Ano nga ba ang tungkulin ng isang ama sa kaniyang pamilya? Sapat na ang pagbibigay ng pera at pangangailangan niya sa mga anak nito?
Mababasa sa artikulong ito:
- Depresyon maaari sanhi kung bakit hindi malapit si Tatay kay baby
- Benepisyo ng hands-on na Tatay: Pag-aaral na ginawa
- Tips para ma-encourage si Tatay na maging hands-on kay baby
- Katangian ng pagiging hands-on na Tatay
Depresyon maaari sanhi kung bakit hindi malapit si Tatay kay baby
Sa pagbubuntis ng isang babae, marami ang kaniyang mararanasan. Nandiyan ang morning sickness, mood swings pati na rin ang pananakit ng kaniyang likod o katawan.
Isa pang nararanasan ng babae pagkatapos manganak ay ang postpartum depression na kailangang pagtuunan ng pansin dahil mental health na ang naaepektuhan sa nanay.
Ayon sa datos, nasa 10%-20% ng mga nanay ang nagkakaroon nito pagkatapos manganak. Subalit hindi lang ang ating minamahal na moms ang nakakaranas nito.
Sapagkat pati ang mga superdad, ay nalalapit sa sitwasyon nila. 8%-10% ang naitalang nakakaranas ng postpartum depression.
Benepisyo ng hands-on na Tatay | Image from Freepik
Iba ang saya ng pagkakaroon ng anak ngunit hindi natin maitatanggi na mahirap magpalaki ng isang anak. Pressure at pagod para sa mga magulang ang mararanasan nila.
Benepisyo ng hands-on na Tatay: Pag-aaral na ginawa
Ayon sa maraming pag-aaral, ang mga tatay na malayo ang loob sa kanilang anak ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng depresyon kumpara sa ibang tatay na malapit sa anak nila.
Patunay ang maraming pag-aaral na ang pagiging malapit ng magulang sa anak habang ito’y sanggol ay nakakapagpababa ng tiyansa ng pagkamatay nila.
Bukod dito, tataas din ang kanilang IQ sa edad pa lamang na tatlong taon at mayroong secured na komunikasyon sa tatay.
Sa madaling salita, ang pagkakaroon ng malapit na ugnayan ng magulang sa kanilang anak ay nakakapagpababa ng behavioral problem kapag sila ay lumaki.
Hindi lang kailangan ng mga baby ang kanilang magulang, kung ‘di kailangan ng bawat panig ang isa’t isa.
Benepisyo ng hands-on na Tatay | Image from Unsplash
Sa pag-aaral ng nailathala sa Frontiers in Psychology, dito makikita na ang mga tatay na malapit sa anak ay mababa ang tiyansa na magkaroon ng depresyon.
Ayon kay Dr. Olajide N. Bamishigbin Jr, author ng nasabing pag-aaral, ngayon ay Assistant Professor of Psychology ng California State University,
“In our paper, we suggest a few reasons that greater father involvement in parenting would lead to less depression in fathers.
For example, fathers who are more involved during infancy may feel more competent as parents and be more satisfied in their role as parents over time, and this could contribute to lower depressive symptoms.”
Kabilang sa pag-aaral na ito ang 881 na tatay na mayroong bagong panganak na sanggol. Iba-iba ang kanilang estado sa buhay at tinignan ang tatlong factor sa kanila para sa pag-aaral.
Una, kung gaano katagal ang pagsasama ng tatay at anak, sunod ang sense of self-efficacy bilang magulang at ang materyal na suporta sa bata.
Tungkulin ng isang ama: Ano ang benepisyo nito sa kaniyang anak? | Image from Unsplash
“In our study, greater early involvement was related to less depression later on. This is very important because it suggests that if fathers are involved with their infants early and often, their mental health, and the health of the entire family unit, may fare better.”
Kaya naman ayon sa kanila, mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang relasyon ng magulang sa kanilang anak dahil may parehong benepisyo ito sa kanila. Tataas ang kanilang confidence bilang magulang at ganun na rin sa kanilang anak.
Signs ng paternal deprssion
Kaiba ng postpartum depression ang paternal depression o pwede ring tawaging Daddy blues. Kung saan nararanasan ng mga first time Dad, ayon ito kay Dr. Courtenay. Pahayag niya,
“With normal stress or the Daddy Blues, a guy’s going to feel better when he gets a little extra sleep, goes to the gym, or has lunch with a friend.
