Bakit utot ng utot si baby? Ito ang 10 posibleng dahilan
Kadalasang tanong ng mga mommy, "Bakit utot ng utot ang baby ko?" Ano nga ba ang dahilan sa likod ng labis na gas ni baby? | Lead Image from Unsplash
Ang mga baby ay natural na gassy. Baby fart, dighay o poop, ay normal na para sa kanila. Minsan pa, ang amount ng gas na kanilang nilalabas ay nakakahiya na para sa mga magulang. Kadalasang tanong ni mommy, bakit nga ba utot ng utot ang baby?
Talaan ng Nilalaman
Mga dapat mong malaman kung bakit utot ng utot ang baby
Dahil ang mga baby ay kumakain madalas, ang kanilang mga digestive systems ay palaging nagtatrabaho. Dagdag pa rito ang mabilis na pagbigat ng timbang nila mula 140 hanggang 200 grams every week.
Habang lumalaki ang kanilang tummy, lumalaki rin ang kanilang appetite.
Bakit utot ng utot ang baby ko?
Bukod sa regular na paglaki, may iba pang dahilan kung bakit naglalabas ng madaming gas ang iyong anak.
Ang own consumption ng pagkain ay ang dahilan sa likod nito. Iba pang reason ay ang labis labis na gas habang nagpapasuso, magbibigay ng solid foods ng maaga kay baby o bago pa mag six months at ang pagpapainom ng citrus juices.
1. Paglaki ng digestive system
Ang paglaki ng digestive system ng baby ay mabagal. Kapag ang iyong anak ay uminom ng gatas mo o kumain ng solid foods, ang digestive system niya ay hirap makapagtunaw ng mga kinain niya.
Kaya naman ito ang dahilan kung bakit nata-trap ang gas sa kanyang bituka na habang tumatagal ay sumasakit rin. Ito ang dahilan kung bakit umuutot madalas ang iyong anak.
2. Bacterial imbalance sa katawan
Ipinanganak ang mga baby na malinis ang kanilang bituka. Ang good bacteria sa probiotics ay naglalaman ng nutrients sa pagkain at supplement digestive enzymes. Ang probiotics ay karaniwang ligtas para sa mga sanggol at toddlers, pero maaaring magdulot ng banayad na epekto tulad ng gas at madalas na pag-utot. Nangyayari ito habang nag-aadjust ang digestive system sa bagong bacteria. Karaniwan, hindi ito dapat ikabahala at mawawala rin sa paglipas ng panahon.
Kaya naman umaabot ng ilang buwan bago ma-digest ng maayos ng baby ang breast milk. Kadalasan, ito ang dahilan ng formation ng sobra-sobrang gas. Kapag nakuha na ng baby ang good bacteria sa pamamagitan ng breastfeeding, matitigil na rin ang labis na utot nito.
3. Maling breastfeeding posture
Kung ang iyong baby ay hindi tama ang pag latch o kaya naman labis labis ang nakukuhang milk supply, maaaring makalunok siya ng madaming hangin.
Ang mga hangin na ito ay magiging bubbles sa kanilang bituka na nagiging dahilan ng labis na pag utot. Makakatulong kay baby kung papainumin siya ng gatas sa magkabilang suso para hindi ito makalunok ng hangin. Puwede mo ring i-posisyon ng vertical si baby habang nagpapasuso.
4. Breastmilk at bottle feeding
Kapag binibigyan mo ng breast milk si baby, lahat ng nutrients na meron ka ay automatic na mapapasa kay baby. Kaya naman kung ikaw ay kumain ng mga gassy foods katulad ng citrus foods o dairy, ito ay maaaring mag suffer sa flatulence. Bukod pa rito, natural lang na mag inhale siya ng air bubbles habang kumakain. Lalo na kung gumagamit siya ng bote na may maliliit na butas.
