Naranasan mo na bang makakita ng dugo sa iyong dumi? Kung oo, natural lamang na makaramdam ng takot o pag-aalala. Ano nga ba ang ibig sabihin ng ganitong sintomas? Dapat ba itong ikabahala? Ang pagdumi na may kasamang dugo ay maaaring dulot ng iba’t ibang dahilan. Bagama’t ito ay minsang senyales ng mas seryosong kondisyon, hindi naman laging ganoon ang kaso. Upang mas maunawaan kung bakit nangyayari ito, narito ang ilang posibleng sanhi at kung kailan dapat magpakonsulta.
Mga posibleng sanhi ng dugo sa dumi
Image from freepik
Ano ang sakit kapag tumatae ng dugo?
Iba’t iba ang sanhi ng dugo sa tae. Kaya mahalaga ang magpatingin sa doktor kung nababahala sa dugo sa iyong dumi. Narito ang ilan sa mga posibleng kasagutan sa “ano ang sakit kapag tumatae ng dugo”
1. Hemorrhoids o Almuranas posibleng sanhi ng pagdumi na may kasamang dugo
Ang almuranas ay isang kondisyon kung saan mayroong pagdurugo sa pagdumi. Ito ay ang pamamaga sa iyong rectum o anus. Mayroon itong may kasamang kirot. Kapag ito’y napabayaan maaari mauwi ito sa seryosong impeksyon.
2. Sugat sa mismong butas ng puwet (Anal Fissures)
Ang isa sa mga sanhi ng pagdumi ng may kasamang dugo ay ang pagkakaroon ng sugat o punit sa inyong anus. Nangyayari ito kapag mayroon kang dumi na mahirap ilabas.
3. Inflammatory bowel disease posibleng sanhi ng pagdumi na may kasamang dugo
Ang inflammatory bowel disease (IBD) ay ang pamamaga ng ating small o large intesting. Mayroong dalawang uri ang IBD – crohn’s disease at colitis.
Ang Crohn’s disease ay isang kondisyon kung saan mayroong mga bahagi ng digestive tract na namamaga. Sa colitis naman, ang pamamaga ay nasa colon.
Ang mga taong may IBD ay maaaring makaranas ng pagtatae, pananakit ng tiyan, pagbabara sa kanilang intestines at dugo sa kanilang dumi.
-
Ito’y isang kondisyon kung saan nakakaranas na ng hindi regular at hirap sa pagdumi. Ilan sa sintomas nito ay ang bihira at matigas na dumi.
Sapagkat matigas ang dumi, maaaring mahirapan ang isang tao sa pag-ire at kalauna’y magreresulta sa pagkakaroon ng sugat sa kanilang puwet. Dahil roon, maaaring mayroong kasamang dugo ang iyong dumi.
-
Ang diarrhea ang isang uri ng impeksyon sa tiyan na nagdudulot ng madalas at hindi makontrol na pagdumi. Kaya naman dahil rito, nagkakasugat ng butas ng anus o puwet at nagiging dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa dumi.
-
Kapag sumobra ang digestive fluid sa iyong intestines, maaring masugatan ang lining ng iyong digestive tract at magdulot ng ulcer. Kapag nagdugo ito, maaari itong magdulot ng maiitim na dumi na mayroong kasamang dugo.
Ang peptic ulcer ay maaring dahil sa isang bacterial infection na Helicobacter pylori (H. pylori) o madalas na paggamit ng mga anti-inflammatory drugs gaya ng aspirin, ibuprofen, at naproxen.
-
Ito ang maaaring maging pinakamalalang sanhi ng dugo sa inyong bituka. Makakabuti na magpatingin agad sa inyong doktor kung hindi nawawala ang dugo sa inyong dumi. Lalo na may iba pang kayong nararamdaman kasabay ng dugo sa inyo dumi.
Image from freepik
Kulay ng dugo
Maari ka ring magkaroon ng ideya kung ano ang sanhi ng pagdurugo sa pamamagitan ng kulay ng dugo na makikita mo sa iyong dumi.
- Kapag ang kulay ng dugo ay bright o matingkad na red, ibig sabihin ang pagdurugo ay mula sa lower gastrointestinal tract tulad ng colon o rectum.
- Kung dark red o kulay wine naman ang nakikita mong dugo, maaring senyales ito na may pagdurugo sa iyong small intestine, o nagsisimula pa lang na pagdurugo sa colon.
- Kung itim naman ang iyong dumi at may dugo, maaring nanggagaling ito sa loob ng iyong tiyan o sa itaas na bahagi ng iyong small intestine.
Kailan dapat pumunta sa doktor kung nakararanas ng pagdumi na may kasamang dugo?
Kung matindi ang pagdurugo sa iyong dumi, maaring kailangan na ng agarang medical na atensyon. Tawagan agad ang iyong doktor kapag naranasan ang mga sumusunod na sintomas:
- panlalamig ng balat
- pagkahilo o pagkalito
- tuluy-tuloy ang pagdumi na may kasamang dugo
- pagkawala ng malay o mahimatay
- nahihirapang huminga
- matinding pananakit ng puwet
- pagsusuka
Para makasiguro, mas mabuti rin na kumonsulta sa iyong doktor sa unang beses na nakapansin ka ng dugo sa iyong dumi, para matukoy ang eksaktong sanhi nito at para maiwasan ang paglala.
