10 dahilan kung bakit umiiyak si baby at kung paano siya mapapatahan

Narito rin ang mga palatandaan na ang pag-iyak ng sanggol ay maaaring dahil sa seryosong kondisyon at dapat na siyang dalhin sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang bagong ina, hindi pa natin kabisado ang mga moods at mga kailangan ng ating baby. Sabi nga nila, hindi naman ipinanganak ang bata ng may set of instructions kung paano ito alagaan. Isa sa mga pangunahing alalahanin ng magulang ay kung bakit umiiyak ang baby.

Karaniwan na sinasabi na tatlo lang ang dahilan ng pag-iyak ng sanggol: gutom, puno na ang diaper at inaantok. Ngunit alam niyo ba na may iba pang mga dahilan kung bakit hindi mapatahan ang iyong little one? Basahin kung anu-ano ang mga ito at alamin kung paano siya mapapatahan.

Baby photo created by pch.vector – www.freepik.com 

Mga dahilan kung bakit umiiyak ang baby

Ayon sa mga health experts, maliban sa pagsuso at pagtulog, ang pag-iyak ang isa sa tatlong pangunahing ginagawa ng bagong silang na sanggol.

Dahil hindi pa nakakapagsalita, ito ang paraan nila upang masabi ang kanilang nararamdaman at kailangan. Ito ay kanilang ginagawa ng tatlong oras o higit pa kada araw ng dahil sa iba’t ibang dahilan.

Kaya naman dapat bilang isang magulang ay malaman mo ang mga dahilan na ito kung bakit umiiyak ang baby mo at ang mga maari mong gawin upang siya ay mapatahan.

Kaya naman ito ang mga posibleng dahilan kung bakit umiiyak si baby:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Gutom

Ang mga sanggol lalo na sa unang tatlong buwan ng kanilang buhay ay kailangang sumuso ng kada dalawang oras sa araw-araw. Kaya naman kung lumipas na ang dalawang oras matapos ang huling pagsuso ng isang sanggol at siya ay umiyak, mataas ang posibilidad na ito ay dahil gutom na siya.

Isang pahiwatig na gutom siya ay kung ang tunog ng kaniyang pag-iyak ay biglang tataas o bababa. Ayon sa obserbasyon, ang tunog ng iyak ng gutom na baby ay “neh.”

At kung ang kaniyang dila ay palabas-palabas habang ang kaniyang leeg ay palinga-linga na naghahanap ng masususo niya. Isa pang palatandaan na siya ay gutom na ay sa tuwing sinisipsip niya kamao niya o fist.

Para patahanin ang sanggol, ay pasusuin o padedehin siya. Maaari rin siyang bigyan ng maari niyang masipsip tulad ng pacifier na magbibigay comfort sa kaniya.

2. Labis na pagod o pagkaantok

Isa pang dahilan kung bakit umiiyak ang sanggol ay dahil sa inaantok o pagod na siya. Pero hindi tulad nating matatanda na mabilis na makakatulog sa oras na tayo ay inaantok na, ang mga sanggol ay magiging irritable o mag-iiyak pa. Ito ay dahil ang pagtulog ay isang skill na kailangan pa nilang matutunan sa tulong natin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masasabing umiiyak ang sanggol dahil siya ay pagod o inaantok na sa tuwing nagiging mas irritable siya kahit sa maliliit na bagay. Bago ang pag-iyak ay mapapansin siyang tulala o nakatingin sa kawalan. At tahimik ng hindi tulad ng normal.

Para mapatahan sila ay subukang ihele o kantahan ang sanggol. O kaya naman ay ibalot siya sa baby blanket na kung saan ang ulo at leeg niya lang ang nakalabas (swaddle) kung siya ay newborn pa lamang. (Hindi na ito puwede sa mas malalaking baby dahil maaring kumawala sila sa blanket at ma-suffocate.)

Maari rin siyang ilabas at ipasyal hanggang siya ay makatulog. Isa pang trick na maaring subukan ay ang ilagay siya sa car seat na kung saan ang vibration mula sa sasakyan ay magpapahele sa kaniya.

3. Basa o punong diaper

Kung nag-iiyak si baby habang sinisipa ang kaniya paa, ito ay maaaring dahil sa ang diapers niya ay basa o puno na. Kaya tingnan ito at agad na palitan. Dahil baka ito ang nagdudulot ng pagka-iritable sa kaniya at nagdulot na pala ng iritasyon sa kaniyang balat (diaper rash).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para naman maiwasan ang diaper rash ni baby siguraduhin na titignan din palagi ang kaniyang diaper. Kapag kasi nagkaroon ng diaper rash si baby ay magiging iratable siya. O kaya makakaranas siya ng pangangati o hapdi at magdudulot ito ng kaniyang pag-iyak.

4. Reflux

Ang pag-iyak ng sanggol matapos ang pagsuso o pagdede ay maaring palatandaan na siya ay maaring may heartburn o acid reflux.

Para mapatahan siya ay subukan siyang padigyahin. Gawin ito sa pamamagitan ng pagtapik sa kaniyang likod habang nakadapa sa iyong mga hita.

Pwede rin naman ay ang pagkarga sa kaniya sa iyong kaliwang balikat ng patayo habang tinatapik ang kaniyang likod o minamasahe ito ng iyong mga daliri. Gawin ito mula sa kaniyang balakang pataas.

