Alert level 1 na ang kalakhan sa lugar ngayon sa Pilipinas. Ibig sabihin din, balik work on site na ang mga nakaranas ng work from home.
Mahirap ang magiging adjustments ng unang linggo nito lalo na sa parents. Para malaman kung paano mapapadali ang inyong set-up, inilista namin ang ilang tips sa artikulong ito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mga adjustments ng babies and parents for work on site set-up
- 3 tips para sa mga parents na balik office after pandemic sa Philippines
Mga adjustments ng babies and parents for work on site set-up
Malaki ang magiging adjustments ng pagbabalik face to face ng mga aktibidad sa bansa. Nariyan ang biglang dumog ng tao sa mga pampublikong lugar at stressful na traffic.
Para sa mga parents isang malaking challenge ulit ito. Mas magiging mahirap ito para sa mga bagong parents pa lamang dahil nangangapa pa sa way of parenting.
To give you some heads-up, ito ang ilan sa mga adjustments at struggles na maaaring maranasan sa back to work:
1. Emotional stress
Hindi maiiwasang magkaroon o dumagdag ang emotional stress sa mga new parents. Magsusulputan ang pag-aalala sa kung sino mag-aalaga sa bata, pagbobonding at iba pa. Magsasabay rin ang work at ang pakiramdam na hindi na sanay na mawalay sa kanilang mga anak.
Magkakaroon ng bagong kasalamuha bukod sa pamilya kung babalik sa opisina. Ibig sabihin ay bagong pakikitungo ito para sa iyo. Naririyan ding iiyak nang labis si baby sa tuwing makikitang aalis na papuntang trabaho ang kanyang mommy o daddy.
2. Pagod ang pisikal na katawan
Dahil nga dadagsa na ang maraming tao, bibigat na rin ang traffic. Which means, matagal na biyahe. Bukod pa sa trabaho ay dadagdag sa pagod ang pakikipagsiksikan sa tuwing rush hour at bagal nang usad nang mga sasakyan. Kakain nang halos 2 hanggang 3 oras ito ng iyong araw.
Kung minsan pa, pag-uwi ay kailangang alagaan si baby dahil nasanay sa iyong presensya. Ang dapat na pahinga ay mapupunta rin sa pag-aalaga kay baby.
3. Pagbabago sa budget
Magkakaroon ng labis na pagbabago sa dating budget. Kailangan na rin maglaan para sa transportation at food mo para sa work. Siyempre, kung pareho kayo ni partner nagtatrabaho ay kailangan kumuha ng mag-aalaga kay baby na dapat pasahuran. Talagang magbabago nang lubos ang dating budget plan ninyong pamilya.
BASAHIN:
Working Mom: “Araw-araw pinagsisisihan kong iniwan ko ang anak ko para magtrabaho”
STUDY: Hirap na pinagdadaanan ng mga working mom dumoble ngayong may pandemic
3 tips para sa mga parents na balik office after pandemic sa Philippines
Kailangan mo nang i-expect ang mga problemang nabanggit sa pagbabalik opisina. Para mas maging madali na ang iyong adjsutments, pwedeng sundin ang ilan sa mga tips na ito:
1. Damhin lahat ng mararamdamang emosyon
Hindi mo masasabi ang mararamdaman mo hangga’t hindi mo pa nararanasang bumalik talaga sa opisina. May mga parent na nakundisyon na ang sarili at handa na talagang harapin ang work on site set-up.
Habang mayroon ding puno ng pagkalungkot dahil sa mawawalay sa kanilang mga anak. Anuman sa dalawa ang iyong maranasan sa pagbabalik sa trabaho, hayaan itong maramdaman.
Hindi maganda sa kalusugan ang pinipigilan ang mga emosyon. Mas mainam na ito ay i-recognize at hayaang damhin nang lubos ng iyong isip, puso at katawan.
2. Magtanong sa trabaho ng mga bagay na beneficial para sa parents
Expected sa mga trabaho na marami ang employees nito ay mommy at daddy na. Kaya naman maraming bagay ang inihahanda nila para sa mga parents.
Naririyan ang mga support groups na maaaring makatulong sa iyo emotionally and mentally. Kung minsan ay mayroon din silang mga organization na nag-offer naman ng iba’t ibang libreng services.
Mainam na i-grab ang ganitong mga chance para naman may benefits na rin sa iyo. Maaari rin nitong matulungan maging ang iyong baby.
3. Alagaan ang sarili
Hindi maitatanggi na magiging busy talaga ang buhay mo lalo sa first months ng work on site set-up. Sa kabila ng kaliwa’t kanang duties and responsbilities ng work at family dapat ay ipractice pa rin ang self-care. Maaaring gawin ang mga sumusunod:
- Magbaon ng mga healthy foods sa work
- Ugaliing gawin ang deep breathing
- Matulog at least 7-8 hours a day
- Magkaroon ng skin-care routine
- Huwag kalimutang magdala ng tubig kahit saan pumunta
- I-treat ang sarili sa salon o spa
- Bilhan ng gift ang sarili kung sasahod o magkakaroon ng bonus
Beneficial ito both for you, your baby, your family and your work. Kaya hindi dapat kinakalimutan ang sarili kahit pa napakarami nang gawain.