Bakit ayaw makipagtalik ng asawa mo? Narito ang paliwanag at pakiusap ng isang ina.
Mababasa sa artikulong ito ang sumusunod:
- Mensahe ng isang misis sa kaniyang asawa.
- Mga dahilan kung bakit itong tumatangging makipagtalik sa kaniya.
Bakit ayaw makipagtalik ng asawa
Dear Mahal,
Sa pagdaan ng araw habang sinusuong natin ang bagong yugto ng ating buhay kasama ang ating mga anak sa totoo lang mas lalo kitang minamahal. Lalo na kapag nakikita ko kung paano mo ginagampanan ang tungkulin mo para sa amin. Pakiramdam ko napakasuwerte ko dahil ikaw ang asawa ko at napakapalad ng mga anak ko dahil ikaw ang naging ama nila. Kaya sana huwag mong isipin na nagbago ako. Lalo na kung nawawalan na ko ng sexy time sa ‘yo. Hayaan mo kong isa-isahin ang mga dahilan.
Tuwing maiisip ko yung mga oras na tayong dalawa pa lang at wala pang mga anak ay napapangiti ako. Namimiss ko rin ‘yung marami tayong oras sa isa’t isa at siyempre ‘yung mga nag-aatikabong oras natin sa kama. Sa ngayon, aminado ako na hindi na tayo tulad ng dati. Pero alam ko sa sarili ko na hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa ‘yo. Bagkus, mas lalo lang itong lumalim at tumindi ng magsimula akong bumuo ng pamilya kasama mo.
Alam mo sa tuwing tumitingin ako sa mga anak natin ay mukha mo ang nakikita ko. Kaya naman gusto ko sana na maibigay ko sa kanila ang pagmamahal at pangangalaga na kailangan nila. Habang sila ay bata at maliliit pa.
Natatakot akong mabuntis muli.
Sa totoo lang, isa sa pangunahing dahilan kung bakit ayaw kong makipagtalik sa ‘yo ay natatakot akong mabuntis muli. Sapagkat kung ngayon lang na dalawa sila ay nahihirapan na ko at nawawalan ng oras sa ‘yo, paano kung madagdagan pa? Iniisip ko rin isang taon pa lang si bunso, napakabata pa para masundan na.
Nakakapagod maging ina pero nag-i-enjoy ako at tunay kong tine-treasure ang bawat segundo sa ginagawa ko. Lalo na ang makita kayong masaya at mapagsilbihan kayo sa abot ng aking makakakaya.
Baby photo created by pressfoto – www.freepik.com
Pagmulat ko pa lang ng mata ko sa umaga kailangan ko ng mag-asikaso ng makakain mo at makakain ng mga bata. Hindi ko pa man tapos ‘yung kasulukuyang ginagawa ko, iniisip ko na ang susunod kong gagawin. Kung tutuusin ayaw sana kitang paalisin. Gusto ko sanang hingin ang tulong mo sa pag-aalaga sa kanila. Pero kailangan mong magtrabaho para sa pangangailangan natin. Kaya hahayaan kita pero hindi malilimutang halikan bago paalisin. Sa mailkling sandaling iyon pagbalik ko sa mga anak natin ay kaliwa’t kanan na ang kalat na kailangan kong linisin. Hahayaan ko muna silang maglaro para mailigpit ko ang higaan at sunod naman ang kinainan natin.
BASAHIN:
6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa
#TAPMomAsks: Kasama ng asawa ko ang pinagseselosan ko sa outing nila, papayagan ko ba?
Ama nagsisisi na inuna ang trabaho bago ang pamilya: “Hug your kids. Don’t work too late.”
Dala ng pagod at pag-aalaga sa ating mga anak.
Matapos magligpit ay saka ko naman paliliguan ang ating mga anak. Saka sila patutulugin dahil kung hindi, hindi ako makakapaghugas ng plato. Hindi ko rin malalabhan ang maruruming damit natin. Kailangan kong kumilos ng mabilis dahil sa oras na magising sila hindi ko na matatapos ang lahat kong gagawin. Matatambak na ito ng matatambak na mas mahihirapan na kong tapusin.
Woman photo created by pch.vector – www.freepik.com
Hindi ko sila basta-basta puwedeng iwan o alisan ng tingin sa tuwing sila’y gising. Dahil natatakot ako na kung anong mangyari sa kanila. Sa tuwing naalala ko nga noong minsang nahulog sa upuan si bunso ay paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko. Hindi ko nakakalimutan ang malakas na pag-iyak niya. ‘Yung lakas na lagapak ng pagkakahulog niya. Mula noon pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na aalisin ang paningin ko sa kanila. Sapagkat ayokong maaksidente o masaktan sila. Kaya naman laking pasalamat ko na kung matatapos ko ang gawaing-bahay paggising nila. Lalo na kung may saglit na oras pa ko para umidlip at makapagpahinga na sobrang bibihira.
Pero babawi ako sayo, pinapangako ko.
Kailangan lagi akong malakas para sa kanila. Dahil kung hindi, hindi ko sila mahahabol lalo na kung saglit kaming lalabas ng bahay. Hindi ko alam pero parang bumibilis ako tumakbo at kumilos maabutan lang sila. Kung wala akong lakas hindi ko na sila mabubuhat sa likod ko. Hindi ko na sila mai-entertain at mailalaro. Kaya sana huwag kang magtaka kung pagod ako sa tuwing uuwi ka. Dahil habang binabantayan sila, isinasabay ko rin ang mga gawaing-bahay. Para paguwi mo, makapag-relax ka at makakain na.
People photo created by freepik – www.freepik.com
Sa gabi pagtulog, gusto kitang makatabi. Kaso kailangan ko na muna silang patulugin para tayo ay makapagpahinga na. Pero sa hindi ko sinasadya kasabay nila ay minsan nakakatulog narin ako. Dala ng pagod sa buong maghapon na gustuhin ko mang pigilan pero hindi na kaya ng aking katawan. Kaya pasensya kana kung minsan ang mga kalabit mo ay hindi ko mapagbigyan. Sa totoo lang gusto ko, gusto ng isip ko pero hindi na kaya ng katawan ko. Pasensya ka na kung hindi kita mapagbibigyan ngayong gabi. Pero hayaan mo Mahal babawi ako sayo. Maglalaan ako ng oras para sayo. Yung tayong dalawa lang at ikaw lang inaasikaso ko. Sa ngayon hayaan mo munang mahasa ang pagiging ina ko. At hayaan mo muna akong magpahinga, para magkaroon ako ng lakas na mapagbigyan ka at mapaligayang muli sa kama.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!