Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

Huwag hayaang maging dahilan ng pag-aaway ninyong mag-asawa ang mga barkada niya. Alamin ang mga dapat mong gawin para everybody happy sa relasyon ninyo ni mister.

Barkada vs asawa: Dapat bang papiliin mo ang iyong asawa sa pagitan mo at kaniyang barkada?

Sa artikulong ito ay malalaman ang sumusunod:

  • Bakit hindi mo dapat papiliin si mister sa pagitan mo at kaniyang barkada?
  • Ano ang mga dapat gawin kung ayaw mo sa mga barkada ng iyong asawa?

Barkada vs asawa

Sige sinong pipiliin mo barkada mo ako? Naitanong mo na ba minsan ito sa iyong asawa? O lagi bang nagiging simula ng pag-aaway ninyo ang oras na inilalaan niya sa kanila? Ang tagpong ito ay isa sa madalas na nagpapagulo sa isang pagsasama.

Lalo na sa mga young couples na nagsisimula palang sa buhay mag-asawa. Pero ayon sa mga eksperto, kahit ayaw mo sa barkada o kaibigan ng asawa mo, mali na papiliin siya sa pagitan mo at ng barkada niya.

Sapagkat sila ay parte ng buhay ng iyong asawa. Sa ayaw mo man o gusto ay kailangan mo silang tanggapin. Tulad ng pagtanggap mo sa mga flaws o pagkakaiba mo ng iyong mister.

Ito ay ayon sa psychologist na si Andra Brosh mula California. Paliwanag pa niya, kung talagang mahal mo ang iyong mister, ang pagtanggap sa mga kaibigan niya ay napakahalaga.

Ang pahayag na ito ni Brosh ay sinuportahan naman ng relationship expert at behavioral scientist na si Christie Hartman. Sabi niya noong oras na pinayagan mong maging kabiyak ang iyong mister ay ang parehong oras din na pinayagan mong maging kaibigan at parte na ng inyong buhay ang mga kaibigan niya.

Ngayon kung nahihirapan kang makisama sa mga kaibigan niya, narito ang mga maaari mong gawin ayon kay Hartman at Rosh. Para maging maayos ang samahan ninyo at maiiwasan na ang gusot sa pagitan ninyo ni mister tungkol sa isyung ito.

Ano ang dapat mong gawin para maiwasan na maging simula ng pag-aaway ninyo ang barkada ng iyong asawa?

Subukang kaibiganin sila.

Food photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Pakiramdam mo ba ayaw sa ‘yo ng mga barkada ng iyong mister? Nagsisitahimikan ba sila kapag dumadating ka? Ayon kay Hartman, maaaring pakiramdam mo lang ito.

Mas mabuti umanong makipa-connect sa mga barkada ng iyong mister para makilala mo sila. Magagawa ito sa pamamagitan ng paghingi ng tulong ng iyong mister para maka-bond sila at mapalapit ang loob mo sa kanila.

Paliwanag naman ni Brosh, maaaring nai-insecure ka lang sa oras na ibinibigay ng asawa mo sa kanila. Pero hindi naman talaga sila tulad ng iniisip mo.

Kausapin ang iyong partner tungkol sa kaniyang mga barkada at hingin ang tulong niya na mapalapit sa kanila.

Walang ibang makakatulong sa ‘yo para magkaroon ng maayos na relasyon sa barkada niya kung hindi ang mister mo. Kaya naman mas mabuting i-discuss ito sa kaniya upang maiwasang pagsimulan ito ng gulo.

Ipaalam sa kaniya na nais mong mas makilala ang mga kaibigan niya. Ganoon din para makilala ka nila at maiwasan na ang isyu sa mga pagitan ninyo.

Sabihan siya na baka maaaring maisama ka nila sa usapan o sama-sama nila. Ito ay para makapag-participate ka sa mga usapan nila. Para unti-unti ay gumaan ang loob nila sa ‘yo. Ganoon ding upang mas makilala mo sila at mas maintindihan mo kung bakit sila ang piniling barkada ng mister mo.

BASAHIN:

36 na palatandaan at katangian na mabuti kang asawa kay mister

Ayaw makipagtalik ng iyong asawa? Basahin ang open letter na ito ng isang ina

5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan

Food photo created by cookie_studio – www.freepik.com 

Pakisamahan sila at pagtiwalaan ang iyong mister.

Lagi bang inaaya sa inuman ng mga barkada niya ang iyong mister? Dagdag ba na lagi siyang ginagabi sa tuwing sila ang magkakasama? Oo pangit kung titingnan para sa isang taong may asawa na.

Pero bilang asawa rin niya dapat pagkatiwalaan mo ang iyong mister sa kaniyang ginagawa. Lalo na kung alam mo sa sarili mo na loyal at honest pa rin ang mister mo sa ‘yo.

Kung pakiramdam mo naman ay hindi na sila nagiging magandang impluwesiya sa mister mo ay kausapin siya ng maayos tungkol rito. Ipaalam sa kaniya kung anong nararamdam mo at hindi ‘yung pipigilan siyang makasama ito.

Lalo na kung ang mga barkada niya ay una ng naging parte ng buhay niya bago pa sa ‘yo. Sapagkat ang pagbabawal sa kaniya na makasama ang mga ito ay isang paraan din na papiliin siya sa sa ‘yo at sa barkada niya.

Bilang nasa tamang edad at pag-iisip naman ang iyong mister, pagtiwalaan siya na alam niya ng gawin ang mali at tama. Pero bilang kaniyang asawa ay makakatulong din na paalalahanan siya sa paraan na hindi mo mamaliitin ang pagkatao niya.

Huwag insultuhin ang kaibigan ng iyong asawa.

Ayon kay Hartman, ang pag-iinsulto sa mga barkada ng asawa mo ay parang pang-iinsulto na rin sa kaniya. Sapagkat bilang nasa tamang pag-iisip hindi naman siya pipili ng taong maaaring makasama sa kaniya.

Kaya kahit ano pang galit o ayaw mo sa mga kaibigan niya ay dapat panatilihin mo ang respeto sa kanila. Sa halip ay gumawa pa ng mga paraan para mas maintindihan mo kung bakit sila ang mga kaibigan ng iyong asawa.

Makakatulong ang pagtatanong-tanong sa mga tao sa paligid ninyo na nakakakilala sa barkada ng iyong mister. Tulad ng nanay niya o mga kapatid.

Sapagkat sa tulong nila mas makikilala mo ang barkada ng iyong mister. Mas mo rin maiintindihan kung bakit ang mga ito ang pinili niyang maging kaibigan.

Coffee photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Matuong gumawa ng mga bagay ng mag-isa habang sinusuportahan ang iyong asawa at mga barkada niya.

Ngayon naman kung ginawa mo na ang lahat at hindi mo pa rin makasundo ang mga barkada ng iyong mister, mabuting huwag na lamang magpa-stress sa kanila.

Gumawa ka ng mga bagay ng mag-isa o para sa sarili mo. Habang sinusuportahan pa rin ang iyong mister sa pakikipagkaibigan sa mga barkada niya. Hayaan siyang mag-spend ng oras kasama ang mga ito.

Samantala, sa bahagi mo naman gawin mo ang mga bagay na magpapasaya rin sa ‘yo. Tulad ng paglabas kasama rin ang mga kaibigan mo. Pwede rin gawin din ang iyong mga hobby katulad ng pagbabasa o pagluluto.

Tandaan, sa oras na pumasok ka sa isang relasyon ay kailangang matuto kang tanggapin kung anong klaseng tao ang pinili mo. Hindi para baguhin siya o kaya naman ay kumilos siya ng naaayon sa gusto mo. Sapagkat kung talagang mahal mo siya, mahal mo kung sino siya at mahal mo rin ang mga taong nasa paligid niya.

 

Source:

WebMD