Gusto mo bang matutunan ang mga easy KFC recipe? Ito ay puwede mong gawin tuwing mayroong okasyon o kaya naman ay kapag gusto mo lang paghandaan ang iyong pamilya!
Easy KFC recipe
Kung hindi ka pa rin kampante na mag-order o kumain sa labas kasama ang iyong pamilya dahil sa pandemic — narito ang easy KFC recipe!
Simula noong nai-share sa Internet ang recipe ng KFC, marami na ang kaagad na gumawa nito sa kani-kanilang bahay.
Ang main secret ng KFC chicken ay ang blend ng 11 spices at herbs na ito:
- White pepper
- Black pepper
- Thyme
- Paprika
- Oregano
- Ground ginger
- Celery powder
- Garlic powder
- Basil
- Salt
- Dried mustard
Bukod sa masarap na chicken recipe nila, narito pa ang ilang recipes na puwede mong subukan na sundan!
KFC baked pasta
Image from KFC
Ito ay healthy chicken pasta recipe para sa buong pamilya at ito rin ay isang must-try!
Ingredients:
- Hot and crispy chicken (2 piraso o kung gaano kadami ang gusto mong gawin)
- 1 cup of mixed vegetables (chopped)
- ½ onion (diced)
- 1 tomato (diced)
- 150g of Fusilli pasta na hindi pa luto
- 300g tomato pasta sauce
- 2 tbsp olive oil
- 1 pinch black pepper
- Shredded mozzarella, parmesan and cheddar
Paano lutuin:
- Alisin ang buto ng fried chicken at hiwain ito. Lutuin naman ang pasta sa kumukulong tubig.
- Painitin ang olive oil sa kawali at igisa ang sibuyas ng 2 hanggang 3 minuto hanggang lumambot ito.
- Idagdag ang hiniwang kamatis at igisa muli ito ng isang minuto.
- Ilagay naman ang hiniwang mixed vegetables at tomato pasta sauce at haluin ito. Hayaan munang kumulo sa low to medium heat ng 3 minutes.
- Sunod namang ilagay ang diced crispy chicken at pasta. Haluin ito nang maigi.
- Budburan ng paminta.
- Ilagay ang mixture sa baking bowl at ilagay ito nang pa-flat.
- Lagyan ng layer ng cheese.
- I-bake sa 200°C na pre-heated oven ng 10 minuto o hanggang mag-slight brown ang cheese sa ibabaw.
- Ready to serve na ang iyong baked pasta and chicken!
KFC chicken croquette
Image from KFC
Ito ang original recipe para sa creamy, crispy at signature snack ng KFC.
Ingredients:
Paano lutuin:
- Palambutin muna ang frozen mixed vegetables hanggang bumaba ito sa room temperature.
- Alisin ang buto ng KFC chicken at i-shred ito o himayin.
- Mula sa potato bowl, kuhanin muna ang whipped potato at iwanan sa isang bowl ang gravy.
- Sa bowl kung nasaan ang whipped potato, ilagay ang mixed vegetables at hinimay na manok at cheese.
- Haluin ito nang maigi at i-divide sa apat na portions at ilagay sa ref ng 20 minutes.
- Ngayon naman ay i-crack ang itlog sa isang bowl at haluin ito hanggang magkaroon ng magandang mixture.
- Kuhanin ang mixture na iniwan sa ref at i-shape ito ng pa-croquette. Pwede mo itong i-roll na parang bola o i-flatten depende sa gusto mong kapal.
- Lagyan ng coating ang croquette gamit ang flour at sunod itong ilublob sa egg mixture at sa crumbs.
- Sa kawali, maglagay ng oil at i-prito ang croquettes.
- Maglaan ng 2 minuto hanggang mag-golden brown ito.
- Ilagay ito sa absorbent paper pagkatapos para matanggal ang excess na mantika.
- I-dip ito sa gravy na na-set aside kanina at i-enjoy kasama ang pamilya!
Ngayon na the secret is out at alam na natin kung paano ginagawa ang KFC chicken at iba pang puwedeng gawin gamit ito, puwede na itong ma-enjoy ng iyong buong pamilya!
Alamin ang laman ng iyong kinakain
Image from Freepik
Ang mga ingredients na ginagamit mo sa araw-araw na pagluluto ay importante. Ito ang magdidikta ng kalusugan mo. Kaya naman para sa mga batang lumalaki, dapat na mapaghandaan sila ng masustansiyang pagkain. Ang nutritional value ng kanilang kinakain ay mahalaga para sa kanilang paglaki.
Ayon sa pag-aaral, ang mga toddler ay magsisimulang magkaroon ng food habit o mga preferences pagdating ng 3 o 4 years old. Kaya naman sa kanilang early years, turuan na silang kumain ng masustansiya. Para kapag lumaki sila ay makasanayan na nila ito. Ang mga ingredients na may dalang essential vitamins, minerals at protina ay sobrang mahalaga.
Translated with permission from TheAsianParent Singapore
Basahin:
Recipe ng Mojo’s potato inilabas ng Shakey’s Japan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!