Recipe ng Mojo's potato inilabas ng Shakey's Japan

Recipe ng Mojo's potato inilabas ng Shakey's Japan

Para sa mga mahilig magluto dyan, subukan na itong Shakey's mojos recipe ngayong quarantine!

Mojos shakeys recipe, ini-reveal ng Shakey’s Japan para sa ating mga naka-quarantine ngayon at hindi makakakain nito mismo sa restaurant.

Mojos Shakeys recipe

Dahil halos lahat ng tao ngayon sa iba’t ibang parte ng mundo ay naka-quarantine sa kani-kanilang bahay. Ibinahagi ng Shakey’s ang kanilang sikat na sikat na Mojos Shakeys recipe.

Ito ay naka-post sa official Twitter ng Shakey’s Japan at ito ay nai-translate naman kaagad ng mga netizens.

Ingredients

Anu-ano nga ba ang kailangan para sa Mojos shakeys recipe na ito?

  • Fried chicken breading mix (100 grams/3.5 ounces)
  • Asin (30 grams/1.1 ounce)
  • Paminta (10 grams/0.4 ounces)
  • Mantika
  • At syempre, patatas!

Narito ang step-by-step procedure na ibinahagi naman ng SoraNews24 sa Japan. Sinubukan nilang sundan ang mismong Mojos Shakeys recipe!

Step 1: Hiwain ang patatas hanggang sa maging maninipis na piraso

mojos-shakeys-recipe

Image from SoraNews24

Marahil ay madalas naman nating nakikita kung ano ang itsura ng mojos, kaya naman hindi na nilagay ang specific na cut ng patatas. Huwag na lang siguro ito masyadong panipisin, para naman hindi madurog kapag na-deep fry. Iwasan din naman na maging masyado itong makapal dahil hindi na ito magiging katulad ng sa original na recipe.

Step 2: I-microwave ito ng 5 minuto

mojos-shakeys-recipe

Image from SoraNews24

Ang recommended na temperature ng microwave ay 700 watts o 160 degrees celcius. Siguraduhin na 5 minuto mo lang itong ilalagay sa microwave dahil kailangan lamang nitong lumambot nang bahagya.

Step 3: Ipaghalo ang fried chicken breading, asin at paminta sa isang bowl saka ilagay ang patatas na galing sa microwave

mojos-shakeys-recipe

Image from SoraNews24

Maglaan ng kahit 2 hanggang 3 minuto para mag-cool down ang mga patatas na mula sa microwave. Pagkatapos nito ay ipaghalo na sa isang bowl ang fried chicken breading, asin at paminta. Ilubog naman ang mga patatas dito at siguraduhin na covered ito ng breading.

Step 4: I-deep fry ito

mojos-shakeys-recipe

Image from SoraNews24

Ngayon, para sa huling step. I-deep fry ang patatas pagkatapos itong ilubog sa breading. Siguraduhin na tama lang ang init ng kawali at mantika dahil maaring madurog ang patatas. Tantyahin din kung gaano ka-cripsy ang iyong gusto na mojos.

Matapos ang mga ito, ready-to-eat na ang iyong mojos!

mojos-shakeys-recipe

Image from SoraNews24

Natakam din ba kayo? Subukan na ang recipe na ito!

 

Source:

https://www.soranews24.com/

 

Basahin: New recipes to try this coming 2020

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

app info
get app banner