Mahalaga ang papel ng isang ama sa isang pamilya. Hindi lamang basta taga-suporta ito sa mga pinansyal na pangangailangan ng pamilya kundi pati na rin sa marami pang bagay. Katulad na lamang ng paggabay sa pagpapalaki ng anak.
Kuwento ng isang workaholic na Ama
Ibinahagi ni J.R Storment, aminadong workaholic ang nangyari sa kaniyang pamilya sa kaniyang LinkedIn account. Sa kaniyang post. Ikinuwento niya ang napakalungkot na pangyayari.
Sinimulan niya ang kaniyang kuwento kung paano sabay na dumating sa kaniya ang malaking pagbabago sa kaniyang buhay. Ang pagkakaroon ng kambal na anak na lalaki at pagsisimula ng kaniyang sariling kumpanya.
“Eight years ago, during the same month, I had twin boys and co-founded Cloudability. About three months ago Cloudability was acquired. About three weeks ago we lost one of our boys,”
Nagpag-usapan umano ng kaniyang asawa na kapag isa sa kanila ang tumatawag ay kailangang sagutin agad. Kaya naman nang tumawag ang kaniyang asawa habang nasa isang conference sinagot niya raw ito at lumabas ng conference room.
Habang naglalakad pa lamang siya papunta sa pintuan, sinagot niya ang kaniyang asawa at sinabing, “Hey, what’s up?” Sinagot lamang siya umano ng kaniyang asawa ng iyak at sinabing patay na ang kanilang isang anak.
“J.R., Wiley is dead.” Sabi ng kaniyang asawa.
Sa pagkakataong iyon gumuho ang mundo ni Storment. Hindi niya umano siya makapaniwala sa kaniyang nabalitaan. Hindi umano niya itong matanggaop. Nasisigaw umano na hindi, hindi pwedeng patay na ang anak niya. Pero pinababa na ng kaniyang asawa ang tawag upang tumawag sa 911.
Dagdag pa sa kuwento niya, “That was the entire conversation. The next thing I know I’m sprinting out the front door of the office with my car keys in hand, running ferociously across the street and muttering ‘oh F*ck. oh F*ck. oh F*ck.’. Half way down the block I realise I don’t have the opener to my parking garage. Running back into the lobby, I all but shout ‘Someone drive me! Somebody drive me!’ Thankfully, a helpful colleague did.”
Kundisyon ng kaniyang anak
Ang kaniyang anak ay may isang rare complication ng mild childhood epilepsy, na tinatawag na Sudden Unexplained Death Epilepsy. Inamin niya sa kaniyang post na bago siya umalis ng kanilang bahay nung umaga bago mamatay ang anak niyang si Wiley ay hindi niya tinignan ang kaniyang kambal.
Akala umano ng kaniyang asawa ay natutulog lamang ang kanilang anak na si Wiley. Ayon kay Storment mahilig umanong matulog ang kaniyang anak dahil aktibo raw ito sa umaga.
“He was cold. The Medical Examiner later estimated he had been dead for at least 8-10 hours by the time she found him, indicating he passed early in the night.”
Matapos umanong dumating at mag-imbestiga ng mga awtoridad nakita niya ang kaniyang anak na si Wiley.
“Iyon ang pinakamasakit na 2.5 oras ng buhay ko bago ko makita ang aking anak. Pagkatapos mag-intay ng matagal. Sinabi ko sa isang pulis na binabantayan ang pintuan sa kuwarto ng aking anak na hindi na ako makakapaghintay pa. Kaya naman pinapasok na niya ako upang makita ang aking anak. Nakahiga ang aking anak sa kaniyang kama, nakakumot ng maayos at payapang natutulog.”
Nanatili umano silang mag-asawa roon ng 30 minuto bago tuluyang kunin at ilagay sa body bag ang katawan ng kanilang anak. Hinawakan niya umano niya ang kamay ng kaniyang anak at hinalikan ang kaniyang noo habang nasa body bag ito.
Mensahe ni Storment sa iba pang magulang na katulad niya lalo na sa mga amang katulad niya. Mayroon mahalagang papel ng isang ama sa paglaki ng isang anak.
