Baron Geisler masayang ibinahagi ang una niyang investment para sa kaniyang pamilya. Aktor mas smart na daw ngayon sa pag-hahandle ng finances niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Baron Geisler on his first investment para sa kaniyang pamilya.
- Realizations ni Baron.
Baron Geisler on his first investment para sa kaniyang pamilya
Sa isang panayam ay proud na ibinahagi ng aktor na si Baron Geisler ang una niyang investment para sa kaniyang pamilya. Ito ay isang bahay sa Cebu na malapit na daw matapos. Ayon sa aktor, ipinagawa niya ito para sa anak na si Talitha.
“I’m just so blessed and grateful na ito yung first, sa pagkahaba-haba at pagkatanda-tanda ko na sa showbiz, ngayon ito yung first investment ko.”
Ito ang proud na pagkukuwento ni Baron sa panayam.
Dagdag pa ng aktor, anak niya agad ang naisip niya ng gawin niya ang investment niyang ito. Ito ay para masigurado na may maiiwan siya para dito sa oras na wala na sila ng misis niyang si Jamie.
“Nung dumating po talaga sa akin yung pera, talagang nilaan ko po talaga sa bahay para sureball na na may investment kami na puwede mabibigay kay Tali pag wala na kami.”
Ito ang sabi pa ng aktor.
Larawan mula sa Facebook account ni Baron Geisler
Realizations ni Baron
Pagdating sa paghahandle ng kaniyang finances, ayon pa kay Baron ay mas smart na siya ngayon. Lagi na nga daw ang future ang nasa isip niya sa tuwing gumagawa siya ng desisyon.
“Hindi na yung mga, ‘I want a motorcycle. I wanna play it smart na kasi, ako, nagtatrabaho ako hindi puro para sa akin, e. It’s for my family. It’s for the future of Talitha.”
Ito ang sabi pa ng celebrity dad.
Inamin niya rin na napupunta talaga sa wala noon ang pera niya. Pero ngayon nagbago na ang pananaw niya sa perang pinaghirapan niya.
“Hindi katulad noon, may PHP1 million ako, bibilhin ko iyan ng cocaine worth PHP1 million. Ganyan ko tinatapon yung pera, and hindi ko maintindihan kung papaano humawak ng pera noon.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Baron Geisler.
Larawan mula sa Facebook account ni Baron Geisler
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!