But with depression, these things won’t make him feel better. The symptoms are more severe and last longer.
If the ‘blues’ last more than two or three weeks, it’s probably depression—and he should get help from a mental health professional who specializes in working with men. Untreated depression only worsens.”
Narito umano ang mga karaniwang senyales ng paternal depression:
- Labis na kalungkutan
- Pagiging iritable
- Madalas na nagagalit sa mga simpleng bagay
- Pakiramdam na tila wala siyang kwentang ama
- Walang gana o nawalan ng gana sa sex o iba pang mga bagay na nagpapasaya sa kanila noon.
- Sumusubok ng mga bagay na risky katulad ng labis na pag-inom ng alak, paggamit ng droga, sugal, at pang-aapid.
- Nakakaranas din ng shortness of breath
- Maaari ring nakakaranas ng heart palpitations
Nangyayari ito kadalasan sa mga first-time Dad sapagkat hindi naman talaga madali ang pagiging magulang. At minsan hindi alam ng isang Tatay kung ano ba ang dapat niyang gawin para maging mabuting magulang sa kaniyang anak.
Ganoon din kung paano maging mabuting asawa sa kaniyang asawa. Kapag kasi nakaranas ng ganito ang isang Tatay ay maaaring hindi niya maalagaan ang kaniyang anak o kaya naman maging malayo ang loob nito sa kaniya.
May masamang epekto rin kasi sa bata kapag malayo ang loob niya sa kaniyang Tatay habang lumalaki.
Pero gaano ba tumatagal ang male pastpartum depression?
Ayon kay Dr. Paulson, ang mga sintomas nito ay maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan lalo na kung hindi ito naagapan o nagamot. Maaari rin magkaroon ng masamang resulta kapag ito’y pinapabayaan lang.
Pahayag niya,
Tips para ma-encourage si Tatay na maging hands-on kay baby
Para ma-encourage pa si Tatay na maging hands-on na Tatay kay baby narito ang mga tips para sa inyo moms!
Kagaya ng sinasabi natin kanina, mahirap talaga ang pagiging magulang pero huwag tayong mag-focus sa hirap na pagdadaanan natin sa journey na ito. Marami talaga kayong pagdadaanan sa journey na ito.
Hindi lang para kay Nanay, kundi pati na rin Tatay. Kaya narito ang mga way para matulungan din si Tatay para mas maging involve sa pagpapalaki at pag-aalaga kay baby.
1. I-encourage si Tatay na uma-attend sa mga parenting course kasama ka.
Makakatulong ito lalo na sa inyong mga first time parents, para mapalaki ng maayos ang inyong baby. Hindi naman ibig sabihin nito ay wala kayong tiwala sa inyong kakayahan bilang mga magulang para mapalaki ang inyong anak.
Pero makakatulong din ito para makakalap kayo ng maraming kaalaman para mapalaki ng maayos ang inyong baby.
2. Purihin din si Tatay
Kapag feeling mo ay may mga bagay na ginagawa si Tatay na maganda, mainam din na bigyan siya ng credit. Lalo na sa pag-aalaga sa inyong anak.
Halimbawa kapag nilalaro niya si Baby, sabihan siya na natutuwa ka sa kaniyang ginagawa at nakikita mo na sobrang mahal niya ang inyong anak.
3. Humingi ng tulong kay Tatay
Tayong mga nanay ay hindi lang basta nanay kundi isa ring ilaw ng tahanan. Kahit may anak na tayo ay sinisiguro natin na maayos ang ating tahanan at iba pa nating tungkulin sa bahay.
Huwag kang humingi ng tulong sa iyong asawa lalo na kung kailangan mo ng tulong sa pag-aalaga kay baby. Saka tandaan na teamwork naman ang pag-aalaga sa inyong baby.
Minsan kasi tayong mga nanay ay gusto natin na all in tayo sa pag-aalaga sa ating mga baby sapagkat tayo ang nakakaalam kung anong gusto ni baby.
4. I-involve si Tatay sa pag-aaalaga sa inyong anak
Sabihan ang iyong asawa sa mga trick ng pag-aalaga sa inyong baby lalo na kapag may bago kang natuklasan na makakapagpatawa sa kaniya.
