X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mas mahal ba talaga ng mga daddy ang anak nilang babae?

5 min read

Mommy, pansin mo ba na mas responsive si daddy sa iyong anak na babae kesa sa iyong baby boy? O kung ikaw ay isang daddy, napapansin mo ba na mas madalas mong bigyan ng pansin ang little princess mo kesa sa little prince? Mapapatunayan nga ba dito ang katanungang “Bakit may paboritong anak?”

Ayon sa pag-aaral, ang gender ng isang bata ay naiimpluwensyahan ang behavior language at brain function ng kanilang magulang.

Sa madaling salita, ang utak ng mga daddy ay mas nagiging attentive at responsive sa mga anak nilang babae kumpara sa mga anak na lalaki.

Mas responsive si daddy sa iyong anak na babae? Here’s the reason!

Ang pag-aaral na ito ay nakalimbag sa American Psychological Association’s journal Behavioural Neuroscience.

bakit-may-paboritong-anak

Bakit may paboritong anak? | Image from Freepik

Bilang parte ng study, naglagay ang mga tatay ng recording device ng isang linggo sa kanilang belts. Sa paraang ito, maririnig ng mga researcher ang kanilang conversation sa mga anak nila. 52 na tatay ang kasama rito habang 30 naman ang may anak na babae at 22 ang may anak na lalaki.

Ayon sa co-author ng study na si Jennifer Mascaro ng Emory University, “Ours is the first study to examine whether paternal neural responses differ for dads of sons compared with dads of daughters.” Ipinaliwanag niya rito na pinag-aralan rin nila kung paano ang response mga tatay sa kanilang anak na babae at lalaki. Nakadepende rin ang pag-aaral na ito sa self-reporting at short laboratory observations. Ngunit sa unang pagkakataon, tinignan rin nila ang mga long term data sa MRI scans.

Ito ang kanilang naobserbahan

child gender influences paternal behavior language and brain function

Bakit may paboritong anak? | Image: Screencapped from American Psychological Association

Kasama sa observation nila ang language at neural responses ng mga tatay. Kapag kinakausap nila ang mga anak na babae, ang mga tatay ay gumagamit ng language na konektado sad emotions at katawan. May pagka analytical din ang kanilang katawan.

Ayon kay Mascaro,

“These are pretty subtle differences and I think these findings are interesting because these aren’t differences you could glean from asking fathers about their interactions.”

Bilang parte ng experiment, habang isinasagawa ang MRI scan sa mga tatay, nagpakita ang mga researcher ng picture ng mga unknown adult, unknown child at anak nila. Naobserbahan nila na ang mga tatay ay mas nag respond sa anak na babae habang nakangiti at sa anak na lalaking may neutral na expression.

“This neural response was correlated with the amount of rough and tumble play they engaged in. It appears to be a complex picture in which fathers differentially interact with sons and daughters.I think it’s a very interesting possibility that attention to ambiguous facial expressions may be important for this type of play.”

Dagdag pa ni Mascaro na,

“If we treated our sons more like daughters in some respects, and our daughters more like sons in other respects, both sons and daughters would likely benefit by less gendered interactions.”

bakit-may-paboritong-anak

Bakit may paboritong anak? | Image from Unsplash

Going beyond gender differences

Ipinakita ng pag-aaral kung paano dapat i-balance ng mga magulang ang kanilang behavior sa interaction nila sa kanilang anak na babae at lalaki.

Narito ang ilang tips para sa magulang na gustong mag focus sa gende neutral upbringing.

‘Wag dumepende sa gender

Alalahanin na ang gender neutrality ay hindi binubura ang kasarian ng iyong anak. Ibig sabihin nito ay kailangan mong ituro sa kanila na walang gender sa pagpili. Kaya kapag sa pagpili ng damit, malaya nilang mapipili ang gusto nila nang walang nakadependeng gender stereotypes.

‘Wag mag focus sa gender

Mag umpisa na ‘wag intindihin ang kasarian ng iyong anak. Halimbawa, imbes na sabihing ‘good girl’ o ‘good boy’, pwede mong sabihin na ‘good child’.

Ipaalam sa kanila ang sexism at stereotypes

Kausapin ang iyong anak tungkol sa sexism na nangyayari sa paligid. Tulungan sila na i-identify ang gender stereotypes. Mahalaga para sa iyong anak na maintindihan nila ang kaibahan ng gender mula sa cultural stereotypes.

bakit-may-paboritong-anak

Bakit may paboritong anak? | Image from Unsplash

‘Wag bigyan ng gender ang paglalaro at laruan

Siguraduhin na bigyan sila ng iba’t-ibang klase ng laruan. Ang paglalaro at mga laruan ay isang mahalagang skill sa paglaki ng bata. Kaya kapag binigyan mo sila ng laruan na nakabase sa gender, pinipigilan mo silang mag explore pa ng mga bagay. Kaya mahalaga na payagan na mo ang iyong anak na maglaro ng iba’t-ibang klase ng laruan.

Pink at blue

Marami ang colors sa rainbow na pwede sa iyong anak. Payagan ang iyong anak na i-explore ang lahat ng kulay na ito. Siguraduhin rin na ‘wag bigyan ng gender ang bawat kulay na ituturo sa na anak mo.

Hayaang makihalubilo sa ibang bata

Hikayatin ang iyong anak na makipaglaro sa mga ibang bata. Makakatulong ito sa paglaki nila para madali silang makapag interact sa mga tao at magkaroon rin ng balanse. Payagan rin silang i-express ang kanilang mga sarili ng malaya.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN:

Masama ba akong ina? 10 signs that you are a toxic mom

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mas mahal ba talaga ng mga daddy ang anak nilang babae?
Share:
  • Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

    Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

  • New dad? 7 steps para maging mas involved sa buhay ni baby

    New dad? 7 steps para maging mas involved sa buhay ni baby

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

    Bakit nagkakaroon ng paboritong anak ang mga magulang?

  • New dad? 7 steps para maging mas involved sa buhay ni baby

    New dad? 7 steps para maging mas involved sa buhay ni baby

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.