Tandaan: kailangan marinig na malakas ang pagdighay ni baby. Hindi pa ito tunay na napapadighay kung walang tunog na lalabas mula sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

5. Colic o kabag

Ang colic o kabag ay isang kondisyon na nararanasan ng isa sa kada limang bagong silang na sanggol. Ang pangunahing palatandaan kung may kabag ang sanggol ay kapag malaki at matigas ang kaniyang tiyan. Maaari ring namumula ang kaniyang mukha habang siya ay umiiyak ng pataas at palakas.

Ayon sa American Academy of Pediatrics, maaaring may colic ang sanggol kung siya ay umiiyak ng higit tatlong oras sa isang araw. Higit sa tatlong araw sa isang linggo at higit sa tatlong linggo na.

Ang iba pang sintomas ng colic sa sanggol ay ang pag-iyak sa parehong oras sa araw-araw na madalas tuwing gabi. Malamig na kamay at paa. At mga kamaong matigas na nakasara.

Makalipas ang 3-4 buwan ay kusa namang maalis ang colic ng sanggol. Sa loob ng mga oras na ito ay may maari ka namang gawin upang maibsan ang iritasyon na dulot ng colic sa kaniya.

Tulad ng pag-rorock o paghehele sa kaniya. Bigyan siya ng pacifier. O kaya naman ay magtanong sa iyong doktor ng ibang herbal remedies na makakatulong para maging maayos ang kaniyang pakiramdam.

Makakatulong din na maiwasan niya ang colic kung siya ay padidighayin mo matapos ang kada pagpapasuso o pagdede niya.

6. Allergy

Maaaring dahil rin sa pananakit ng tiyan dulot ng allergic reaction kung bakit umiiyak ang isang sanggol. Oo nga’t wala pa siyang kinakain at eksklusibong sumususo sa ‘yo. Pero ang mga kinakain mo ay maaaring magdulot ng hindi magandang reaksyon sa kaniyang katawan kung siya ay allergic dito.

Tulad na lamang sa soya, gatas ng kalabaw o mani. Dahil ang iyong mga kinakain ay maaring mapunta sa iyong gatas at masuso ng iyong sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para makasigurado at maliwanagan sa kaniyang kondisyon ay mabuting agad na dalhin siya sa kaniyang doktor upang matingnan.

Madalas kung ang pag-iyak ng sanggol ay dulot ng pananakit ng tiyan, mapapansin siyang namamaluktot o kaya naman ay sinisipa ang kaniyang mga binti. Ang mga ito ay palatandaan rin na maaring may gas o colic siya.

7. Gusto niya ng atensyon mo o magpakarga sayo

Baby photo created by cookie_studio – www.freepik.com 

Gustong gusto ng mga sanggol na sila ay kinakarga o laging may physical contact sa mga taong nasa paligid niya. Partikular na sa kaniyang ina.

Kung ang pag-iyak ng iyong baby ay nagaganap tuwing wala ka sa tabi niya o kaya naman ay sa tuwing nakikita ka at malayo sa kaniya, isa lang ang ibig sabihin nito gusto niyang kunin mo siya at ikarga.

8. Nag-iipin siya

Ang mga baby ay maaaring mag-simulang mag-ipin sa kanilang ika-4 na buwan. Ang paglabas ng kanilang unang ngipin ay masakit na maaring maging dahilan ng kaniyang pag-iyak.

Kung ang pag-iyak ay sinasabayan ng paglalaway, maaring nag-ngingipin na ang iyong sanggol. Para patahanin siya ay hayaan siyang sumisipsip ng pacifier o ng iyong daliri.

Puwede rin siyang bigyan ng gum massage. O mga malalamig na teethers, tela o bibs na makakatulong para maibsan ang pananakit ng gilagid o gums niya.

Bago gumamit ng medikasyon o kahit anong gamot, mainam na magpa-konsulta muna sa iyong doktor. Ito ay para makasigurado na ligtas ito para kay baby.

9. Masama ang pakiramdam niya

Kung tuloy-tuloy o maya-maya ang pag-iyak ni baby maaring masama ang pakiramdam niya. Lalo na kung ito ay sasabayan pa ng lagnat, pagsusuka o pagiging matamlay ng sanggol na palatandaan na siya ay dapat ng dalhin sa doktor at mapatingnan.

10. Maaaring labis na naiinitan o nilalamig si baby

Maaring dahil rin sa klima o temperature kung bakit umiiyak ang baby. Ang labis na lamig at init ay hindi komportable sa kaniya. Alamin ang temperatura ng katawan ni baby sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang leeg o tiyan. At hindi sa kaniyang paa at kamay na paiba-iba ang temperature.

Kung nilalamig siya ay kumotan o palitan siya ng mas mainit na kasuotan. O kung naiinitan naman siya ay bawasan ang kaniyang damit o palitan ito ng mas presko sa pakiramdam.

Ang mga nabanggit ay ang mga posibleng dahilan kung bakit umiiyak ang baby. Kung lahat ng paraan upang patahanin siya ay nagawa mo na at hindi parin siya tumatahan sa loob ng 2 oras ay mabuting dalhin na siya sa doktor. Lalo na kung siya ay may lagnat na higit sa 100.4 degrees Fahrenheit o 38 degrees Celsius. Ayaw sumuso o kumain. Nagsusuka, hindi umiihi o may dugo sa kaniyang dumi. Ang mga ito ay palatandaan na maaring may seryosong kondisyon ng nararanasan si baby na dapat ng matingnan ng isang doktor.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.