Kadalasan kasi wala ang iyong asawa sa bahay dahil sa pagtatrabaho kaya naman ipaalam din sa kaniya ang mga milestones ni baby habang wala siya.
Kapag andyan siya ay bigyan siya ng pagkakataon na alagaan si baby para naman makapag-bonding sila at mga malapit pa sila sa isa’t isa.
5. Sabihan siya sa pagiging mabuti niyang Tatay sa inyong anak.
Minsan kapag gabi at matutulog na kayo at magkukuwentuhan ay maganda rin na pag-usapan niyong dalawa ang mga wins niyo bilang magulang. Ganoon din kung paano sa tingin mong mabuting Tatay ang iyong asawa sa inyong anak.
6. Isama si Tatay sa mga pagdedesisyon para kay baby
Natural naman sa mag-asawa na magdesisyong dalawa para sa kanilang baby. Pero kahit sa mga simpleng bagay ay i-involve ang iyong asawa.
Halimbawa na lamang sa pagbili ng bagong damit ng iyong anak o kaya naman ano ang pwede niyong ipakain sa inyong anak. Sa ganitong paraan mas magiging hands-on din si Tatay sa kaniyang anak.
At dahil rin dito ay magkakaroon si Tatay ng mga benepisyo ng hands-on na Tatay, ang pagbaba ng tiyansa ng depresyon.
Katangian ng pagiging hands-on na Tatay
Ito umano ang katangian ng isang hands-on na Tatay .
-
Ang isang hands-on na Tatay ginagampanan ang kaniyang pagiging magulang.
Alam niya ang lahat mula sa kaniyang asawa lalo na ang pangangailangan nito. Gayundin para sa kaniyang anak. Hindi lamang ang pagpo-provide ng financial support ang pagiging Tatay, kundi ang pag-aalaga sa kaniyang anak at pagtulong sa mga gawaing bahay sa kaniyang asawa.
Alam niya rin ang pangangailangan ng kaniyang pamilya labas pa sa financial kundi ang quality time.
-
Matapang siyang hinaharap ang mga problema
Wala talagang guide book sa kung paano maging magulang o maging Tatay. Kaya naman kahit anong way pa ang inyong gawin na pagpapalaki sa inyong anak ay ang isang hands-on na Tatay ay marunong makinig sa kaniyang anak.
Marunong din siyang makaramdam sa pangangailangan ni baby lalo na kung newborn ito. Dumaan man siya sa problema ay hindi siya basta-basta susuko, para masigurong okay si baby at ang buong pamilya.
-
First priority niya ang kaniyang pamilya
Kahit gaano pa siya ka-busy o kapagod ay hindi niya makakalimutan na makipag-bonding sa kaniyang anak. Ganoon din, susubukan niyang makarating sa mga check-up ni baby or kahit photoshoot ni baby ay naroroon siy.
Mahalaga rin sa kaniya ang health at kaligtasan ni baby at ng kaniyang pamilya sa lahat ng oras. Gumagawa siya ng way para masigurong okay ang kaniyang pamilya at hinahanda niya ang future ng pamilya.
-
May respeto sa quality time ng kaniyang pamilya
Isa rin sa katangian ng isang hands-on na Tatay ay hindi nakakalimutan ang kanilang mission na tulungan ang kaniyang asawa at anak. Ginagawa nila ito sa pag-e-ensure na hindi nila ito tini-take for granted.
Ibig sabihin, mula sa pagtulong sa pagpapatulog kay baby pati sa pagpapadede kay baby ay naroroon siya. Hindi ka niya iiwanan at sasamahan ka niya.
-
Ang mga hands-ont na Tatay ay isa rin Great leaders.
Bukod sa pag-lead sa kanilang pamilya ay mga Tatay na hands-on ay mayroon clear vision para sa future ng kanilang baby. Ibig sabihin ay sinisiguro niya na kasali siya sa lahat ng milestones ni baby.
Hindi lamang niya nabibigay ang mga material na bagay kundi ang pagmamahal at presence niya sa kaniyang pamilya. Nirerespesto niya ang nanay ng kaniyang mga anak at ina-acknowledge niya ang mga sacrifices at paghihirap ng kaniyang partner.
Handa rin silang makinig sa payo ng ibang Tatay para ma-improve pa ang kanilang pagiging Tatay. At sinisiguro niya na connected ang buong pamilya kahit anong mangyari.
Source:
Psychology Today, News18, Healthy Children
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!