Bakit matagal dumumi ang lalaki: Pag-aaral tungkol dito

Ano nga ba ang dahilan kung bakit matagal dumumi ang mga lalaki?

Bakit matagal dumumi ang mga lalaki? Isa itong karaniwang katangungan na hindi nabibigyan ng kasagutan. Nagkalat na rin ito sa Twitter, sa mga memes pati na rin sa iba pang parte ng online.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit matagal dumumi ang lalaki?
  • Ilang pag-aaral tungkol sa pagdumi ng babae at lalaki
  • Paraan para maiwasan ito

Bago natin malaman ang mga paliwanag nito, mahalagang tandaan na ang bawat pagdumi ay may kaugnayan kung gaano kabilis o katagal ang iyong paglagi sa banyo.

Bakit matagal dumumi ang mga lalaki? | Image from Unsplash

Sa usaping ito, may pagkakaiba sa bowel movements ang mga babae at lalaki. Ngunit ano nga ba ang eksplanasyon ng bawat isa?

Bakit matagal dumumi ang lalaki?

Sinasabing mas matagal gumamit ng banyo ang mga lalaki kapag sila ay dumudumi.

Base sa isang online survey, tumatagal ng 14 minuto ang mga lalaki sa banyo kapag dumudumi kumpara sa mga babae na walong minuto lang. Ngunit ang survey na ito’y hindi nakapagbibigay ng sapat na impormasyon patungkol sa usapin.

May physiological reason ba kung bakit matagal dumumi ang mga lalaki?

Alam natin na mas matagal bumaba ang pagkaing kinakain ng mga babae sa kaniyang bituka kumpara sa mga lalaki. Mas madaling magkaroon ng constipation ang kababaihan ayon sa pag-aaral. Kaya naman asahan mo na matagal ring maglabas ng dumi ang mga babae.

Pero nag-iiba ang usapan base sa fibre intake ng babae at lalaki.

Ito’y dahil malaki ang impluwensya ng mucus lining sa tiyan. Ang mucus na ito ang dahilan kung bakit nagiging madulas ang dumi at mabilis na lumabas ng katawan. Wala namang nagpapatunay na magkaiba ang mucus lining ng babae ata lalaki.

May pagkakapareho ang defecation time ng ibang mammals katulad ng elepante at daga na umaabot ng 12 segundo. Para naman sa atin, ito ay may katagalan pero masasabing mas mabilis na rin.

Ayon sa isang pag-aaral, umaabot ng 2 minuto sa mga matatanda ang paglabas kapag naka-upo. Habang 51 segundo naman kapag naka-squat. Uulitin natin, walang pagkakaiba ang defecation time ng mga babae sa lalaki kapag naka-upo o naka-squat.

Wala masyadong pagkakaiba, kaya naman ano nga ba ang rason sa likod nito? Tignan natin kung ilang minuto inaabot ang pagdumi ng bawat isa.

BASAHIN:

STUDY: 85% ng mga buntis ay nagkakaroon ng almoranas

Mga home remedies at surgical procedures para malunasan ang almoranas

Dugo sa dumi, ano ba ang sanhi at gamot para rito?

Bakit matagal sa banyo ang iba?

“Toilet sitting time” ito ang tawag sa defecation kung saan nangyayari kapag tayo ay nakaupo sa inidoro at naglalabas ng dumi. Para sa iba, kasama na sa defecation time na ito ang iba pang aktibidad na kanilang ginagawa.

Ano ba ang ginagawa ng iba? Karamihan ay nagbabasa. Maaaring mas mahilig magbasa sa banyo ng mga lalaki kaysa sa kababaihan.

Sa katunayan, ayon sa pag-aaral na kinakabilangan ng 500 participants sa Israel, nakitang halos 64% ng kalalakihan ang hilig magbasa sa banyo kumpara sa 41% na babae. Kung matagal ang isang tao sa banyo, ibig sabihin ay matagal din ang kanilang pagbabasa.

Ngunit sa paglipas ng panahon, maraming matatanda na rin ang naaaliw sa pagbabasa o paglalaro ng mobile games habang dumudumi.

May iba ring tao na mas pinipiling maglagi sa banyo upang maalis kahit papaano ang nararanasang stress.

Bakit matagal dumumi ang mga lalaki? | Image from Ramblin Mama

Isang poll ang nagsasabing 56% ay nakaka-relax ang pagtambay sa banyo. Habang ang 39% naman ay nagsasabing ito ay pagkakataon para mapag-isa.

Isa pang online survey ang nagsasabing ang pagpunta sa banyo ay nakakapagbigay sa kanila ng katahimikan o peace. Bagaman, ito ay hindi siyentipikong pag-aaral, maaaring magamit pa rin sila bilang insight sa nasabing usapin.

Pasok din dito ang ilang medikal na rason kung bakit matagal lumabas ang dumi.

Isang dahilan kung bakit masakit at matagal ang paglabas ng dumi ay dahil sa anal fissure ng isang tao. Isa itong crack o punit sa lining ng anus. Karaniwang nangyayari ito sa mga babae at lalaki.

Isang rason kung bakit hindi mailabas ng tama ang dumi ay dahil sa tinatawag na chronic constipation. Kadalasan itong nararanasan ng mga nasa middle-age.

Masama ba ito?

Sa pag-aaral mula Turkey, kung ang isang tao ay  halos limang minuto ang inaabot sa banyo, maaaring ito’y may kaugnayan sa haemorrhoids at anal fissures. Ayon pa sa isang pag-aaral mula Italy, mas mataas ang tiyansa ng pagiging malala ng almuranas kung ikaw ay matagal din sa banyo.

Bakit matagal dumumi ang mga lalaki? | Image from Unsplash

Isang teorya tungkol rito ay ang pag-upo sa banyo ng matagal ay dahilan ng pagkakaroon ng pressure sa abdomen. Dahil rito, hindi nakakadaloy ng maayos ang dugo sa veins at rectum na umuugnay sa bowel motion ng isang tao.

Bakit matagal dumumi ang lalaki: Mga dapat gawin

Bukod sa pataasin ang fibre intake at pag-inom ng sapat na tubig, narito ang iba pang paraan para mabawasan ang matagal na minuto sa banyo.

  • Dapat ay anim na minuto lang ang pag-upo sa toilet bowl.
  • Pag-kain ng sapat na fibre katulad ng prutas, whole grain at gulay.
  • Iwasan ang pagpigil sa defecation time.

 

Written by: Vincent Ho, Senior Lecturer and clinical academic gastroenterologist, Western Sydney University

This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

Sinulat ni

The Conversation