Image from freepik
Mabisang gamot sa pagdumi ng may kasamang dugo
Ang paggamot sa pagdumi na may kasamang dugo ay nakadepende sa sanhi nito. Narito ang mga posibleng paraan batay sa iba’t ibang kondisyon:
Hemorrhoids (Almuranas):
- Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang paninigas ng dumi.
- Gumamit ng ointment o cream para sa almuranas na mabibili sa botika.
Anal Fissures:
- Magtanong sa iyong doktor ng anti-bacterial ointment na maaaring ipahid sa sugat.
Constipation:
- Kumonsulta kung puwedeng uminom ng laxatives upang lumambot ang dumi.
- Kumain ng high-fiber na pagkain tulad ng gulay, prutas, at prunes o uminom ng prune juice.
Diarrhea:
- Gamitin ang oral rehydration salts para maiwasan ang dehydration.
- Maaaring magreseta ang doktor ng loperamide upang mapabagal ang paggalaw ng bituka.
- Tandaan: Kung may kasamang dugo ang diarrhea, magpakonsulta agad sa doktor.
Para sa IBD, Colitis, Ulcer, o Colon Cancer:
- Magpatingin agad sa doktor para sa tamang pagsusuri at paggamot.
- Maaaring magreseta ng mga gamot upang maibsan ang pagdurugo.
Mahalaga ang maagang aksyon sa pagdumi na may kasamang dugo upang maiwasan ang mas malalang kondisyon. Unahin ang paggamot sa ugat ng pagdurugo upang hindi na ito maulit. Panatilihin din ang regular na konsultasyon sa doktor para masigurado ang kalusugan at maagapan ang anumang problema. Bukod dito, ugaliing mamuhay nang malusog sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain at pag-iwas sa stress. Tandaan, “Prevention is better than cure.”
Tips para maiwasan ang pagdumi ng may kasamang dugo
Kung hindi mo pa nararansan ang dumumi nang may kasamang dugo, maswerte ka. Mas mabuting alalahanin mo rin ang mga paraan upang maiwasan ng buong pamilya ang kundisyon na ito.
Narito ang ilan sa mga pamamaraan upang maiwasan ang pagdumi ng may kasamang dugo:
Mahalaga ang tamang ehersiyo dahil kapag ika’y overweight, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng sakit sa bituka katulad na lamang ng colon cancer.
Makakatulong rin ang physical activity para makaiwas sa constipation.
-
Pagkain ng masusustansiyang pagkain
Ang pagkain ng mga gulay at prutas ay makakatulong sa inyo, lalo na ang mga gulay at prutas na mataas ang fiber. Ang pagkain umano ng mga pagkain mataas ang fiber ay makakatulong sa paglaban sa mga sakit gaya ng diarrhea, constipation at sakit sa bituka. Iwasan ang pagkain ng mga karne sapagkat napapatigas nito ang inyong dumi.
Image from freepik
Tandaan na maging maingat sa inyong mga kinakain sa inyong pamilya upang hindi magkaroon ng impeksyon sa bituka upang maiwasan ang pagdumi ng may kasamang dugo. Gayundin, kumain sa tamang oras para maiwasan ang pagkakaroon ng ulcer.
Siguruhing kumakain ang buong pamilya ng masusustansiyang pagkain at uminom ng maraming tubig para makaiwas sa mga sakit na nagdudulot ng dugo sa pagdumi.
Ugaliin ring magpakonsulta sa inyong doktor, lalo na kapag may nakakaranas ng ganitong sakit sa inyong pamilya.
Myths at misconceptions ukol sa pagdumi na may kasamang dugo
Maraming mga mito at maling akala ang umiikot ukol sa pagdumi na may kasamang dugo, at ito ay maaaring magdulot ng labis na takot at pagkabahala. Ang unang laging tanong dahil sa labis na pag-aalala ay “ano ang sakit kapag tumatae ng dugo?”
Narito ang ilang karaniwang misconceptions:
- “Laging seryoso ang dahilan ng pagdurugo.”
Hindi laging nangangahulugang malubha ang kondisyon kapag may dugo sa dumi. Maaaring dulot lang ito ng almuranas, minor na sugat sa anus, o paninigas ng dumi. Hindi lahat ng pagdumi na may kasamang dugo ay nangangahulugang may malalang sakit tulad ng kanser.
- “Walang dapat ipag-alala kung konti lang ang dugo.”
Minsan, kahit maliit na halaga ng dugo ay nangangailangan pa rin ng pagsusuri. Maaaring magsilbing senyales ito ng problema na hindi pa nakikita agad, kaya’t mahalaga pa ring kumonsulta sa doktor.
- “Ang dugo sa dumi ay palaging makikita.”
Ang ilang kondisyon, tulad ng mga ulcer o internal bleeding, ay maaaring magdulot ng dugo na hindi agad nakikita ng mata, ngunit makikita sa mga pagsusuri ng dumi o dugo.
- “Ang pagkain ng spicy o maasim na pagkain ang sanhi.”
Ang pagkain ng maanghang o maasim ay hindi direktang sanhi ng pagdumi na may kasamang dugo. Ang sanhi ay mas madalas ang mga kondisyon tulad ng almuranas, anal fissures, o gastrointestinal disorders.
Pagtibayin ang iyong pang-unawa sa mga posibleng sanhi ng pagdumi na may kasamang dugo upang hindi magdulot ng labis na takot at mabilis na maagapan ang anumang problema.
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!