Ano ang balsamo carminativo at puwede ba ito kay baby?

Ang balsamo carminativo ay kadalasang gamot sa indigestion, constipation, loss of appetite, weight loss at iba pa. Ngunit, safe ba itong inumin?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang katanungan mula sa mga mommy patungkol sa  balsamo carminativo para sa baby. Ano nga ba ang maitutulong nito kay baby at may mga side effects ba ang solution sa isang tao?

Ano ang Balsamo Carminativo?

Kadalasang ginagamit ang balsamo carminativo sa mga baby o tao na nakakaranas ng indigestion, constipation, pagkawala ng ganang kumain, pagbaba ng timbang, nausea, cold sores, pagbabara ng ilong, heartburn, at iba pa. Nakakatulong ito para mapigilan at magamot ang nasabing sakit.

Ang solution nito ay naglalaman ng fluid rhubarb extract, glycyrrhiza liquid extract at fluid bitter orange peel.

Balsamo Carminativo for baby? | Image from Freepik

Ano ang side effects ng balsamo carminativo?

Ang Balsamo Carminativo ay hindi para sa lahat. Kaya naman ang paggamit nito ay kadalasang may side effect pagkatapos. Kung nais subukan ng Balsamo Carminativo para kay baby o sayo mismo, mas maganda kung kumonsulta muna sa doctor bago ito gamitin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang taong gumamit nito ay kadalasang nakakaranas ng mga side effect katulad ng:

  • Pagkawala ng malay
  • Mild gastrointestinal symptoms
  • Stroke
  • Hypokalemia
  • Heart attack

Balsamo Carminativo for baby? | Image from Freepik

Tamang paggamit

Nakabase ang dosage ng Balsamo Carminativo sa iyong kondisyon. Kaya naman mahalagang komunsulta muna sa iyong doctor bago gumamit ng solution na ito. Sabihin rin sa kanya ang mga gamot o ibang bagay na kasalukuyang mayroon sa’yo katulad ng allergy, pregnancy at iba pa. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng iyong doctor kung anong dosage ng solution ang maaari mong inumin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bawal gumamit ng solution na ito ang mga may kasalakuyang allergy o hindi hiyang dito. Kung sakaling makaranas ng ibang epekto sa katawan o lalong lumala ang kondisyon, ‘wag mag atubiling pumunta sa iyong doktor.

Maaaring magbago ang epekto ng solution na ito kung sakaling marami kang iniinom na gamot na sabay-sabay. Isa rin itong dahilan sa pag develop ng side effects.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Balsamo Carminativo for baby? | Image from Freepik

Paano kapag nakalimutang inumin ito?

Inumin agad ang unang dose ng solution kung sakaling nakaligtaan ito. Pero kung medyo matagal na para inumin ang naunang dose sa nakatakdang oras, inumin nalang ang susunod na dose kung malapit na rin ito sa oras ng pangalawang pag-inom. ‘Wag ring uminom ng sobra-sobrang dose o higit pa sa nireseta sa’yo ng doctor mo.

MAHALAGANG PAALALA: Bago subukan ang solution na ito, komunsulta muna sa iyong doctor bago gamitin ito kay baby o sa’yo mismo. Makakatulong ang reseta at advice ng iyong doctor para malaman kung pwede ba sa iyong anak ang ganitong uri ng solution. ‘WAG gagamit ng Balsamo Carminativo ng walang reseta ng espesyalista.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Tablet Wise

BASAHIN:

ALAMIN: Ang iba’t ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano