Sa dumi kadalasan nalalaman ang mga pagbabago sa katawan ng tao. Lalo na sa buntis, mayroon daw talagang pagbabagong mangyayari sa dumi ng mga nanay ayon sa experts.
Kung minsan makikita na nag-iiba ang texture nito o kaya kulay. Maaaring kulay dilaw, brown o kaya naman itim na kadalasang kinatatakutan ng karamihan. Bakit nga ba maitim ang dumi ng buntis, delikado nga ba ito?
Talaan ng Nilalaman
Kulay ng dumi ng buntis
Maraming pagbabago ang mangyayari sa katawan ng buntis. Kabilang na diyan ang pagbabagong emosyunal, mental, at siyempre ang physical. Kaya nga mahalagang malay ang isang buntis sa mga pagbabago na ito para alam niya ang kanyang gagawin. Isa sa pagbabagong it ay ang kulay ng dumi.
Para sa normal na kulay ng dumi, dapat ay mayroon kang nakikitang light hanggang dark brown sa iyong dumi. Kung minsan maaari itong maging kulay green.
Ayon sa experts, hindi raw ito dapat ikabahala kaagad dahil maaaring dahil ito sa kinakain mo. Halimbawa na lang ay dumarami ang pagkain ng leafy vegetables kaya naman naaapektuhan ang dumi.
Bukod pa rito, maaari ring dahil ito sa prenatal vitamins o kaya naman supplement na tinetake mo during pregnancy. Sa maraming pagkakataon, bumabalik naman sa normal na kulay ang dumi matapos inumin o kainin ang mga bagay na nagdudulot ng pagka-green sa dumi.
Anong ibig sabihin pag maitim ang dumi ng buntis
Pinakamadalas na kinatatakutan ng mommies ay kung bakit itim ang kulay sa dumi nila dahil pinaniniwalaan nilang delikado ito. Ayon sa experts, hindi naman daw kailangang ikabahala ito.
Sa maraming pagkakataon daw kasi ay hindi naman ito nangangahulugang masama sa pagbubuntis. Sa kabilang banda, kailangang bantayan ang ibang sintomas na maaaring hindi na pala normal ang pagkakaroon ng itim na dumi. Narito ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng hindi matiis na pananakit sa parte ng tiyan o abdominal pain.
- Mayroong hindi normal na temperatura na umaabot na sa pagkakaroon ng lagnat.
- Nakararanas ng pagkahilo o pagsusuka.
- Nananakit din ang kidney maging ang ulo.
- Labis na pagbaba sa normal o dating timbang.
- Hindi na nakakakain nang maayos at nawawalan ng gana.
Sanhi kung bakit kulay itim ang dumi ng buntis
Kaliwa’t kanan ang maaaring maging dahilan kung bakit itim ang dumi ng buntis. Maaaring hindi naman dapat ikabahala ngunit mayroon ding nagsasabing pwede itong senyales ng mas malalang sakit. Para magkaroon ng ideya sa mga dahilan, narito ang ilan sa kanila:
1. Pag-inom ng gamot
Gaya ng nasabi kanina, mayroong mga gamot o vitamins na maaaring nagiging dahilan kung bakit itim na ang iyong dumi. Kabilang dito ang iba’t ibang iron supplements na ibibigay sa iyo ng doktor mo.
Marami kasi sa kababaihan ang anemic dahil sa buwan-buwan na regla o menstruation. Lalo itong lumalala sa pagbubuntis dahil sa papalaking sanggol sa sinapupunan. Hindi naman ito nakakasama dahil matutulungan ka nito sa supply ng iyong dugo sa katawan.
Kaya nga mahalagang kumonsulta muna sa iyong doktor kung ano ba ang tamang gamot na inumin. Sa ganitong paraan din kasi maipapaliwanag niya ang mga bagay na kailangan mong malaman para hindi ka pangunahan ng takot.
Tandaan na maaaring magdulot ng hindi magandang epekto ang over-the-counter medication kapag ininom nang hindi payo ng doktor.
2. Pagkain ng dark colored foods
Nakadudulot ng pag-itim sa dumi ng buntis ang dark colored foods. Kadalasan dito ang mga artificial food na mayroong food coloring na maaaring mmagdulot din ng hindi magandang epekto sa kalusugan ng isang pregnant mom. Siguraduhing nakausap ang doktor patungkol sa iyong diet at ano-ano ang mga dapat kainin.
3. Pagkakaroon ng internal bleeding
Sa mas malalang dahilan, maaaring senyales na ito ng internal bleeding. Karaniwan dahil ito sa gastrointsetinal bleeding o intestinal tract bleeding. Kung nararanasan mo na ang isa o higit pa sa mga sintomas na nabanggit kanina, mas mabuting lumapit na sa iyong doktor.
4. Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
Bakit may dugo ang dumi ng buntis
Maaaring dahil ito sa iyong hemorrhoids na common naman nangyayari habang nagbubuntis at matapos manganak. Ito ay dahil sa pressure na naibibigay sa blood vessels sa lower belly mo.
4 na dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng itim na dumi ng buntis
Kung nababahala pa rin sa pagkakaroon ng itim na dumi, inilista namina ng ilan sa maaaring gawin upang maiwasan ito. Narito ang mga sumusunod:
1. Kumain ng maraming pagkaing mayaman sa fiber
Dahil nga kadalasang issue ng pagkakaroon ng itim na dumi ay sa digestive system, kailangan itong pagtuunan ng pansin. Kailangan na kumakain ng maraming pagkaing high in fiber ang isang buntis. Dito kasi nagkakaroon ng time ang digestive system na magprocess at magbreak down ng nutrients sa katawan.
Maaaring kumonsulta sa iyong dietrician at humingi ng meal plan na maaaring naglalaman ng vitamins, minerals, at iba pang nutrients na kailangan ng buntis. Maaari ring makatulong ito na marelieve ang constipation at maiwasan pa ang pagkakaroon ng hemorrhoids.
2. Uminom ng maraming tubig
Nagiging numero unong dahilan din sa problema ng digestion ang dehydration. Malaki kasi ang ginagampanang role ng tubig sa digestion para mas madali at maayos ang pagtunaw sa mga pagkain.
Mahalagang umiinom ng tamang amount at bilang ng tubig. Maaari ring kumain ng water-rich foods katulad ng pakwan, grapes, at pipino.
3. Huwag uminom ng gamot na hindi payo ng doktor
Iwasan ang self-medication palagi lalo na kung buntis kung saan crucial na binabantayan dapat ang mga kailangang gamot na iniinom. Palaging tanungin muna ang iyong doktor kung ligtas bang inumin ang isang partikular na gamot para sa iyong pagbubuntis.
Kung sakali namang nakainom ng gamot nang hindi payo ng iyong doktor, tanungin o bigyang alam kaagad siya sa nangyarong ito para maagapan kung may dapat mang gawin kaagad.
4. Regular na mag-ehersisyo
Hindi lamang para maiwasan ang itim na dumi ang pag-eeherisyo. Malaking tulong din ito sa paghahanda mo sa iyong nalalapit na panganganak. Mag-research sa mga dapat na exercises na pwedeng gawin ng buntis. Matutulungan ka nito sa iyong digestion maging sa health ng mga muscle sa iyong katawan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.