Baron Geisler ibinahagi ang naging encounter nila ng kaniyang eldest daughter. Aktor nahiya pa daw noon na magpakilala sa anak na siya ang ama nito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Baron Geisler admits having another daughter.
- Relasyon ni Baron at kaniyang anak.
Baron Geisler admits having another daughter
Larawan mula sa Facebook account ni Baron Geisler
Sa panayam sa kaniya ng showbiz reporter na si Ogie Diaz ay inamin ng aktor na si Baron Geisler na may anak siya sa pagkabinata. Ang kaniyang anak ay isa rin daw babae tulad ng anak nila ng misis niyang si Jamie Evangelista na nagngangalang Talitha.
“I have a kid out there, another one.”
Ito ang nangingiting pagbabahagi ni Baron.
Kuwento ng aktor hindi lumaki ang anak na nasa tabi niya. Sa katunayan ay nahiya pa nga daw siya noong una na magpakilala na siya ang ama nito.
“Umiyak ako, kasi noong 2017, noong namatay yung mommy ko, mag-isa na lang ako noon, Pero before my mom passed away, tumitingin ako sa IG, iyong anak ko. Sabi ko, ‘Kamusta ka?” Hindi ko lang masabi na ‘Ako yung tatay mo’ pero lagi akong nakaabang. Umiiyak ako habang lulong ako sa alak.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Baron.
Larawan mula sa Facebook account ni Baron Geisler
Relasyon ni Baron at kaniyang anak
Kuwento niya, ngayon ay maayos ang relasyon nila ng kaniyang anak. Dalaga na daw ito at nakilala rin ng misis niyang si Jamie. Ayon pa sa aktor, ang anak pa daw ang nag-reachout sa kaniya at natuwa siya na nangyari iyon.
Bagamat hindi lumaki ang anak na kasama niya ito, si Baron masaya parin. Dahil sa ganoong paraan daw ay hindi nakita ng anak ang mga maling pinagagawa ni Baron noon.
“Happy ako na lumaki siyang hindi niya naranasan yung kapangitan ng ugali ko, kabulastugan ko. Pero, lonely and sad because I didn’t get to hug her or see her grow up, or talk to her, or play with her. But you know I always believe that everything happens for a reason.”
Ito ang sabi pa ng aktor.
Pagpapatuloy pa niya, nagpapasalamat siya sa maayos na naging pagpapalaki sa kaniyang anak. Ngayon ay bumabawi siya dito at parang nilalagawan parin ito.
“Pinalaki siyang maayos ng mama at papa niya. She’s a very bright kid. Hindi nagmana sa akin. Looks lang.”
Ito ang kuwento pa ng aktor.
Larawan mula sa instagram ni Baron Geisler
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!