Pag narinig natin ang salitang sisig, ang karaniwang pumapasok agad sa isip natin ay tinadtad na tenga, ilong, pisngi at iba pang bahagi ng mukha ng baboy. Pero kung gusto ninyong kumain ng healthier version ng sisig, subukan ninyong gawin ang Bangus Sisig recipe na ito. Tulad ng regular na pork sisig, this fish version is best served in a sizzling plate.
Bangus Sisig Recipe
Karaniwang makikita ang sisig kasama ang isang bote ng malamig na beer! Naging staple na pulutan na ito kapag may inuman, ngunit inihahanda na rin ito sa hapag kainan bilang isang ulam na tunay na katakam-takam.
Ayon sa Pepper.PH, ang salitang sisig ay nagmula sa sa salitang “sisigan.” Ang ibig sabihin nito ay gawing maasim ang isang putahe.
Noong panahon ng Kastila, ang sisig ay isang salad dish! Mayroon itong “green papaya or green guava eaten with a dressing of salt, pepper, garlic, and vinegar.”
Nang sakupin tayo ng mga Amerikano, nagtayo sila ng mga base militar sa ating bansa. Isa na rito ang Clark Air Base sa may Pampanga. Sa mga American dishes, hindi ginagamit ang ibang parte ng baboy katulad ng tenga, nguso, at pisngi. Itinatapon lamang ang mga parte na ito.
Kaya naman naisipan ng mga Kapampangan na bilihin ang mga parte na ito sa murang halaga at lutuin. Dito na naimbento ang nakagisnan nating sisig!
Ngunit patuloy na nag-e-evolve ang dish na ito. Hindi na lamang mga unwanted parts ng baboy ang ginagawang sisig—mayroon na rin ngayong Bangus Sisig! Sa putaheng ito, ginagawang fillet (tinatanggalan ng buto) ang bangus, saka ito niluluto at nilalagyan ng mga sangkap katulad sa tradisyunal na sisig.
Narito ang bangus sisig recipe na maaari mong subukan:
Mga sangkap (Ingredients) ng Bangus Sisig recipe:
- 2 buong large bangus
- ¾ cup na mantika, pangprito
- 1 medium sibuyas na puti, chopped 1 medium sibuyas na pula, chopped 2 pirasong siling labuyo (more kung
- gusto mong mas maanghang), chopped
- 1½ kutsarang mayonnaise
- 2½ kutsarang toyo
- 3 kutsarang lemon/calamansi juice Salt and pepper to taste
- 1 kutsarang butter
- Chitcharon (optional)
Paraan ng pagluluto (Procedure) ng Bangus Sisig:
- Hiwain sa likod ang bangus mula ulo hanggang buntot. Linisin at alisin ang hasang at bituka. Hugasan mabuti.
- Alisin ang lahat ng buto. Maaaring gumamit ng tiyani para makuha ang maliliit na buto ng isdang ito. Punasan ng paper towel para matuyo nang kaunti. Alisin ang buntot ng bangus at i-discard.
- Budburan ng kaunting asin ang bangus.
- Sa kawali, mag-init ng mantika at iprito ang bangus. Maging maingat dahil maaaring tumilamsik ang mainit na mantika. Takpan. Kapag golden brown na both sides, hanguin at palamigin. Pag cold enough to handle, alisin ang balat ng bangus at iprito sa loob ng isa o dalawang minuto hanggang lumutong. Itabi muna.
- Gamit ang tinidor, himayin ang laman ng bangus into chunky flakes. Gamit ang kitchen shears, gupit-gupitin ang malutong na balat ng bangus.
- Sa isang bowl, ilagay ang chunky flakes ng bangus, sibuyas, sili, mayonnaise, toyo, lemon/calamansi juice. Timplahan ng asin at pamintang durog.
- Painitin ang sizzling plate sa kalan. Pag mainit na, lagyan ng isang kutsarang butter.
- Hatiin sa apat na servings ang bangus mixture at ilagay sa sizzling plates. Ibudbod ang balat ng bangus. For extra crunch, lagyan sa ibabaw ng dinurog na chitcharon.
- Serve hot and enjoy!
Health benefits na makukuha sa bangus
Ayon sa National Nutrition Council ng Pilipinas, mayaman ang bangus sa mga bitamina at minerals na makabubuti sa kalusugan ng tao. Ano nga ba ang health benefits ng bangus o milkfish in English?
Beneficial o masustansya ang bangus dahil mayroon ito ng mga sumusunod:
- animal protein
- selenium
- B vitamins
- omega 3 fatty acids
Ang mga ito ay importante para sa mas maayos na physiological function.
Ayon pa nga sa National Nutrition Council, ang pagkain ng bangus ay nagpro-promoye ng brain and memory development sa mga bata. Gayundin, nakatutulong ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng heart disease. Helpful din ang pagkain ng bangus sa pagkontrol ng cholesterol levels at sa pag-nourish ng eyes.
Bukod pa rito, ang Omega 3 fatty acids ay beneficial sa mga buntis dahil pinatataas nito ang quantity at quality ng breastmilk. Kaya naman, mainam na isama natin ang pagkain ng bangus sa ating normal diet upang makuha ang mga nabanggit na nutrients na kailangan ng ating katawan.
Updates by Jobelle Macayan