5. Unang pagkain ng solid foods
Ang mga baby ay literal na nagiging gassy kapag pinakilala na sa solid foods. Dahil hindi pa masyadong maayos ang kanilang digestive system at nasanay na sa gatas ng ina, ang pagkain nila ng solid foods ay kinakailangang paglaanan ng oras.
6. Labis na pag-iyak
Ang life paglabas ng baby sa kanilang nanay ay challenging na part ng motherhood. Habang sila ay lumalaki, nagiging sensitive ang mga ito sa kanilang paligid.
Lahat ng ito ay dahilan kung bakit nagiging uncomfortable ang isang baby kaya rin sila umiiyak. Ang pag-iyak ay nagiging dahilan ng sobra-sobrang gas na pumapasok sa kanilang katawan.
7. Gassy mom, gassy baby
May pagkakataon talaga na may amoy na ang utot ng isang baby. Ito ay dahil sa mga kinakain mo. Katulad ng garlic, cauliflower, eff, asparagus, patatas, kanin, tinapay na dahilan kung bakit nagkakaroon ng amoy ang utot ni baby. Kung nag-aalala ka sa mga kinakain mo, maaaring itigil na ang pagkain nito at mawawala rin pagkatapos ng ilang araw.
8. Lactose intolerance/ Transient Lactase Deficiency (TLD)
Isa pang dahilan kung bakit nagkakaroon ng madaming gas ang iyong anak ay dahil ito ay lactose intolerant. Ang katawan natin ay naglalabas ng enzyme ‘lactase’ para mabreak nito ang mga sugar katulad ng galactose at glucose.
Pero minsan, ang katawan ng isang baby ay bigong makapag produce ng lactose para masira nito ang maliiit na sugar na nagdudulot ng lactose intolerance. Ang broken lactose na ito ay nagt-travel papunta sa large intestine.
9. Gastroesophageal Reflux (GER)
Kapag ang iyong baby ay dumighay pagkatapos kumain, ito ay matatawag na GER. Ang baby na nagspit ng saliva, digestive juices, breast milk o minsan ay suka.
Ngunit minsan ay may mga baby na nagiging maayos na pagkatapos ng kanilang 6th month. Ang unusual amount ng pagdighay o pagsusuka ay nakakapgdulot ng irible sa bata.
10. Paggamit ng antibiotics
ANg ibang bata ay nakakaranas ng infections at gumagamit ng antibiotics. Ang mga antibiotics na ito ay sumisira sa microflora sa kanilang bituka. I
to ang dahilan kung bakit tumataas ang flatulence dahilan para magkaroon ng excessive farting at diarrhea. Kasama na rin dito kapag uminom ng antibiotic ang isang nanay.
Signs na gassy na ang iyong baby
Tandaang hindi naman dapat ikabahala ang pagiging gassy ni baby o kung siya’y utot ng utot sapagkat hindi naman ito agad mapanganib. Subalit ang pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa signs na marami nang hangin si baby. Ito ang ilan sa mga signs:
- Madalas na pag-spit
- Nabawasan ng gana sa pagkain
- Bloated ang kaniyang tiyan
- May naririnig kang gurling o bubbling na tunog sa kaniyang tiyan
Kailangan ko bang mag-aalala kapag umuutot ng sobra ang anak ko?
Kung labis labis ang utot ni baby, ito ay hindi ibig sabihin na hindi siya okay. Maaaring siya lang ay gassy. Obserbahan muna sila kung nakikita mong hindi komportable si baby.
Pero kung mapapansin mong hindi uncomfortable o umiiyak si baby kapag umuutot, maaaring ito ay nakakaranas ng excessive gas. Narito ang ilang indicators na mayroon si baby nito:
- Malaking tiyan
- Madalas na pagdighay
- Malakas na utot
- Malakas na pag iyak
- Tummy cramps
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Paano nga ba malalaman kung tumatangkad ang baby mo?
- Bakit maliit ang baby ko? Mga senyales na hindi lumalaki ang anak mo
- Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"
- Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”