“Maraming nagtatanong sa akin kung paano sila makakatuloy sa akin. Yakapin niyo ang inyong mga anak. Huwag magtrabaho ng late. Maraming bagay ay iyong pagsisihan lalo na kung wala ka nang oras pa magawa pa ito. Siguro’y mayroong napakaraming meetings sa inyong trabaho. Pero mayroon ka bang regular na schedule para sa inyong mga anak? Kung mayroon man akong natutunan sa pangyayaring ito sa buhay ko, ay ipaalala sa iba (sa akin) na huwag na huwag i-miss out ang pinakamahahalagang bagay at ito ang iyong pamilya, ang inyong mga anak.”
Kaya naman kahit na gaano kayo ka-busy mga mommy at daddy huwag na huwag kakalimutan ang magkaroon ng oras sa inyong mga anak. Kahit na ang inyong trabaho ay para rin naman sa kinabukasan nila subalit mas importante pa rin na naririyan kayo lagi sa kanilang tabi. Lalo na habang sila’y lumalaki at iparamdam niyo sa kanila na lagi kayong naririyan at mahal niyo ang inyong mga anak.
Mahalagang papel ng isang ama
Ang lahat ng ama ay may mahalagang papel sa buhay ng kanilang anak na hindi maaaring mapunan ng iba. Kundi sila lamang mga ama. May malaking epekto rin ito sa paghuhubog sa isang bata sa kaniyang paglaki o kung paano siya kapag siya’y lumaki.
-
Gampanin sa emotional development ng anak
Katulad ng mga ina ang mga ama rin ay isang mahalagang aspeto para sa pagpa-unlad ng emosyunal na well-being ng isang bata. Tinitignan kasi ng mga anak ang kanilang ama bilang tagapagbigay ng mga rule upang sundin nila. Gayundin, ang pagbibigay ng security, pisikal man o emusyonal.
Ayon sa isang pag-aaral ang mga amang affectionate o nagpapakita ng pagmamahal at suporta sa kaniyang mga anak ay nakakaapekto sa cognitive at social development ng isang bata. Nagbibigay rin itop ng sense of well-being at self-confidence sa isang bata.
-
Malaking impluwensiya ng ama sa anak
Mayroong malaking epekto at gampanin ang isang ama kung paano makikitungo ang kaniyang anak sa ibang tao habang siya’y lumalaki o lumaki na. Ang ama kasi ang kadalasan ang nagbibigay ng halimbawa sa kaniyang anak kung paano dapat tratuhin ang isang kaibigan, karelasyon, o asawa. Nakikita kasi ito ng bata sa kaniyang ama. Ang mga pattern na isini-set ng isang ama sa mga relasyong ito sa kaniyang mga anak ay magsasabi kung paano makikitungo ang kaniyang anak sa ibang tao.
-
Bilang isang protektor
Laging tinitignan ng isang bata ang kaniyang bilang lagi niyang tagapagtanggol sa kaniya. Hindi lamang sa mga umaaway sa kaniya kundi sa mga posibilidad ng mga pagkabigo. Alam ng isang bata na lagi niyangg maaasahan ang kaniyang ama.
-
Isang provider
Hindi lamang ito usapin ng pinansyal na suporta. Kundi kasama na ang emusyonal, pisikal, at sikolohikal na suporta mula sa isang ama. Hindi puro pera lamang ang ibig sabihin ng provider kundi ay suporta sa anak kapag ito’y nalulungkot at napanghihinaan ng loob.
Higit na kailangang maunawaan ang mahalagang papel ng isang ama sa buhay ng kaniyang mga anak. Hindi porket isa kang ama ay lagi mo nang iisipin ang gastos para mapalaki ang inyong mga anak. Higit sa lahat kailangang balance ang oras mo sa trabaho at pamilya o kung minsan pa nga kailangang mas marami kang oras sa pamilya kaysa trabaho.
Mahalagang naririyan ka lalo na kung lumalaki pa lamang ang inyong mga anak. Huwag mong i-miss out ang pinakamamahalagang pagkakataon sa buhay ng inyong mga anak dahil katulad sa kuwento ni Storment huli na nang ma-realize niya ito at hindi na niya mababawi ang panahon upang makabawi at iparamdam sa kaniyang anak na mahal na mahal niya ito.
Kaya naman laging magkaroon ng bonding moments kasama ang family. At laging iparamdam ang pagmamahal sa inyong asawa at mga anak.
Source:
kidspot, pediatricsoffranklin
BASAHIN:
Study: A father’s important role in his child’s language development
STUDY: Ang benefit kapag naglalaan ng maraming time si Daddy para kay baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!