmado

Totoong nakakainis kapag may ginawang hindi maganda ang asawa mo lalo na kung hindi ito mapakiusapan sa iisang pagkakataon at pauli-ulit pa rin itong ginagawa.

Sa mga oras na ito, ‘wag sumigaw o magbato ng kung anu-anong bagay. Relax lang mommy! Pumikit, huminga ng malalim, komprontahin si mister at sabihin ang mga bagay na kinaiinis mo.

2. Maging consistent

Ang pagkompronta kay mister kapag may ginawang mali ay may pagkakatulad sa iyong anak na dinidisplina mo. Kailangan mong maging consistent at matigas. Kailangang may iisang salita ka at hindi pabago-bago.

Kung naiinis ka dahil palaging nakakalimutan ni mister ang magtapon ng basura kada linggo, paulit-ulit itong ipaalala sa kaniya at ang bagay na ito ay sa kaniya nakatoka.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga bagay na kinaiinisan ng asawa | House photo created by tirachardz – www.freepik.com

3. Palawakin ang pang-unawa

Lagi bang nakakatulog si mister kapag movie time niyo tuwing gabi? Baka kasi masyadong napagod lang sa buong araw ng pagtatrabaho.

Sa isang pagsasama, kinakailangan ng mag-partner ang malakawak na pang-unawa. Upang maging matatag ang isang relasyon, kailangang ‘wag maging one-sided. Matutong makinig at intindihin ang isa dahil ito ang nagpapatibay sa relasyon. Kung sakaling may bagay kang kinaiinisan kay mister, alamin muna kung ano ang dahilan sa likod nito.

4. Mag-focus sa inyong relasyon

Tanungin ang iyong sarili, bakit ka nga ba naiinis kay mister? Sa kaniya lang ba o maaaring kasama ka rin dito ngunit hindi mo napapansin? Baka naman ang ang issue na ito ay isang senyales ng kulang sa inyong relasyon at pagsasama? Magkaroon ng ‘me time’ upang isipin ito. Bigyan ng focus ang pagpapatibay ng inyong relasyon.

Kung nahihirapan na kayong iresolba ang problema, ‘wag mag dalawang isip na humingi ng tulong sa eksperto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Tandaan, iisa lang kayo

Kung babaliktarin man natin ang mundo, tandaan na kasal kayo ng asawa mo. Iisa lang kayo at hindi magkaaway. Malawak na pag-iisip at masinsinang pag-uusap ang sikreto o tanging paraan para maresolba ang problema.

 

Sinulat ni

Mach Marciano