Bakuna sa COVID sa bata, narito ang mga mahalagang dapat mong malaman.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng isang sanggol na aksidenteng nabigyan ng COVID-19 vaccine.
- Bakuna sa COVID sa bata, sino ang puwedeng mabigyan?
Sanggol aksidenteng nabakunahan ng COVID-19 vaccine
Baby photo created by freepik – www.freepik.com
Isang 6-month-old na sanggol mula sa Bulacan ang naiulat na aksidenteng nabakunahan ng COVID-19 vaccine. Base sa report nagkamali ng naiturok na bakuna ang midwife na nagbabakuna sa sanggol. Imbis na pneumonia vaccine ay COVID-19 vaccine ang nabakuna nito sa baby.
Ayon kay DOH Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje ay iniimbestigahan na nila ang insidente. Ito ay upang malaman kung ano ang naging dahilan ng pagkakamali.
At kung anong karapat-dapat na sanction ang maipapataw sa midwife na nagturok ng COVID-19 vaccine sa sanggol. Pero pahayag pa niya, ay wala namang nai-report na nararamdamang adverse reactions ang naturang sanggol hanggang kasalukuyan.
“Kailangang imbestigahang mabuti kung gross negligence naman ‘yan o may mga factors. In terms of the adverse event, wala naman nai-report pang kakaibang naramdaman yung bata. But we will continue to monitor the child.”
Ito ang sabi ni Dr. Cabotaje.
Dahil sa nangyari, sabi pa ni Dr. Cabotaje ay mas hihigpitan pa nila ang mga rules at practices na isinasagawa sa pagbabakuna. May paalala rin siya sa mga health workers sa bawat bahagi ng bansa na siyang nagsasagawa ng pagbabakuna lalo na sa mga bata.
“So dahil dito kailangang pag-ibayuhin natin ang ating mga practices. Ang aming patakaran iba dapat ang refrigerators ng COVID-19 vaccines sa regular vaccines.
We will check again and we will remind our implementers na hiwalay dapat ang paglalagyan at malaki ang label para hindi sila malito.”
Ito ang sabi pa ni Dr. Cabotaje.
BASAHIN:
Safe at effective ang COVID-19 bakuna sa mga batang 5-11 years old, ayon sa Pfizer
2 year-old, nagpositibo sa COVID-19 matapos pumunta sa mall
REAL STORIES: “Dalawang beses inoperahan ang baby namin at nagpositibo pa sa COVID”
Bakuna sa COVID sa bata
Photo by Rafael Classen rcphotostock.com from Pexels
Sa ngayon, ayon sa Department of Health at base sa rekumendasyon ng Food and Drug Administration ang bakuna sa COVID sa bata ay maaari ng ibigay sa mga 5 taong gulang hanggang 11-anyos.
Ang rekumendasyon ito ay nagsimula lang isagawa nitong Disyembre ng nakaraang taon. Bagamat sa ngayon ay Pfizer na COVID-19 vaccine palang ang kasakulukyang inirerekumendang ibigay sa mga batang edad 5-11 anyos. Habang ang mga sa 12-anyos naman pataas ay inirerekumendang mabigyan ng Pfizer o Moderna na COVID-19 vaccine.
Hindi katulad ng sa matatanda ay mas mababang dosage ang ibinibigay ng bakuna sa COVID sa mga bata. Ito ay maingat at mahigpit na pinag-aralan din upang masiguro walang magiging severe adverse effects sa kanilang katawan. Habang sinisigurado na sila ay may dagdag na proteksyon laban sa kumakalat na sakit.
“Ito po ay mas mababang dosage at hindi lamang po ‘yon. Iyong concentration din po nung vaccine ay mas mababa din po kaysa doon sa ginagamit sa adults ngayon.”
Ito ang sabi ni FDA director-general Eric Domingo sa isang panayam.
Para sa mga batang edad 5-11 anyos, ang pagbibigay ng Pfizer COVID-19 vaccine ay gagawin ng dalawang doses. At ito ay may pagitan ng tatlong linggo.
Ganoon din para sa mga batang edad 12-anyos hanggang 15-anyos. Para sa mga batang edad 16-17 anyos, ang second dose ng COVID-19 vaccine ay maaring ibigay ng hanggang 6 weeks na pagitan mula sa first dose.
Samantala, patuloy parin ang ginagawang pag-aaral o clinical trials sa kung safe ba ang COVID-19 vaccine sa mga baby. Habang ito ay hindi pa napapatunayan ay mahigpit na ipinapayong huwag na muna silang bigyan ng bakuna sa COVID sa ngayon.
Mahalagang paalala
Kids photo created by jcomp – www.freepik.com
Paalala naman ng mga eksperto sa mga nabakunahan na ng COVID-19 vaccine, kahit mabakunahan na ay dapat paring gawin at sundin ang mga COVID-19 health protocols. Tulad ng pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras lalo na sa matataong lugar.
Ganoon din ang social distancing, madalas na paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan. Hinihikayat naman ang lahat lalo na ang mga senior citizens at may comorbidities na magbakuna na.
Ito ay para maproteksyunan sila laban sa kumakalat at nakakahawang COVID-19 virus. Ganoon rin ang mga batang edad 5-anyos pataas na napatunayang safe o mild lang ang adverse effects na mararanasan sa oras na mabigyan ng COVID-19 vaccine.
Source:
PTV4, Mayo Clinic, Inquirer
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!